NAPAKAHIRAP talaga ng situwasyon natin ngayon mga ka-SAKSI at mga kabalat.
Dahil hindi natin alam na sa pagbabago ng enhanced community quarantine (ECQ) tungo sa general community Βquarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) ay makababalik na tayo sa ating hanapbuhay subalit malalagay naman tayo sa kapahamakan.
Hindi kasi naging ganoon kadali ang situwasyon partikular na doon sa mga ka-SAKSI natin na walang sariling sasakyan, dahil sa halip na Βhanapbuhay ang intensyon nila paglabas ng bahay ay parang kapahamakan pa ang kanilang masusumpungan.
Sa hirap kasing makasakay ng pampublikong sasakyan noong June 1, Lunes, ay maΒrami sa ating mga kababayan ang naglakad na lamang para makapasok sa kanilang trabaho na βdi alintana na maaaring sila ay tamaan ng heat stroke dahil sa tindi ng init ng araw habang binabagtas ang kalsada o daan bastaβt makapagtrabahong muli.
Mayroon na ngang nawalan ng malay sa Commonwealth AΒvenue sa Quezon City, na isang senior citizen, dahil sa sobrang init at tagal nang paghihintay ng masasakyan. Ang iba ay umuwi na lamang at ang mga talagang nais na makapasok para sa kanilang ikabubuhay ang matiyagang naghintay nang masasakyan bagaman huli na rin sa pagpasok.
Napag-aralan ba talagang mabuti ng gobyerno ang maaaΒring mangyari sa unang araw ng GCQ sa NCR?
Bakit parang kulang na kulang ang ayuda sa ating mga nagbabalik sa trabahong mga manggagawang kababayan?
Kasi kung napaghandaan ng pamahalaan ang lahat, disin sanaβy hindi ganoon kahirap para sa ating mga kababayan ang makapagbiyahe patungo sa kanilang mga trabaho.
Alam naman ng pamahalaan na suspendido pa ang ilang pampublikong sasakyan upang makabalik sa kalsada at higit sa lahat ay mayroong ipinapatupad na physical distancing kaya ilan lang ang maaaring maisakay ng mga pampublikong sasakyan na sanaβy siyang nabigyang aΒtensyon ng pamahalaan.
Mayroon ngang libreng sakay na ibinigay ang pamahalaan subalit hindi naging sapat ang mga ito.
At dahil sa kulang ang mga masasakyang libre at pampublikong sasakyan ay hindi na rin nasusunod ang physical distancing na nais ng pamahalaan na maobserbahan sa mga abangan ng sasakyan dahil nga nag-uunahan na ang ating mga kababayang manggagawa na makasakay kaagad sa mga Βdumarating na mga pampublikong sasakyan kaya nagkakadikit- dikit na sila na βdi malayong magkahawaan, kung ang iba po sa kanila ay mayroong tinataglay na kinatatakutan o nakakamatay na coronavirus disease 2019.
Ang nakatatakot nga nito ay ang sinasabi ni Pangulong Mayor Rody Duterte na βsecond waveβ ng COVID-19, dahil sa wala na umanong pondo pa ang pamahalaan upang maayudahan o matulungan tayong mga mamayan, sakaling dumating ang kinatatakutan pangalawang atake ng pandemya.
Kayaβt sana po sa aΒting mga ka-SAKSI sa buong bansa, magtulungan na lamang tayo at makiisa sa panawagan ng gobyerno na magdobleng ingat upang huwag na tayong magkahawahan pa ng Βnakakapaminsala ng buhay na COVID-19.
195 