DREDGING OPS PAIIGTINGIN SA BULACAN, PAMPANGA

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tulungan ang mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa pagpapaigting ng dredging operation sa nabanggit na mga lalawigan. Ang paghuhukay sa mga kailugan at sapa ang isa sa pangunahing mga aksyon na kailangang gawin para sa pangmatagalang solusyon na nakikita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang mabawasan ang pagbaha. Sa isinagawang Situation Briefing kasama sina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro at…

Read More

PAG-ENDORSO NI BAUTISTA SA CLA PAGSUWAY SA KAUTUSAN NI PBBM

MISTULANG kinunsinte pa ng isang trade association ng mga international shipping lines ang mga panukala mula sa Department of Transportation (DOTr) kung paano haharapin ang matagal nang isyu sa container deposits at sinabi na ang mga solusyon na inaalok ng ahensya ng gobyerno ay mas mahusay kaysa sa mga hakbang na iminungkahi ng Philippine Port Authority (PPA) o ng pantalan. Ang hakbang ni DOTr Secretary Jaime Bautista na hikayatin at i-endorso pa umano sa mga international shipping lines na mag-subscribe sa Container Ledger Account (CLA) ay salungat sa direktiba ni…

Read More

Mas matapang na aksyon vs China hirit ng solon BBM KULANG SA ANGAS

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG hindi kuntento ang isang mambabatas sa Kamara sa naging tugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hinggil sa pagbomba ng tubig ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard na magdadala ng supply sa Ayungin Shoal noong Sabado. Nakukulangan si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez dahil tanging note verbale ang ipinadala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Chinese Embassy bilang protesta sa naging aksyon ng kanilang Coast Guard laban sa PCG. “I ask the President to downgrade our embassy in Beijing to…

Read More

Kalamidad ginagamit para mag-import NANLILINLANG SI BBM – FARMERS

(BERNARD TAGUINOD) ISANG uri ng panlilinlang ang paggamit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kalamidad lalo na sa nagdaang bagyong Egay at habagat para maikatwiran ang panibagong pag-aangkat ng bigas na siguradong dagdag pako sa kabaong ng mga magsasaka. Ginawa ng grupong Amihan ang nasabing pahayag sa kanilang kilos protesta kahapon sa Department of Agriculture (DA) upang kalampagin si Marcos sa kawalang aksyon umano nito sa tumataas na presyo ng bigas matapos manalanta ang bagyong Egay. “Dapat magalit at singilin si Marcos sa kapabayaan niya sa mga magsasaka at…

Read More

AERIAL INSPECTION SA MGA BINAHANG LUGAR SA BULACAN AT PAMPANGA

NAGSAGAWA kahapon ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga na lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng nagdaang Habagat at bagyong Egay at Falcon. Kasunod nito ay nagkaroon din ng pamamahagi ng various government assistance na pinangunahan din ni Marcos kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Sa situational briefing ay tinalakay ang mga pamamaraan kung paano matutugunan ang suliranin sa lumalalang pagbaha sa lalawigan. Unang pinatututukan…

Read More

Kagutuman hindi matugunan BBM INUTIL -MAGSASAKA

(BERNARD TAGUINOD) NAGING inutil si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtugon sa lumalalang kahirapan at kagutuman kaya dapat na itong singilin at panagutin. Pahayag ito ni Cathy Estavillo, Secretary General ng Amihan at tagapagsalita ng Bantay Bigas, matapos tumaas ang presyo ng bigas kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay sa Northern at Central Luzon kung saan lumubog ang mga palayan. “Sa gitna ng tumitinding krisis, dapat tumindig ang mamamayan at sama-samang manawagan para singilin at panagutin si Marcos Jr. sa kainutilan nitong tugunan ang lumalalang kahirapan at kagutuman. Kailangan…

Read More

Solons: Kung ‘di ubra sa korte ANTI-TERROR COUNCIL GAMIT NI BBM SA KALABAN

(BERNARD TAGUINOD) NAGIGING sandata ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Anti-Terror Council (ATC) kapag hindi umubra ang kasong isinampa laban sa kanilang mga kalaban sa pulitika at kritiko sa hanay ng mga militanteng grupo. Ito ang pinag-isang pahayag ng Makabayan bloc sa Kamara kaya nanganganib umano ang mga kritiko ni Marcos at maging ang mga kalaban ng mga ito sa pulitika na nais niyang patahimikin kung hindi kakalusin ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng ATC. Ginawa ng grupo ang pahayag matapos italaga ng ATC bilang terorista si Negros Oriental…

Read More

SUGAR SMUGGLING NAGING LEGAL SA KADIWA NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG naging normal at lehitimo ang sugar smuggling sa ilalim ng administrasyon ni Pangulo at Department of Agriculture (DA) Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcoss Jr. Ito ang tinuran ng Kabataan party-list matapos ibenta sa mga Kadiwa Center ni Marcos ang smuggled sugar na kinumpiska ng gobyerno. Ayon sa grupo ni Rep. Raoul Manuel, ibinebenta sa mga Kadiwa Center ang may 4,000 metric tons na asukal na inismuggle mula Thailand sa halagang P70 kada kilo kaya inaasahan na kikita rito ang gobyerno ng tumataginting na P280 million. “Hinuli nga ng…

Read More

Full-time DA secretary italaga MARCOS JR. PINAGBIBITIW

(BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA) NANGANGANIB ang sikmura ng mga Pilipino sa desisyon ng desisyon ng India na itigil ang pag-export ng bigas, pagkontrol ng Vietnam sa kanilang rice importation, pananalasa ng bagyong Egay at maging ang problema sa Ukraine deal. Ito ang babala ni Batangas Rep. Ralph Recto, na itinuturing na quadruple whammy sa mga Pilipino lalo na’t ang Pilipinas ang pangalawa sa mundo na nag-iimport ng bigas at ika-anim naman sa wheat importer. “Ito ang suntok sa sikmura na dapat paghandaan nating lahat. These developments are the sound of empty…

Read More