HANDA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang mga negosyo ng gaming business tycoon na si Charlie “Atong” Ang upang tiyakin kung nagbabayad ito ng kaukulang buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumaguil Jr., lahat naman ng mga negosyanteng may kinalaman sa online gambling ay kanilang tinitingnan lalo na kung may mga impormasyon silang natatanggap patungkol sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Aniya, kanilang susuriin para masiguro na hindi “tax evader” ang naturang negosyante.
Dagdag pa ni Commissioner Lumaguil, kanila ring tinitignan ang lahat ng mga sangkot dahil nais lamang ng ahensya na siguradong nagbabayad ang mga ito ng buwis.
(JOCELYN DOMENDEN)
