BINITAY ang isang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa ng departamento ang lahat ng posible sa kaso ng akusadong Pilipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, subalit nabigo lamang sila. “No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ayon kay De Vega.…
Read MoreCategory: BBM
HALOS P100-M NAIPAMAHAGI NG BBM ADMIN SA DAVAO REGION
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, at iba pang ahensya ang paghahatid ng halos P100 milyong halaga ng tulong sa may 11,808 benepisyaryo sa Davao Region kasama ang healthcare worker, estudyante, mga kabataan, at mga guro. Sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Marcos na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na pinasimulan ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Romualdez at DSWD…
Read MoreAlyansa ng mga partido hindi plantsado LOCAL BETS NI BBM NAGBABARDAGULAN?
(BERNARD TAGUINOD) MAY hindi pagkakaunawaan sa mga lokal na kandidato ng mga partidong kabilang sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas (ABP) na binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2025 midterm election. Ito ang lumalabas matapos aminin ni ABP spokesman at Navotas Rep. Toby Tiangco na kaya siya nag-file agad ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa kanyang reelection bid ay upang maharap ang problema sa local candidates. “Hindi pa. Kaya nga ako nag-file nang maaga kasi hanggang kagabi meron pa kaming inaayos (problema),” ani Tiangco nang…
Read MoreSenatorial lineup ni BBM inismol ng netizens BAGONG PILIPINAS WALANG BAGO, PURO TRAPO
(CHRISTIAN DALE) DISMAYADO ang mga netizen sa inilabas na listahan ng mga pambato ng administrasyong Marcos sa pagkasenador sa midterm elections sa susunod na taon. Karamihan sa mga komento ay patutsada na budol ang slogan na Bagong Pilipinas ng Marcos admin dahil wala namang pagbabago kundi pareho pa rin na mga trapo at produkto ng dinastiya ang kanilang ilalako sa mga botante. Komento ng isang alyas Ricky: The Admin line up swarming with political butterflies and old recycled TRAPOS. Hindi nababagay ang Bagong Pilipinas na tagline ni BBM Jr dahil…
Read MoreMARCOS NAIS PANAGUTIN SA HOARDING NG 20M KL BIGAS
KUNG may dapat panagutin sa pagho-hoard ng bigas sa Manila Port ay walang iba kundi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Giit ito ng grupong Bantay Bigas at Amihan kaugnay ng 888 shipping containers sa Manila Port na naglalaman ng 20 milyong kilo ng bigas. “Sa lahat ng ito, walang ibang dapat managot kundi si Marcos dahil sa promotor siya ng Rice Liberalization Law, Executive Order No. 62 at iba pa,” ani Cathy Estavillo, secretary general ng Amihan at spokesman ng Bantay Bigas. Pinagbabantay rin ni Estavillo ang taumbayan dahil…
Read MoreDURAN DURAN’ SA B-DAY BASH NI MARCOS, URI NG KORUPSYON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA sa maraming netizens, uri ng korupsyon ang pagpe-perform ng British pop band na Duran Duran sa bonggang birthday party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan. Ito ay kahit pa sinasabi ng Malakanyang na libre at sorpresang handog ang party ng mga kaibigan ng pangulo. Maging abogado, law professor, at TV personality na si Dean Mel Sta. Maria ay sang-ayon dito. Katunayan, sa X platform ay nag-post din ang abogado ng ganito: “PUBLIC OFFICERS MUST LIVE MODEST LIVES. KUNG NIREGALUHAN ng malaking bagay ang isang politiko…
Read MoreSa pag-aresto sa transport leaders PROTESTA KRIMEN NA BA SA MARCOS ADMIN? – SOLON
(BERNARD TAGUINOD) SA halip pakinggan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinaing ng mga tsuper na kontra sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay tinatratong kriminal na ang mga ito. Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos arestuhin ng mga otoridad ang mga transport leader mula sa PISTON at Manibela sa Bacolod City na nagsasagawa ng protesta sa Transport summit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). “Bingi-bingihan ang gobyerno sa mga hinaing ng mga tsuper na apektado ng PUV modernization program. Imbes na pakinggan,…
Read MoreSPONSORS NG MALUHONG BDAY BASH NI BBM ISAPUBLIKO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAIS ng mga netizen na isapubliko ng Malakanyang kung sino ang mga kaibigan umano ni Pangulong Bongbong Marcos na sumagot sa kanyang magarbong birthday. Giit ng netizens, paglabag sa itinatakda ng RA 6713, na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo ng mga nasa gobyerno, ang birthday treat sa Pangulo. Matatandaang agad nilinaw ni PCO Secretary Cesar Chavez na walang ginastos ang pamahalaan sa okasyon kung saan nag-perform ang 80’s English pop rock band na Duran Duran. Ngunit duda ang mga netizen na walang anomang kapalit ang kagandahang…
Read MorePANANATILI NG PILIPINAS SA ESCODA SHOAL TINIYAK
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa puwersa ng gobyerno na panatilihin ang ‘strategic presence’ sa West Philippine Sea kasunod ng pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) mula Escoda Shoal. Sinabi ito ni National Maritime Council (NMC) spokesman Alexander Lopez matapos mag-pull out ang BRP Teresa Magbanua dahil natapos na ang matagumpay nitong five-month mission sa pinagtatalunang katubigan. Sa isang panayam ng Malacañang reporters, ngayong Lunes, sinabi ni Lopez na nakatakdang mag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng bagong vessel para i-monitor ang lugar kasunod ng direktiba mula sa Pangulo.…
Read More