PUSLIT NA P3.8-B SHABU NAHARANG SA PORT OF SUBIC

MATAGUMPAY na naharang ng Bureau of Customs – Port of Subic, sa pakiki­pagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Department of Justice (DOJ), ang tangkang pagpuslit sa tinatayang P3.8 bilyong halaga ng umano’y shabu. Ang operasyon ay isinagawa kasunod ng derogatory report mula sa Intelligence Group, na nagresulta sa pagkakasabat sa 530 packs na naglalaman ng methamphetamine. Ang illegal substances ay nakalagay sa 1×40 container na orihinal na idineklarang naglalaman ng 881 bags ng animal feeds mula sa Thailand. Kaugnay nito, noong Setyembre 21,…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA FAKE BOC FB ACCOUNTS, SCAM

NAGPALABAS muli ng babala ang Bureau of Customs – Port of Subic kaugnay sa nagpapanggap na mga empleyado ng ahensya gamit ang fake Facebook account para makapanloko ng mga biktima. Ang unscrupulous individual ay kasalukuyang nag-o-operate ng isang mapanlinlang na Facebook account sa ilalim ng pangalang “Felicia Recarte” na nagpapanggap na isa siyang empleyado ng BOC Port of Subic. Layunin nito na makapanloko at makahingi ng pera mula sa mga indibidwal na walang pag-aalinlangan. Nilinaw naman ng pamunuan ng BOC Port of Subic na mahigpit silang sumusunod sa official communication…

Read More

BOC PINURI NI PBBM SA KAMPANYA VS SMUGGLING

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang Bureau of Customs (BOC) sa malakas nilang paninindigan laban sa smuggling, sa isinagawang matagumpay na turnover ng P42 milyong halaga ng bigas sa piling government agencies at benepisyaryo noong nakaraang Martes, Setyembre 19, 2023. Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng 42,180 sako ng bigas sa piling mga benepisyaryo sa Zamboanga City at Tu­ngawan, Zamboanga Sibugay. Ang iba pang natitirang mga sako ng bigas ay inilaan sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao at ipamamahagi sa sandaling malaman ng Department…

Read More

NASABAT NA P31.5-B SMUGGLED GOODS HIGHEST-EVER RECORD NG BOC

NAKAPAGTALA ng highest-ever record ang kasaluku­yang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling matapos na makasabat ang ahensiya ng tinatayang P31.5 bilyong halaga ng iba’t ibang mga kalakal. “Ang bureau, under the leadership of Commissioner Bienvenido Rubio, has already got the highest seizure, in a terms of smuggling, nag-resulta na po ito sa P31.5 billion (pesos worth) na various commodities, ito po iyong highest-ever record po ng Bureau of Customs, considering na hindi pa po tapos ang taon,” ani BOC Director Verne Enciso sa isang forum sa Que­zon…

Read More

POLITICAL WILL VS SMUGGLERS, CARTELS ANG NARARAPAT – KMP

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO MANANATILING namamayagpag ang mga smuggler at cartel sa mga produktong agrikultura partikular sa bigas dahil walang political will si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ito ang sinabi ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa pamumuno ni Danilo Ramos, chairman ng KMP, dahil puro pitik lamang ang ginagawa ng pamahalaan laban sa mga sindikato na pumapatay sa lokal na mga magsasaka at nagpapahirap sa mga Pilipino. Ayon pa sa grupong ito, kailangang magkaroon ng political will at sinseridad ang Pangulo para labanan ang talamak na…

Read More

ENTRANCE AUDIT CONFERENCE ISINAGAWA SA BOC

NAGSAGAWA ng Entrance Audit Conference ang Commission on Audit (COA) kasama ang Bureau of Customs (BOC) noong ika-21 ng Setyembre, 2023. Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan nina BOC Internal Administration Group Acting Deputy Commissioner Michael Fermin at COA Resident Auditor Atty. Arnel Bacarra. Sa pagpupulong na ito, tinalakay ng COA ang papara­ting na annual audit sa BOC para sa taong ito. Pinag-usapan din ng BOC at COA ang mga kritikal na impormasyon at mga update ukol sa mga hakbang na kinakaila­ngang gawin upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng…

Read More

P5.8-M SMUGGLED DIESEL FUEL NASABAT SA BOC-ZAMBOANGA

NASABAT ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga, sa tulong ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Water Patrol Division, TG Aduana SWM/BARMM, at ng Coast Guard Inspector General – Southwestern Mindanao (CGIG-SWM), ang isang barkong naglalaman ng mga produktong petrolyo na P5.8 milyon ang halaga, sa Brgy. Cawit, Zamboanga City noong Setyembre 9, 2023. Ang operasyon ay nag-ugat sa pamamagitan ng intelligence report na isang barko mula Taganak Island, Tawi-Tawi patungong Zamboanga City, ang may dalang smuggled fuel products. Ang nasabing barko na…

Read More

CHINESE MAFIA SA SMUGGLING NG BIGAS TATALUPAN NG BOC

TINUTUNTON na ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y Chinese mafia sa likod ng pagpupuslit ng bigas sa Pilipinas. Sa impormasyong ibinahagi ni BOC Director Vernie Enciso, sa kanilang inisyal na impormasyon, ang mga sangkot sa rice smuggling ay nasa sektor ng financing, distribution at iba pa. Pag-amin naman ni BOC chief of staff Atty. Marlon Agaceta, mahirap matukoy ang pinagmulan ng smuggled rice at kung sino ang nasa likod nito. Gayunman, patuloy sa pangangalap ng impormas­yon ang kagawaran upang matukoy ang mga nagsasab­watan sa pagpupuslit ng bigas sa bansa.…

Read More

CSHCTC ININSPEKSYON NG BOC-CEBU

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II ang isinagawang inspeksyon sa Cebu South Harbor and Container Terminal Corporation (CSHCTC) port facility noong Setyembre 07, 2023. Layunin ng inspeksyon na tiyaking epektibo at ligtas ang galaw ng mga kalakal sa pamamagitan ng mahalagang ‘gateway’ ng kalakalan na ito. Personal na tinasa ni District Collector Atty. Morales II ang ‘infrastructure, operations, and security mea­sures’ na ipinatutupad sa Cebu South Harbor. Binigyaang-diin ni District Collector Morales II ang kahalagahan ng inspeksyon na ito, “The…

Read More