NADAKIP ng nagpapatrolyang mga operatiba ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District, ang isang Koreano at isa pang lalaki makaraang makumpiskahan ng limang piraso ng ecstasy tablets sa panulukan ng Nakpil at Jorge Bocobo Streets, Barangay 698, Ermita Manila noong Sabado. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 ang suspek na kinilalang si Lee Yong Jae, 46, Korean national, negosyante at residente ng Barangay 698, Malate. Kasama rin sa naaresto ang umano’y kasabwat nito na si Borbe Allaine, 30, ng Pasay…
Read MoreCategory: BALITA
Sa ika-9 anibersaryo ng PCA ruling sa WPS MERCHANT SHIPS, NAVY COAST GUARD NAGSAGAWA NG ‘SIRENE SALUTE’
NAGSAGAWA ng “siren salute” o sabayang pagpapatunog ng sirena ang sea assets ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at maging merchant ships sa buong bansa bilang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng 2016 arbitral award sa South China Sea na pabor sa Pilipinas. Sabay-sabay na pinatunog ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga tambuli ng kani-kanilang mga barko bilang pakikiisa sa anibersaryo ng 2016 Permanent Court of Arbitration ruling nitong nakalipas na Sabado. Ayon kay Captain John…
Read MoreSUSPEK SA PAGKAMATAY NG TINULING 10-ANYOS NASILO SA OPLAN PAGTUGIS
ARESTADO sa inilatag na “Oplan Pagtugis” ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District, ang isang komadrona na suspek sa pagkamatay ng 10-anyos na batang lalaking tinuli nito sa Tondo, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ronald De Leon, station commander, ang suspek na si alyas “Teresita”, nadakip dakong 11:30 ng umaga nitong Linggo sa Paulino Street, Barangay 146, Tondo. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Joel Lucasan, ng Regional Trial Court, Branch 27 ng City of Manila. Nahaharap ang suspek…
Read More2 DRUG DEN NALANSAG, 8 SUSPEK ARESTADO
RIZAL – Walong suspek ang nadakip sa isinagawang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa dalawang magkahiwalay na lugar nitong nakalipas na linggo. Sa ikinasang anti-narcotics operation ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP RIU-4A PIT, nalansag ang isang drug den sa Sitio Manalite, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal. Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina alyas “Dekdek”, pinaghihinalaang drug den maintainer, 44; “Ferdinand”, 37; “John”, 28; at “Adrian”, 23, pawang mga residente ng Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal. Nasamsam sa mga ito ang…
Read MoreP2.5-M MARIJUANA BRICKS NASABAT SA BAGUIO
UMABOT sa 21 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,520,000.00. ang nasabat ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency-CAR Regional Office chief, Director Derrick Carreon, sa Burnham-Legarda, Baguio City. Ayon kay Director Carreon, dalawang drug personalities ang kanilang nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-CAR Baguio/Benguet at Mt. Province Provincial Office sa Burnham-Legarda, Baguio City nitong nakalipas na linggo. Dito nakumpiska ng PDEA ang 21 dried marijuana bricks na P2.5 milyon ang halaga. Ayon kay Carreon, isang 43-anyos na lalaki mula sa…
Read MoreEMPLEYADO NG IACT ITINUMBA SA BAHAY
CAVITE – Patay ang isang lalaking empleyado ng Inter Agency Council for Traffic (IACT) makaraang barilin sa loob ng kanilang bahay sa Gen. Trias City noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Hervin Cabanban, empleyado ng IACT, at residente ng Heneral Uno, Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite, namatay dahil sa tama ng bala sa ulo. Ayon sa salaysay ng kanilang mga kapitbahay, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang makarinig sila ng putok ng baril subalit binalewala nila ito. Kinabukasan, napansin nila na bukas ang pintuan…
Read MoreBOI NAGBIGAY NG GREEN LANE SA P18.7-B BULACAN PROJECTS
PINAGKALOOBAN ng Board of Investments (BOI) ng Green Lane Certification ang 31 proyekto na nagkakahalaga ng P18.7-bilyon at tinatayang makalilikha ng hanggang 7,000 trabaho sa lalawigan ng Bulacan. Ang Green Lane ay itinatag sa pamamagitan ng isang executive order para simplehan, pabilisin, at i-automate ang mga proseso ng pagpaparehistro at pag-apruba ng gobyerno sa strategic investments. Ang Board of Investments ay ang nangungunang ahensya sa pagsulong ng pamumuhunan ng gobyerno ng Pilipinas, isang kalakip na ahensya ng Department of Trade and Industry (DTI). Ang pangunahing tungkulin nito ay isulong at…
Read MoreGLOBAL CITY MANDAUE CORP. NANALO SA SC
MANILA, Philippines — Pinagtibay na ng Korte Suprema ang bisa ng joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng GlobalCity Mandaue Corporation (GMC) at ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaue na isa sa pinakamalaking reclamation project sa Cebu. Nilagdaan noong 2014 ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaue at Sultan 900 Inc. ang isang contractual joint venture agreement (CJVA) kasama ang GlobalCity Mandaue Corporation para sa GlobalCity Mandaue Project, na isang malakihang reclamation at urban development initiative. Saklaw ng proyekto ang reclamation ng higit 131 ektarya ng lupa sa paligid ng Mactan Channel at…
Read MorePalengke, sari-sari store man o tricycle 180 LGUs LARGA NA CASHLESS PAYMENTS
IPATUTUPAD na ang cashless payments sa tinatayang 180 Local Government Units (LGUs) sa pamamagitan ng Paleng-QR PH sa mga pampublikong pamilihan at pagsakay sa pampublikong transportasyon. Kasama sa cashless payment ang sari-sari store, market stalls, at maging ang mga tricycle. Sa katunayan ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na sa 180 LGUs, may 127 ang nasa Luzon, 33 sa Visayas, 15 sa Mindanao at 5 sa National Capital Region. Inilunsad ng LGUs ang programa sa lokal lamang o nagpalabas ng patakaran sa pagpapagana para suportahan…
Read More