NAITAKBO ni Kyrie Irving at ng Brooklyn Nets ang 126-123 win kontra host Milwaukee Bucks sa Fiserv Forum, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).
Unang laro ito ni Irving sa dalawang linggo, kasunod ng apat na sunod na laro ng team sa New York City, at umiskor siya ng season-high 38 points upang tulungan ang undermanned Nets.
“It wasn’t just me, it was all of us, swinging the basketball,” lahad ni Irving. “As it got down to under six minutes, it was about who’s in the best condition and who’s going to get up and down the floor and keep that pace. We just didn’t want to slow down our offense… We just wanted to stay aggressive, stay the course, and we did that tonight.”
Na-outscore ng Nets ang Bucks, 23-4 sa third quarter stretch para kunin ang 13-point lead.
Pero hindi sumuko ang Bucks nang bumalikwas, inagaw ang lead, 112-105 kulang limang minuto sa laro.
Dito na muling umarangkada ang Nets, 8-0 run, binawi ang kalamangan at tinapos ang laro via 21-11 run.
May pares ng blocks mula kay Andre Drummond at James Johnson sa final minute, malaking tulong sa panalo ng Nets, isama pa ang sablay na free throw ni Bucks’ Grayson Allen sa huling 14.6 seconds. Sunod ay naisalaksak ni Irving ang dalawang free throws sa huling 8.9 segundo para sa 121-118 score.
Kinabahan pa ang Nets nang sadyaing i-foul ni Seth Curry si Khris Middleton.
Unang sinabi ng reperi nasa shooting motion si Middleton, pero nang rebyuhin ay nadeterminang nangyari ang foul bago ang shot kaya dalawang free throws lang ang ibinigay sa kanya.
Nagpalitan pa ng free throws ang dalawang teams sa final seconds, kung saan sapat na ang ginawa nina Irving at LaMarcus Aldridge para manalo, at nagmintis pa si Giannis Antetokounmpo sa potential game-tying 3-pointer sa buzzer.
Nakaiwas ang Nets (32-29) na malubog ng isang laro sa ibabaw ng .500. Nag-improve rin ang team, 5-14 mula nang ma-MCL si Kevin Durant noong Enero 15 at hindi pa nakakalaro hanggang ngayon.
Ang Nets ay eighth place sa Eastern Conference bago ang laro, ngunit dahil
sa paglalaro ni Irving at sa paghablot ng panalo ay bahagyang nakabawi ang koponan.
Hindi nakalaro sa dapat sana’y debut game ni Ben Simmons sanhi umano ng back soreness. Siya ang kapalit ni James Harden sa Nets-76ers trade, may dalawang linggo na ang nakararaan.
INILISTA ni Trae Young ang 25 sa kanyang 41 puntos sa first half at nagdagdag pa ng 11 assists nang talunin ng Atlanta Hawks ang bisitang Toronto Raptors, 127-100.
Tumulong kay Young si Onyeka Okongwu, may 17 points at seven rebounds off the bench para sa Hawks, nakaka-10 panalo sa nakalipas na 12 laro.
Sina De’Andre Hunter, Kevin Huerter at Bogdan Bogdanovic ay may tig-14 points para sa Atlanta.
Iniskor naman ni Fred VanVleet ang 20 ng kanyang 24 points sa first half at may nine assists para sa ikalawang sunod na talo ng Raptors.
Nagsumite si Precious Achiuwa ng season-best 21 points at nine rebounds para sa Toronto, si Pascal Siakam ay may 14 points, 10 rebounds at five assists, at 10 points off the bench mula kay Thaddeus Young.
Wagi ang Toronto sa unang dalawang laro ngayong season kontra Hawks, na hindi pumayag matatluhan ng Raptors.
Sa iba pang laro: Naungusan ng Memphis Grizzlies ang Chicago Bulls, 116-110; wagi ang Miami Heat kontra San Antonio Spurs, 133-129; tinalo ng Boston Celtics ang Detroit Pistons, 113-104; at nanaig ang Denver Nuggets sa Sacramento Kings, 115-110.
MATAPOS ihayag noong nakaraang linggo ang plano niyang balikan ang Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanyang basketball career at upang makasama ang kanyang anak na si Bronny, bumalikwas si LeBron James sa pagsasabing mananatili siyang Laker “as long as I can play.”
Matatandaang habang nasa Cleveland para sa All-Star Game, inihayag ni James ang kanyang planong lisanin ang Los Angeles, na hindi nagustuhan ng management at maging ng fans.
Kaya matapos matalo nitong Biyernes sa Clippers ay nagsalita si James sa Pro Basketball Talk.
“This is a franchise I see myself being with. I’m here. I’m here. I see myself being with the purple and gold as long as I can play,” sabi niya.
Naging kwestyonable ang status ni James sa Lakers kasunod ng ulat na “unrest with the organization.” Sinasabing na-upset ang star player dahil bigo ang team na makapag-upgrade ng roster matapos ang trade deadline.
Ayon sa ulat, involve sa trade si Russell Westbrook at John Wall. Pero dinenay
ni Rich Paul, agent ni James, na nakipag-usap siya sa Lakers’ front office para itulak ang pagbabago sa organisasyon.
177
