CARNAPPER PATAY SA SHOOTOUT

DAVAO City – Patay ang isang hinihinalang carnapper makaraang makipagbarilan sa mga elemento ng Talomo PNP nitong Sabado ng madaling araw sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, nangyari ang engkwentro pasado alas dos ng madaling araw sa bypass road ng Catalunan, Pequeño sa Davao City.

Lumitaw sa pagsisiyasat, nasabat ng mga tauhan ng Talomo PNP ang hindi pa kinilalang suspek lulan ng motorsiklo.

Ngunit imbes na huminto ay bumunot ng baril ang suspek, nagpaputok saka mabilis na humarurot.

Hinabol ng mga awtoridad ang suspek hanggang sa sumemplang ang motorsiklo nito.

Nawasak naman ang wind shield ng patrol car ng PNP matapos mahagip ng bala ng suspek kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis ikinamatay nito.

Ayon kay Police Major Sean Logronio, hepe ng Talomo PNP, may nagreklamo sa kanilang himpilan tungkol sa ninakaw na motorsiklo kaya naglunsad sila ng checkpoint at blocking force sa mga posibleng daanan ng suspek. (JESSE KABEL)

95

Related posts

Leave a Comment