(Ni JO CALIM) ISANG seminar kaugnay sa Magna Carta of Women (RA 9710) ang ginanap sa Port of Subic noong nakaraang linggo na pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC). Layon ng pagpupulong na may temang “VAW-FREE Community Starts with Me!” na magbigay suporta sa 18-araw na kampanya na “End Violence Against Women 2019” upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Kaya nga kasamang tinalakay sa seminar ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 (RA 9262). Ilang resource speakers ang dumalo sa seminar kabilang ang dalawang pulis na miyembro ng Philippine National Police-Olongapo City. Pinangunahan ni BOC Port…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
MALASAKIT SA KAPWA NG BOC
IPINAKITA ng Bureau of Customs-Port of Manila na handa silang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga biktima ng kalamidad. Sa pangunguna nina Atty. Florante Macarilay, Deputy Collector for Assessment; Atty. Ma. Liza Sebastian, Deputy Collector for Operations at Carmencita Cerdenia, Deputy Collector for Administration ang pagtitipon ng kanilang mga tulong. Ilan sa mga donasyon ng POM ay mga kumot, damit, kulambo, diapers, hygiene kits, de lata, noodles, gamot, tubig at iba pa na itinurn over nila sa Non-Government Office na magdadala sa Mindanao kung saan maraming pamilya ang napinsala ng kalamidad. (Boy Anacta) 432
Read MoreMULTI-SECTOR GOVERNANCE COUNCIL BINUO NG BOC
DAHIL sa matagumpay na pagpasa sa ‘initiation stage’ ng Performance Governance System (PGS), binuo ng Bureau of Customs ang kanilang Multi-Sector Governance Council (MSGC) na sa ibang organisasyon ay tinatawag na advisory council. Pinangunahan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagbuo ng MSGC na binubuo ng sectoral leaders at kinatawan na tatayong external advisory group na naatasan upang magbigay ng ekspertong payo sa Bureau of Customs (BOC). Layon ng pagtatayo ng MSGC na pagtulung-tulungan ang pagtupad sa layunin at pangitain ng BOC na mapalakas at mapatatag ang kanilang tanggapan upang maabot ang Customs administration at global standard. Inaasahang ang mga bumubuo ng…
Read MorePORT OF SURIGAO MAS PALALAKASIN; 2020 COLLECTION TARGET ITINAKDA
TINALAKAY ng Bureau of Customs-Port of Surigao sa kanilang meeting ang kanilang target collection para sa 2020. Ang “set to come up with a rationalized and fair allocation of collection target” na ginawa sa Port of Surigao sa pangunguna ni District Collector Ciriaco D. Ugay ay naglalayong mas palakasin pa ang koleksyon ng kanilang tanggapan. Sa kanilang talakayan, binigyang-diin ang ‘ports’ projected importation and economic situation’ na maging makabulahan ang kontribusyon sa bureau’s revenue collection efforts. Matatandaang ang BOC-Surigao ay nakapagtala ng kanilang koleksyon para sa buwan ng Setyembre ng P3,210,000, na naging positibong sobra 23.18% o mahigit sa kalahating milyong piso. Nasa ilalim ng BOC Port of Surigao ang subports sa Nasipit at Bislig na naging dahilan kaya nila nalampasan ang kanilang monthly target para sa buwan ng Setyembre. Pinangunahan ni Ugay ang presentasyon ng commendation certificates na ibinigay sa kanyang…
Read MoreISO TRAINING SA SUBPORTS OF MACTAN, DUMAGUETE IKINASA
DUMALO ang subports ng Mactan at Dumaguete sa isinagawang International Standard Organization (ISO) Workplace Management Training: 5s Workshop noong nakaraang Disyembre 2 hanggang 3. Layunin ng dalawang araw na pagsasanay na isinagawa ng Internal Quality Management System Office (IQMSO) na maunawaan ng personnel ng subports ng Mactan at Dumaguete na i-apply ang mga hakbangin sa workplace management sa pamamagitan ng 5S Methodology. Sa nasabing training ay kabilang ang sunud-sunod na workshops ng Bureau na ibinigay para sa nasabing dalawang subports para sa kani-kanilang ISO Certification. Samantala, ang subport of Dumaguete ay nagsagawa ng kanilang annual Christmas outreach program na may temang,…
Read MoreP7.4-M PEKENG YOSI NASABAT NG BOC PORT OF TACLOBAN
(Ni JOEL O. AMONGO) AABOT ng P7.4 milyong halaga ng pekeng sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Tacloban mula sa dalawang Chinese national sa Brgy. Nula-Tula ng nasabing siyudad noong Disyembre 8. Ang mga sigarilyong may kabuuang 369 kahon na may tatak na Mighty Cigarettes ay nasabat sa bayan ng San Miguel sa lalawigan ng Leyte at lulan ng sasakyang minamaneho ng isang Filipino driver. Dumaan umano ang minamanehong sasakyan ni Jorge Poraza Mantoa, 24-anyos, may-asawa, nakatira sa Brgy. Utap, Tacloban City, sa isang checkpoint sa nasabing lugar at nang masitang walang driver’s license ay natuklasan ang kargang mga sigarilyo ng kanyang sasakyan. Kinilala naman ang dalawang Chinese national na sina…
Read MoreSEAPORT INTERDICTION TRAINING ISINAGAWA
BILANG bahagi ng The Bureau of Customs sa pagtutulak ng palitan ng impormasyon at mapahusay ang kakayanan ng Port of Limay, nagsagawa ng Seaport Interdiction Training of the Authority sa Freeport Area of Bataan (AFAB) Administration Building, Mariveles, Bataan noong nakaraang Nobyembre 21. Pinangunahan ni Port of Limay District Collector Michael Angelo DC Vargas, kasama ng Special Agents mula sa Enforcement Security Service (ESS) ang mga dumalo sa naturang okasyon. Ang pagsasanay ay dinaluhan ng AFAB personnel maging ng mga kinatawan mula sa enforcement agencies, kasama si AFAB District Collector Michael Angelo DC Vargas na nagbigay ng maigsing mensahe sa mga dumalo rin…
Read MoreSCAM ALERT NG BOC
MULI po kaming nagpapaalala na maging maingat sa pakikipag-chat online. Marami ang nabibiktima ng LOVE SCAM tuwing nalalapit ang kapaskuhan. Huwag basta maniniwala sa mga mensahe na natatanggap sa text o e-mail na nagsasabing kayo ay may na-kahold na package at kailangang magbayad thru personal bank account or money remittance. Kapag nakatanggap ng ganitong impormasyon at upang malaman kung lehitimo ang ipinadalang package, itawag lamang sa BOC Hotline (02) 8705-6000, 09052997977, 09295035138 o mag-email sa boc.cares@customs.gov.ph. Beware of fake love! 327
Read MoreP1.8-M KUSH TINANGKANG ILUSOT, CLAIMANT SWAK SA CAIDTF
ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Customs Anti-IlIegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang claimant ng hindi bababa sa P1.8 milyong high grade marijuana o Kush na tinangkang palusutin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Base sa report ng Customs NAIA, ang kontrabando ay nakapangalan sa isang Joseph Marck Tamo na nakatira sa Taguig City. Nang isailalim sa inspeksyon, tumambad sa mga Customs agent ang tatlong (3) piraso ng vacuum-sealed pouches na naglalaman ng mga pinaniniwalaang Kush weed na may bigat na 973 gramo at tinatayang may market value na P1,800.000. Naunang idineklarang Marvel Comics at sleeping bags ang mga kargamento na kinuha ng suspek na si…
Read More