INIHAYAG ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio, umabot na sa mahigit P5 bilyong halaga ng ilegal na vape products ang kanilang nakumpiska sa loob lamang ng sampung buwan. Pagmamalaki ni Comm. Rubio, ang nasabing halaga ay resulta ng pinaigting na kampanya nila laban sa illegal vapes at vape products sa bansa. Sinasabing ang pinaigting na kampanya ay bahagi ng ginagawang pagbabantay ng BOC para ipatupad ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act at Customs Modernization and Tariff Act. Katuwang din nila ang Bureau of Internal Revenue (BIR)…
Read MoreCategory: BALITA
Sa political parties, party-list groups at aspirants SOCIAL MEDIA ACCOUNTS REGISTRATION, WALANG DEADLINE
WALANG pagpapalawig sa deadline ng pagpaparehistro ng social media accounts ng political parties, party-list groups at aspirants para sa kanilang kampanya para sa 2025 polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Martes. Ayon sa Comelec Resolution No.11064-A, ang social media registration ay dapat sa/o bago ang Disyembre 13. Pinaalalahanan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang concerned parties na sumunod sa bagong guidelines ng Comelec upang hindi ma-delete ang kanilang posts o platforms. Ang social media account registration ay bahagi ng regulasyon ng digital election campaigning. Layon nitong i-regulate…
Read MoreMAHIGIT P20-M MARIJUANA NASAMSAM NG PNP, PDEA
MAHIGIT P20 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na operasyon nitong nakalipas na linggo. Nasamsam ng pulisya ang marijuana na nagkakahalaga ng P13.3 milyon kasunod ng aksidente sa Purok 4, Barangay Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya. Ayon kay Police Brig. Gen. Antonio P. Marallag Jr., Cagayan Valley Region Police Director, isang sasakyan ang bumangga sa isang concrete barrier bandang alas-3 ng hapon. Napansin ng nagrespondeng mga pulis na nag-aalis ng mga sako sa sasakyan ang mga pasahero kaya…
Read More‘POLITICAL DRAMA’ NG QUAD COMM BUTATA KAY DIGONG
TINAWAG ni dating House speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na isang “big political dud” ang Quad committee investigation na inabot ng 13 oras matapos mabigo ang mga ito na makorner si dating pangulong Rodrigo Duterte. “Natapos ang pagdinig na walang lumabas na bago, walang mahalagang bagong impormasyon, at walang batayan para sa anomang kaso na puwedeng isampa. Lahat ng sinabi ni pangulong Duterte, sinabi na rin niya dati yan, ipinangako pa nga niya noong 2016. Suportado ng taong-bayan yung desisyon nya simulan ang war on drugs, crime, at corruption,” ani Alvarez.…
Read MoreBBM ADMIN TAHIMIK SA HINAHANAP NA P20.5-B CALAMITY FUND
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG dedma ang Malakanyang sa hamon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilatag sa publiko kung paano at saan ginugol ang P20.5 bilyong calamity fund. Ang nasabing pondo ay tanging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., umano ang nagdedesisyon kung saan gagastusin. Nauna rito, nais malaman ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel kung may natira pa sa nasabing pondo. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, tuwing may kalamidad ay nag-aambagan ang mga tao para matulungan ang mga biktima sa abot ng kanilang…
Read More‘KOLEKTOR’ NG QC HALL, CIDG INIREKLAMO NG MGA NEGOSYANTE
(JOEL O. AMONGO) HINDI na nakatiis ang mga negosyante sa Quezon City, inireklamo na nila ang perwisyong dulot ng isang nagpapakilalang kolektor na umiikot sa mga establisimyento tuwing gabi ng Biyernes at Sabado. Ayon sa nakapanayam ng SAKSI NGAYON na may-ari ng isang establisimyento sa nasabing lungsod, napag-usapan ng kanilang grupo na ireklamo na sa media ang abusadong kolektor na nanghihingi sa kanila ng lagay. Aniya, tuwing Biyernes at Sabado ng gabi ay umiikot itong si alyas Ryan/James sa mga establisimento sa Quezon City upang kumolekta ng pera. Si alyas…
Read MoreP1 MILLION INILAAN PARA MAHANAP SI ‘MARY GRACE PIATTOS’
MAY naghihintay na isang milyong piso (P1 million) pabuya sa mga makapagtuturo kung sino at saan matatagpuan ang isang “Mary Grace Piattos” na pumirma ng acknowledgement receipts sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). Ito ang kinumpirma nina Zambales Rep. Jay Khonghun at La Union Rep. Paolo Ortega sa press conference kahapon dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi umano matagpuan si Mary Grace Piattos. “Nag-usap-usap kami, boluntaryo na magbibigay kami ng pabuya na one million pesos kung sino mang makapagsasabi o makapagbibigay ng impormasyon kung sino si…
Read MoreMOCK ELECTION ISASAGAWA SA 1M BOTANTE SA ABROAD
MAGDARAOS ng mock polls ang Commission on Elections sa Disyembre para sa tinatayang mahigit isang milyong botante sa abroad para sa May 2025 midterm election. Ito ang inihayag ng COMELEC matapos ang ginanap na field tests sa iba’t ibang lugar sa United States para sa postal, online at internet voting na unang ipakikilala sa May 2025 national and local elections. Kasabay nito, tiniyak ng Comelec na magpapatupad sila ng security measures upang maharang ang posibleng hacking attempts sa gagamiting sistema. Ayon sa paliwanag ni Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr., ang…
Read MoreFormer ES Rodriguez sa Quadcom: WAR ON CORRUPTION ‘DI POLITICAL PERSECUTION
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA puno ng panghihinayang ang unang executive secretary ng Marcos admin sa lihis na atensyon ng Kongreso dahil imbes pagtugon laban sa korupsyon at iba pang pangunahing problema ng bansa ay ang pag-usig sa mga kalaban sa pulitika ang kanilang inuuna. Sa panayam sa VMR Channel, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na imbes pagtuunan ng pansin ng mga kongresista ang korupsyon ng kasalukuyang administrasyon ay puro pamumulitika ang kanilang ginagawa. Partikular na kinuwestiyon ni Atty. Rodriguez kung nasaan ang milyun-milyong pisong pondo ng 5,500 flood control…
Read More