P300-M SMUGGLED GOODS NASABAT SA BULACAN

NASABAT sa isinagawang joint operation ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang hinihinalang smuggled goods na tinatayang aabot ng P900 milyon sa Plaridel, Bulacan noong Mayo 26, 2023. Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng mga ahente mula sa Manila International Container Port (MICP), Intelligence Group, and Enforcement Group, sa tulong ng Philippine Coast Guard. Sa pamamagitan ng Letter of Authority na nilagdaan ni Commissioner Bienvenido Rubio, ang BOC composite team ay nagsagawa ng operasyon sa warehouses na matatagpuan sa Plaridel, Bulacan. Ang operasyon ay isinagawa sa koordinasyon ng local…

Read More

MAY 2023 REVENUE COLLECTION TARGET NALAGPASAN NG BOC

MULING nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang revenue collection target para sa buwan ng Mayo 2023. Ang BOC ay nakapagkolekta ng kabuuang P77.793 bilyon noong Mayo 2023, nakalagpas sa kanilang target collection na P72.350 bilyon ng P5.443 bilyon o 7.52%. Ito ay nagrerepresenta sa isang kapansin-pansing paglaki ng P11.505 bilyon o 17.36% kumpara sa nakaraang taong koleksyon. Base sa preliminary report, ang BOC’s total revenue collection mula Enero 1 hanggang Mayo 31, 2023, ay umabot ng P359.175 bilyon, nakalagpas sa target na P345.943 bilyon ng P13.232 bilyon o…

Read More

CLAIMANT NG P2.1-M KETAMINE NABUSLO

HULI sa mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark, kasama ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang claimant ng Ketamine na may halagang P2,120,000, sa isang joint controlled delivery operation sa Pasig City noong Mayo 18, 2023. Sa naunang naka-tag bilang kahina-hinala sa X-ray Inspection Project (XIP) personnel, ang shipment ay naging pakay ng K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit, na nagbigay ng positibong indikasyon sa presensya ng dangerous drugs. Ang shipment ay sinasabing naglalaman ng “chocolates” na…

Read More

BOC, IPRD VS ILLEGAL TRADE

IDINAOS ang Anti-Illicit Trade Summit ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng kanilang Intellectual Property Rights Division (IPRD) bilang komprehensibong hakbang laban sa illicit trade na ginanap sa Shangri-La, Bonifacio Global City, noong Mayo 18, 2023. Ang summit ay nagbigay ng mahahalagang plataporma sa stakeholders para sa palitan ng talakayan ng mga pananaw, pagyamanin ang mga pakikipagsosyo at sama-samang paglaban sa illicit trade. Ang event ay inorganisa ng Economist Impact, isang entidad ng negosyo na nagtipon ng pro­minenteng mga pinuno ng negosyo upang talakayin at analisahin ang mga hamon na…

Read More

PASAHERO LAGLAG SA P18.4-M COCAINE SA BOC-CLARK, PDEA

ARESTADO ang isang pasahero na may dalang P18,380,400 halaga ng cocaine sa kanyang bagahe, sa mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark, kasama ng Clark International Airport Terminal 2, Pampanga kamakailan. Noong Mayo 23, 2023, ang Passenger Services Division of the Port of Clark, sa pakikipagtulungan sa Clark-CAIDTF and PDEA Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ay nagsagawa ng drug interdiction operations sa Clark International Airport Terminal 2 base sa impormasyong mula Homeland Security Investigation (HSI) na isang kahina-hinalang traveler na may dalang illegal drugs ang parating na nakasakay…

Read More

UNMARKED DIESEL FUEL HULI SA BOC-PORT OF LIMAY

MATAGUMPAY na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Limay, sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service (ESS), ang isang (1) lorry truck at isang (1) trailer na naglalaman ng 40 kiloliters ng diesel noong Mayo 21, 2023 sa Seafront Shipyard at Port Terminal Services Corporation sa Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan. Ang nasabat na diesel ay napaulat na nakatakda sanang isakay sa mga barkong Meridian Cinco at MV Seaborne Cargo 7 na kung saan ay kasalukuyang isinasailalim sa repair services sa nabanggit na shipyard. Base…

Read More

SCAM ALERT INILABAS NG BOC

MULING nagpalabas ng Scam Alert ang Bureau of Customs para protektahan ang taumbayan na posibleng mabiktima nito. Ayon sa paalala ng BOC, dapat maging mapagmatyag at bantayan ang kanilang sarili ng taumbayan laban sa package scams. Anila, kailangan ingatan ng mga tao ang kanilang personal details, IDs at bank information. Ang BOC ay nakatatanggap ng iba’t ibang reklamo laban sa scammers gamit ang social media. Kadalasang ang mga ito ay nagpapakilalang empleyado sila ng Bureau of Customs at gumagamit pa ng pangalan ng ilang mga empleyado at opisyal nito. Para…

Read More

LATEST CUSTOMS POLICIES AND PROCEDURE TINALAKAY SA WEBINAR NG BOC-CDO

TINALAKAY ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro ang hinggil sa pakikipag-ugna­yan sa kanilang stakeholders sa bagong instalasyon ng Webinar sa Latest Customs Policies and Procedure noong Mayo 10, 2023 via Zoom at Facebook Live. Ang Stakeholders ng Port of Cagayan de Oro, mga miyembro ng Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) Northern Mindanao, Customs Brokers Representative Association (CBRA) Northern Mindanao, kasama ang Bureau of Customs employees, ay nakiisa sa nasabing webinar. Kabilang sa speakers ay si Collector Vincent Villanueva ng Sub-Port of Ozamiz na tinalakay ang paksa…

Read More

BOC, UN ESCAP NAGSANIB PARA SA ELECTRONIC TRADE DATA EXCHANGE

NAKIPAG-PARTNER ang Bureau of Customs National Trade Facilitation Champions kamakailan sa United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UN ESCAP) para sa pagpapalawak ng electronic trade data exchange. Ang pagtutulungan ay bu­magsak sa ilalim ng Framework Agreement on Facilitation of Cross-border Paperless Trade in Asia Pacific (CFTA), isang UN treaty na ang layunin ay para pabilisin ang implementasyon ng digital trade facilitation measures para sa kalakalan at pagpapaunlad sa pagitan ng ESCAP at Philippine Bureau of Customs. Ang insights na ibinigay ng BOC National Trade Facilitation…

Read More