BSKE SABAY NG UNDAS, NO CHOICE – COMELEC

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na walang choice kundi sundin ang itinakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa unang Lunes ng Nobyembre na papatak naman sa All Soul’s day.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi sila kinonsulta kung kailan dapat idaos ang halalan.

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na handa naman ang Comelec na isagawa ito sa susunod na taon kahit mataas ang posibilidad ng masamang panahon.

Ito’y matapos lagdaan nitong Miyerkoles ng gabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapalawig sa termino at pagpapaliban sa BSKE sa Nobyembre 2, 2026.

Ang tanong ay kung maapektuhan ang target voter turnout sa BSKE, sa ngayon–hindi pa masabi ng Comelec dahil pinag-aaralan pa nila kung makatutulong ba ang pagkakatapat ng eleksyon sa panahon ng bakasyon o kung, sa halip, matatapat ito sa araw ng pagluwas ng mga botante mula sa kanilang mga probinsya, na posibleng maging hadlang sa kanilang pagboto.

(JOCELYN DOMENDEN)

19

Related posts

Leave a Comment