Bakit walang nahuhuli sa warehouse raid? – Farmers group SMUGGLERS ‘DI TUMBOK SA KAMPANYA NI BBM

HINDI kumbinsido ang grupo ng mga magsasaka sa kampanya kontra smuggling at hoarding ng administrasyong Marcos Jr. Ito ay dahil sa sunod-sunod na pagsalakay na isinagawa laban sa mga warehouse na pinaghihinalaang nag-iimbak ng bigas ay walang naaaresto ang mga awtoridad. “Noong isang taon, may halos isang bilyong halaga ng smuggled rice ang dumating sa Port of Iloilo. May nakulong ba? This proves that the rice cartel and their wide chain of operation and networks remain protected under this administration,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Danilo Ramos.…

Read More

PAGBAWAL NI PBBM SA E-SABONG ‘WA EPEK’ SA MGA ILEGALISTA

NAGMISTULANG inutil ang kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na supilin ang naglipanang ilegal na online sabong sa bansa dahilan sa kawalang aksiyon ng pamunuan ng Pambansang Pulisya, maging ng sekretaryo ng Department of Interior and Local Governments na si Benjamin Abalos, Jr. “Sa ngayon ay tatlong untouchable na e-sabong operations ang hindi masawata sa ilegal nilang operasyon sa kabila ng umiiral na kautusan ng Malakanyang na Executive Order (EO) No. 9,” pahayag ng isang heneral sa Camp Crame na umaaming hindi nila kayang ipahinto ang nasabing ilegal na…

Read More

First time in history DA NI BBM HUMIRIT NG P50-M CONFI FUND

POSIBLENG maging wise investment ang paglalaan ng confidential fund sa Department of Agriculture sa susunod na taon. Ito ang inihayag ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na umaming ito ang unang pagkakataon na may alokasyon para sa P50 million confidential fund ang ahensya na gagamitin para palakasin ang paglaban sa smuggling. Ayon kay Angara, kahit sa mga nakaraang pagdinig sa budget ay wala siyang maalala na may ipinanukalang ganito subalit tiniyak na daraan ito sa matinding debate sa Senado. Sinabi ni Angara na posibleng maging wise investment sa…

Read More

Netizens: Anong dahilan? BBM HINDI MAKA-ATTEND NG MEETING SA DA PERO AYAW BUMITAW

NAIINTRIGA ang publiko kung bakit ayaw bumitaw sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Agriculture si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. gayung hindi niya magawang dumalo sa mahahalagang pulong ng ahensya. Sa social media, hinimay ng mga netizen ang mga posibleng dahilan ng pananatili ni BBM sa DA. Tulad ng inaasahan, umiral ang malilikot na imahinasyon ng mga netizen dahil marami ang naniniwala na malapit sa Palasyo ang mga sangkot sa smuggling na siyang pangunahing dahilan umano kaya nais ni BBM hawakan ang DA. Matatandaang sa pagdinig sa Kamara,…

Read More

KONTRIBUSYON NI SEC. OPLE KINILALA SA ARAW NG MGA BAYANI

KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon sa pagdiriwang ng National Heroes Day ang marangal at napakagandang kontribusyon ng namayapang si dating Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople sa pagpo-promote ng kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Kasabay ito ng tribute ni Pangulong Marcos sa “unsung heroes” na walang kapaguran na itinuon ang kanilang buhay sa public service. Sa talumpati ng Pangulo sa commemorative ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, Lunes ng umaga, sinabi ni Pangulong Marcos na isang “perfect example” si Secretary Ople bilang isang…

Read More

RICE CARTEL PROTEKTADO SA MARCOS ADMIN?

PROTEKTADO hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang rice cartel sa bansa na unti-unting pumapatay sa mga lokal na magsasaka. Ito ang alegasyon ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Danilo Ramos kasunod ng isinagawang raid sa mga bodega sa Bulacan na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez. “We want to believe that the latest raid of several rice warehouses in Bulacan is not just for show and some brownie points,” ani Ramos dahil wala naman aniyang nahuli kundi kinumpiska lang ang may 202,000 sako ng…

Read More

Sa gitna ng problema sa agrikultura BBM LAGING ABSENT SA DA

HINDI dinadaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga importanteng pulong sa Department of Agriculture (DA) kung saan siya ay Secretary. Ito ang inamin ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa pagtatanong ni Northern Samar Rep. Paul Daza sa pagdinig ng House committee on appropriation sa budget ng ahensya sa susunod na taon. Sa dalawang group meeting umano ng ahensya na kanilang ginawa sa nakaraang anim na buwan ay hindi dumalo si Marcos kaya tanging top officials ang nagpulong. Gayunman, nilinaw ni Panganiban na nakikipagpulong siya kay Marcos sa…

Read More

P20/K NG BIGAS MALABO —DA

MALABONG mangyari ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bababa ng P20 ang kada kilo ng bigas. Ito ang inamin ng Department of Agriculture (DA) sa pagdinig ng Kamara sa kanilang budget sa susunod na taon matapos uriratin ni Basilan Rep. Mujiv Hataman kung bababa na sa P20 ang presyo ng bigas kapag naging self-sufficient ang bansa pagdating ng 2028. “Does it means Mr. chairman pagdating nung self sufficiency level natin maabot na rin natin yung P20 na campaign promise ng ating Pangulo?,” tanong ni Hataman matapos…

Read More

NINOY ASSASSINATION TUMAPOS KAY MARCOS

HINDI na mabubura sa kasaysayan na lumaya ang Pilipino sa corrupt at mapang-abusong rehimen ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., bukod sa naibalik ang demokrasya nang patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., 40 taon na ang nakararaan. Ito ang bahagi ng pahayag ng pangulo ng Liberal Party (LP) na si Albay Rep. Edcel Lagman sa 40th death anniversary ni Aquino kahapon. “Filipinos manifest their love of country in different ways like doing their civic duty, crusading for meaningful reforms, resisting oppression and repression, campaigning for a…

Read More