BUS DRIVER NAG-SIDELINE NG SHABU ARESTADO 

ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Coastal Mall, Barangay Tambo, Parañaque City dakong alas-4:45 ng hapon noong Martes.

Ayon kay Police Senior Master Sgt. Ellan Sagario, ikinasa ng Parañaque Police Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa Coastal Mall, target ang suspek na si Roderick Dumpi, driver ng Rainbow Express bus, taga-Blk. 267, Lot 7, Purok 6, Area D, Sapang Palay, Bulacan.

Napag-alaman, suma-sideline umano ang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga dahil mas malaki ang kita rito at pansariling gamit.

Agad namang nadakip ang suspek matapos magpositibo ang pagbili ng police poseur buyer ng P200 halaga ng umano’y shabu.

Nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.5 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P10,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)

 

168

Related posts

Leave a Comment