BSP NAGBABALA VS PASALO OTO SCAM

MAHIGPIT ang naging babala ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa pinakabagong modus operandi ng mga sindikato – ang ‘pasalo auto scam’ kung saan target umanong biktimahin ang magkabilang panig, ang nagbebenta at ang bumibili.

Ang ‘pasalo-benta’ ng mga sasakyan, mas pinipili ng mga may-aring hindi na kayang hulugan ang kinuhang sasakyan na ipasa na lamang sa iba ang kanilang hulugang unit sa mas murang halaga sa kondisyong itutuloy nito ang hulog.

Ngunit sa modus ng sindikato, bibilhin nila sa murang halaga ang isang sasakyan pero wala silang intensyong bayaran ang buwanang obligasyon sa kasang pinagmulan ng unit. Muli nilang ibebenta ang sasakyan sa ibang buyer gamit naman ang mga palsipikadong dokumento.

“The victim will have no rights over the vehicle which will eventually get repossessed leaving the end-buyer with nothing,” ayon pa sa BSP.

Pinaalalahanan naman ng BSP ang mga bangko sa mahigpit na pagpapatupad at pagpapalakas ng mga regulasyon sa ‘anti-money laundering’ tulad ng pagtukoy sa pagkakakilanlan at pagberipika sa mga kustomer; pagsubaybay sa mga transaksyon ng mga kliyente; pag-uulat ng mga kahina-hinalang transaksyon; at pagsasanay sa mga katuwang na car dealers.

Isang memorandum na rin ang inilabas ng BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) ukol sa mga kumikilos na organisadong grupo sa pamamagitan ng auto loans.

Ayon sa PNP, kabilang sa mga pinepeke ng mga sindikato ang ‘conduction stickers, plate numbers, identification cards at employment certificates’ sa pamamagitan ng ‘identity theft’. (RENE CRISOSTOMO)

195

Related posts

Leave a Comment