BUS SUMALPOK SA CARGO VAN; 1 PATAY, 3 SUGATAN

QUEZON – Patay ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa kasalubong nitong cargo van sa Maharlika Highway, Brgy. Angeles sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa report ng Atimonan Police, nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi nang tangkaing iwasan ng isang Philtranco bus na patungong southern direction, ang isang tumawid na pedestrian.

Subalit nahagip at nasagasaan din ang pedestrian na nagdulot ng pagkamatay nito bago pa man mairating sa ospital.

Dahil naman sa pag-iwas, sumalpok ang bus sa kasalubong na Isuzu Elf aluminum van truck na patungo naman sa direksyon ng Pagbilao.

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng truck at naipit ang driver nito sa driver’s seat. Sugatan din ang driver ng bus at isang pasahero nito.

Agad isinugod ang mga sugatan sa Doña Martha Hospital ng nagrespondeng mga tauhan ng BFP at Atimonan MDRRMO para lapatan ng lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Atimonan Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga sugatan at namatay na biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

53

Related posts

Leave a Comment