(Ni JOEL O. AMONGO) MAS magiging mahigpit na ang Bureau of Customs (BOC) sa kanilang operasyon pagpasok ng taong 2020 upang matigil ang ‘graft and corruption’ sa Aduana. Ito ang ginawang paniniyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang mensahe noong Kapaskuhan kasabay nang pasasalamat sa kooperasyon at pakikiisa ng lahat sa taong 2019. “Dahil sa pagtutulungan ng bawat isa sa kagawaran ay naipatupad ang bagong sistema at mas napadali ang proseso sa pagkakaroon ng ngipin sa mga hakbang para matigil ang graft and corruption,” ayon kay Guerrero. “Nag-level…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
GABAY SA ‘REX SYSTEM’ IPINALABAS
KAMAKAILAN, naglabas ng panuntunan at gabay ang Bureau of Customs kaugnay sa implementasyon ng Registered Exporters (REX) System na magpapatunay sa pinanggalingan ng kalakal. Ang sistema ay ipinakilala ng European Union (EU) base sa kanilang kagustuhang pamamaraan sa negosyo o kalakalan. Batay sa Customs Memorandum Order 50-2019 na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero noong Nobyembre 26, sakop ng guidelines ang pagpapatupad ng REX kung saan kasama ang Rules of Origin. Ang batayan ay inilatag sa EU Delegated Regulation No. 2015/2446 at EU Commission Implementing Regulation 2015/2447 ng Union Customs Code (EU Regulation No. 952/2013 gayunman, tanging ang BOC ang pwedeng…
Read MoreBOC NAMAHAGI NG BIYAYA
NAGSANIB puwersa ang dalawang tanggapan ng Bureau of Customs (BoC) sa pagbibigay ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Barangay Maraga-a, Kiblawan, Davao Del Sur bago ang Kapaskuhan. Nangalap ng ‘Noche Buena’ packages ang mga opisyales at tauhan ng Port of Manila at Port of Davao para may magamit sa araw ng Pasko ang biktima ng lindol na pansamantalang tumitigil sa ilang evacuation centers. Nais ng POM at POD na sa pamamagitan ng kanilang tulong ay pansamantalang maibsan ang dinadalang bigat sa dibdib ng mga residenteng nawalan…
Read MoreP8.9-M SMUGGLED RICE HULI
(Ni BOY ANACTA) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mahigit P8.9 milyong halaga ng smuggled na bigas mula sa Vietnam sa Port of Cebu noong Huwebes. Ang white rice na nakalagay sa 10 containers ay naka-consign sa Sagetics Enterprises na dumating sa daungan noong Nobyembre 12. Sa ginawang physical examination ni Customs Examiner Marc Henry Tan kasama ang mga miyembro ng Department of Agriculture Compliance and Regulatory Enforcement for Security and Trade Office (CRESTO), Bureau of Plants Industry at Philippine Drug Enforcement Agency nitong Disyembre 19, natuklasan na lima sa sampung containers ay naglalaman ng misdeclared ‘goods of glutinous rice’ o super malagkit. Nagpalabas ng Warrant…
Read MorePADALA DUMAGSA DAHIL SA TAX-FREE BALIKBAYAN BOXES; GUIDELINES NILINAW NG BOC
MULING nilinaw ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang ipinalabas na guidelines kaugnay sa pagpapadala ng duty and tax free balikbayan boxes dahil na rin sa pagdagsa ng mga ito. Ayon sa BOC, sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang nagbabalik residente – overseas filipino workers (OFWs) at iba pang Filipino na residente na sa abroad, sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay pinapayagang magdala o magpadala ng duty and tax-free balikbayan boxes sa kanilang pamilya o kamag-anak. Kasama sa pribilehiyong ito ang Qualified Filipinos While Abroad na OFWs na may valid passports na…
Read MoreP141-M SHABU NASABAT SA NAIA
MULING nakaiskor ang Bureau of Customs nang masabat ang panibagong kontrabando ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P141 milyon noong Miyerkoles sa loob ng FeDex warehouse sa Pasay City. Sa report na natanggap ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) District Collector Carmelita Talusan, nadiskubre ang mga pinaghihinalaang shabu na idineklarang speakers na galing sa United States of America matapos itong isailalim sa physical examination ng mga BOC personnel. Tumambad sa pinagsanib na elemento ng BOC, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kontrabando na ilegal na droga o shabu na umaabot sa 20.8 kilos na…
Read MoreNOVEMBER TARGET NALAGPASAN NG BOC-PORT OF TACLOBAN
(Ni Joel O. Amongo) BILANG pagtupad sa mandato ng Bureau of Customs (BOC) para mangolekta ng makatuwirang buwis para sa gobyerno, nalagpasan ng Port of Tacloban ang kanilang November target. Batay sa ulat ng BOC-Port of Tacloban, nakapagtala sila ng positibong lagpas na 65.2 porsyento ng kanilang koleksyon para sa nasabing buwan. Ang Port of Tacloban, kasama ng kanyang Subports (Isabel at Catbalogan) ‘as of November 30, 2019’ ayon sa kanilang ulat, ay positibong sumobra sa kanilang target. Ang kanilang actual na nakolekta ay umabot ng P70,938,330, na 65.2 porsiyentong mas malaki sa nakatalaga sa kanilang target…
Read MoreBOC TUMANGGAP NG FOI AWARD MULA SA PCOO
KINILALA ng Freedom of Information-Project Management Office (FOI-PMO), sa ilalim ng Presidential Communication Operations Office (PCOO), ang Bureau of Customs (BOC) sa 2019 Freedom of Information Awards na isinagawa sa Peninsula Manila Hotel sa Makati City noong Disyembre 12. Ang BOC ay pinarangalan bilang isang ‘top performing agencies’ sa Electronic Freedom of Information (eFOI) Portal (www.foi.gov.ph) at para sa kanilang ‘exceptional and significant contribution to the FOI’s progress and development’. Kaugnay nito, ang bureau sa pamamagitan ng BOC-Customer Assistance and Response Services (CARES), sa ilalim ng Public Information and Assistant Division, ay mayroong pare-parehong paraan ng pagbibigay ng komentaryo at paggawa ng matibay na tulay sa pagitan ng…
Read MoreISO RISK MANAGEMENT TRAINING SA BOC TOP MANAGEMENT
BILANG bahagi ng pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) na makamit ang ISO 9001: 2015 certification, ang BOC top management ay isinailalim sa ISO 31000 Risk Management Course na isinagawa sa SGS Academy, Makati City noong Disyembre 10. Kabilang sa mga dumalo si BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kasama sina Deputy Commissioner Donato San Juan (IAG), Deputy Commissioner Raniel Ramiro (IG), Deputy Commissioner Teddy S. Raval (EG) at Assistant Commissioner Vincent Philip C. Maronilla (PCAG). Sumama rin sa nasabing grupo ang BOC collectors mula sa iba’t ibang collection district ng bureau. Ang ISO 31000 Risk Management-Principles and Guidelines, ay hinggil sa ‘risk…
Read More