Cash, dokumento tinangay STEEL COMPANY NILOOBAN NG 5 KALALAKIHAN

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang limang kalalakihan na pumasok sa isang steel company, iginapos ang naka-duty na security guard at tinangay ang mahahalagang dokumento, identification cards at ‘di nabatid na halaga ng cash sa Carmona City noong Martes ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa limang kalalakihan.

Ayon sa salaysay ni “Katrina”, 37, empleyado ng Grand Shine Iron Steel Corporation sa Brgy. Lantic, Carmona, Cavite, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pumasok ang limang kalalakihan sa bintana at iginapos ang guwardiya na si alyas “Wilfredo” saka kinuha ang dalawang bag na naglalaman ng identification cards, mga importanteng dokumento at ‘di nabatid na halaga ng cash.

Matapos nakuha ang pakay ay tumakas ang mga suspek sa ‘di nabatid na direksyon.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa mga dinaanan at pagkakakilanlan ng mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

57

Related posts

Leave a Comment