SUMABAK ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippine sa tatlong araw na boot camp hinggil sa aviation safety sa Talisay, Batangas.
Ayon sa CAAP, matagumpay nilang naidaos ang tatlong araw na intensive boot camp noong nagdaang linggo sa Talisay.
Layunin ng nasabing inisyatiba na palakasin ang technical compliance ng CAAP bilang paghahanda sa nalalapit na Universal Safety Oversight Audit Programme (USOAP) ng International Civil Aviation Organization (ICAO) sa darating na Setyembre 2026.
Nakapaloob sa inilatag na programa ang ilang session na pinangunahan ni Mr. Sandra M.A. Susantha De Silva, dating ICAO Asia and Pacific Safety Implementation Regional Officer.
Ibinahagi nito ang ilang best practices at compliance strategies mula sa ibang ICAO member states.
Nakiisa ang mga kasali sa pagsasanay sa audit simulations, role-playing exercises, at regulatory reviews na dinisenyo para higit na mapalakas ang kahandaan at operational superiority.
“Let me be very clear: this is not about numbers on a scorecard. This is about trust—trust from the public in our service, trust from the international aviation community in our systems, and trust in one another as an organization,” ayon kay CAAP Director General Retired Lt. Gen. Raul Del Rosario.
Layunin din umano nito na mapanatili ang reputasyon ng Pilipinas bilang ligtas, at maasahang civil aviation authority.
Kaya muling inulit ng CAAP ang kanilang pangako para sa tuloy-tuloy na pagbabago at mahigpit na pagtalima sa international aviation safety standards, pagtiyak sa kanilang mga tauhan na may sapat na kaalaman, kakayahan, values at attitude na kinakailangan.
(JESSE RUIZ)
7
