RABIYA BONGGANG BAHAY BIRTHDAY GIFT SA SARILI

EXCITED na sinilip ni Kapuso star at dating Miss Universe beauty queen Rabiya Mateo ang kanyang bahay, kasama ang kanyang ina sa isang exclusive subdivision sa Laguna noong Huwebes. Birthday ni Rabiya ng araw na yun nang silipin nila ang kanyang brand new home kasama ang kanyang ina na lumuwas pa mula sa Iloilo City. “Super excited kami ni Mama nang i-tour ko siya sa house kasi malaki siya at tahimik yung surrounding”, anang beauty queen. Aminado ang kapuso talent na hulog-hulugan ang kinuhang bahay na mala-mansion naman ang laki.…

Read More

DIGONG HINDI PIPIGILAN KUNG SUSUKO SA ICC

HINDI pipigilan ng gobyerno ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte kung magdesisyon ito na sumuko sa International Criminal Court (ICC) sakali’t mapatunayan na guilty sa di umano’y crimes against humanity na nagawa sa panahon ng pagpapatupad ng anti-drug campaign sa ilalim ng kanyang administrasyon. “If the former president desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang kalatas. Nagpalabas si Bersamin…

Read More

“Bakit ako lang?” BANK WAIVER SA LAHAT – DIGONG

HINDI dapat isentro lamang kay dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagpirma sa bank waiver. Ganito ang katwiran ni Digong nang maungkat sa House Quad comm hearing ang tungkol sa bank accounts umano ng kanyang pamilya. Sa ambush interview, sinabi ni Duterte na pipirma lamang siya ng bank waiver kung lahat ng mga taong papangalanan niya ay pipirma rin ng nasabing dokumento para mabusisi ang kanilang mga bank account. “Lahat, hindi lang ako. Lahat, as in lahat. Lahat ng gusto kong ituro dyan pati yung mga nakaupo sa harap ko. Bakit…

Read More

P1-B QUICK RESPONSE FUND NASAID SA 5 BAGYO

NASIMOT ang P1 billion quick response funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos gastusin sa mga biktima ng limang huling tropical cyclones na tumama sa bansa. “More than P1 billion yung total humanitarian assistance na po ang naipamahagi ng inyong DSWD. Out of that, more than 1.4 million na family food packs ang ating naipamigay dito sa mga probinsiya na apektado ng limang nagdaang bagyo,” ang sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay. “May natira pa tayo so far na P100 million na standby funds. But the good…

Read More

Posibleng tsunami kasunod ng ‘The Big One’ 4th QUARTER EARTHQUAKE DRILL, HILING SERYOSOHIN

NANAWAGAN ang Department of National Defense, at Office of Civil Defense, ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, na seryosohin at suportahan ang Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Nakapokus ang huling NSED ngayong 2024 sa posibleng pananalasa ng malahiganteng tsunami na magaganap kasunod ng malakas na paglindol o “The Big One”. Hinikayat ng DND at OCD ang sambayanan (public and private sectors) na makiisa sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). “This year, the drill will have a special focus on simulation exercises addressing…

Read More

Signal no. 5 sa Cagayan, Signal no. 4 sa Isabela PHL NAGTAAS NG ALERTO SA SUPER TYPHOON OFEL

ITINAAS ng pamahalaan sa pinakamataas na antas ng storm alert ang lahat ng government agencies na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa panahon ng kalamidad at libo-libong pamilya ang inilikas bunsod ng banta ng Super Typhoon Ofel habang nakaamba rin ang paparating na Tropical Storm Pepito. Nabatid na kahapon ay nagsimulang manalasa ang bagyong Ofel sa hilagang bahagi ng Luzon at itinaas sa Tropical Warning Signal no.5 ang malaking bahagi ng Cagayan habang nasa Signal no. 4 naman ang Isabela province. Ipinatupad ng Pilipinas…

Read More

U.S. nagkaloob ng additional P196-M ($3.5-M) $32.9-M AYUDA NG UNITED NATIONS SA SINALANTA NG BAGYO

PINASALAMATAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang United Nations sa plano nitong makalikom ng $32.9 million upang matulungan ang maraming lugar sa Pilipinas na nalugmok dahil sa mistulang pumaparadang mga bagyo na nananalasa sa bansa. Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang hakbangin na ganito ng United Nations ay makatutulong nang malaki para higit pang palakasin at patatagin ang kapasidad ng gobyerno sa pagresponde sa mga sakuna na tatama sa bansa. Nabatid na mismong ang Department of Social Welfare and Development ay nagpahayag na paubos na…

Read More

‘Basag’ sa mga kapwa kongresista CARDEMA KULANG SA KAALAMAN, NILEKTYURAN

MISTULANG estudyanteng nilektyuran ng mga beteranong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kinatawan ng Duterte Youth party-list na si Drixie Mae Cardema matapos palabasin na sila umano ang nagmamahal sa bayan. Sa kanyang binasang manifestation, mistulang kinuwestiyon ni Cardema ang Quad Committee dahil tanging ang mga namatay sa war on drugs lamang umano ang kinokondena ng mga ito samantalang hindi pinapansin ang mga pinatay ng mga drug addict at mga komunistang grupo. “Ang kinokondena n’yo ngayon ay ang dalawang most trusted leaders na todo effort na protektahan ang milyong-milyong…

Read More

NI-RAID NA BPO SA BATAAN HINDI POGO – LAWYER

INIHAYAG ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na hindi saklaw ng kanilang hurisdiksyon ang Central One Bataan PH Inc. para legal na makapag-operate bilang isang business process outsourcing firm. Ito ang inihayag ni Atty. Joseph Lobo, regulatory officer ng PAGCOR sa isinagawang pulong nitong Miyerkoles ng Bataan Provincial Peace and Order Council. Sa naturang pulong na pinangunahan ni Bataan Gov. Joet Garcia na siya ring chairman ng Bataan Peace and Order Council, mahigit sampu mula sa 300 empleyado ng Central One Bataan PH na dumalo sa naturang pulong…

Read More