SA bisa ng isang kasunduan sa hanay ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya, ganap ng umarangkada ang mekanismong magbibigay-daan para mapigilan ng pagpasok ng mga kontaminadong pagkain. Sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC), sinimulan na rin ang palitan ng Electronic Phytosanitary (e-Phyto) Certificates sa mga karatig bansa ng Thailand at Indonesia. Sa halip na papel, gagamitan ng angkop na teknolohiya ang paglabas ng mga Phyto Certificates na patunay na ligtas at legal ang produktong agrikulturang mula at patungo sa sa mga nabanggit na estado sa Asya. Babala ng BOC…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
RIGODON SA CUSTOMS
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO INILABAS na ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang Mayo 10, 2023 ang Customs Personnel Order No. B-64-2023 para sa reassignment/designation ng ilang district collectors at iba pang opisyal ng kawanihan. Sa Personnel Order B-64-2023 na nilagdaan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ibinalik sa Port of Subic si BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, kapalit Maritess Martin na inilipat sa Port of Manila. Ang kontrobersyal na BOC-Cebu District Collector Elvira Cruz, itinalaga sa Port of Clark kapalit ni John Simon na hinirang ni Rubio bilang…
Read MoreBAGONG TAKTIKA LABAN SA SMUGGLERS, BINALANGKAS
SA hangaring tuluyang wakasan ang pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng kabi-kabilang smuggling sa katimugang bahagi ng bansa, nagpulong kamakailan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa bago at mas angkop na estratehiyang magbibigay-daan sa mas malusog na kalakalan sa naturang rehiyon. Sa kumpas ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, nagkasundo ang mga opisyales at kinatawan ng iba’t ibang law enforcement agencies – kasama ang tanggapan ng tagausig – na tiyaking may kalakip na matibay na ebidensya ang bawat kasong isasampa sa husgado laban sa mga smuggler. Kabilang sa…
Read MoreSa bisa ng BOC Modernization MALUSOG NA KALAKALAN, ITUTULAK NG PINAS AT US
ASAHAN ang mas malusog, higit na mabilis at sistematikong proseso ng kalakalan sa sandaling matapos ang isinusulong na modernisasyon sa Bureau of Customs. Partikular na tinukoy ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang kalakalan sa pagitan ng mga bansang Pilipinas at Estados Unidos sa mga inaasahang lalago. Katunayan aniya, hindi pa man ganap na nakakamit ng siento-por-sientong antas ng modernisasyon, malaki na ang pinagbago at ibinilis ng proseso ng kalakalan sa 17 distrito ng kawanihan. Sa isang pulong kamakailan sa pagitan ng BOC at American Chamber of Commerce (ACC) na nakabase…
Read MoreFUEL SMUGGLING BISTADO SA BOC
HINDI nakalusot sa mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangka ng isang sindikato na magpalusot ng produktong petrolyong lulan ng isang barko sa bayan ng Sual sa lalawigan ng Pangasinan. Sa kalatas ng BOC, tumataginting na P54-milyong halaga ng krudo ang nabisto sa isinagawang inspeksyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) sa MV Veronica I na nasa Sual Subport. Sa bisa ng isang Pre Lodgement and Control Order na inilabas noong Mayo 3, magkakasamang inilatag ng BOC, Philippine Coast…
Read MoreCLAIMANT ARESTADO SA 1.8 KILONG SHABU
HINDI nagawa pang pumalag ng isang 42-anyos na claimant ng kargamento matapos dakpin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang controlled delivery operation sa Lungsod ng Mandaluyong kamakailan. Sa kalatas ng BOC, nasa 1,808 gramo (katumbas ng 1.8 kilo) ng shabu ang nadiskubre ng BOC-Port of Clark (BOC-Clark) sa isang kargamentong dumating sa bansa mula Estados Unidos. Matapos suriin at makumpirmang droga, agad na nagkasa ng isang controlled delivery operation si BOC-Clark District Collector John Simon kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Customs Anti-illegal Drugs…
Read More48 IMPORTERS BLACKLISTED SA CUSTOMS
SA hangaring tiyakin ang maayos na pamamalakad sa kalakalang pinangangasiwaan ng Bureau of Customs (BOC), tuluyan nang nilaglag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang nasa 48 importers bunsod ng kabi-kabilang bulilyaso. Bukod sa 48 importers, tablado na rin aniya ang 19 licensed customs brokers na pinaniniwalaang kasapakat sa indulto ng mga kumpanyang tinanggalan ng accreditation. Paliwanag ni Rubio, patong-patong na paglabag ng mga hindi pinangalanang importers sa umiiral na batas at reglamento ng kawanihan ang nagtulak sa BOC para tuluyang alisan ng accreditation ang mga naturang kumpanyang kabilang sa mga…
Read MoreDROGA, NO ENTRY SA VISAYAS — BOC
SA hangaring tiyakin na walang makalulusot na kontrabando, sumipa na ang mahigpit na pagbabantay sa galaw ng mga foreign-registered vessel at pleasure yacht na naglalayag sa karagatang sakop ng Central Visayas Region. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), puspusang tututukan ng kawanihan, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpasok ng mga sasakyang-dagat bunsod ng mga ulat hinggil sa pagpasok ng bago subalit ‘di hamak na mas mabagsik na klase ng droga sa nasabing rehiyon. Bantay-sarado rin ng Maritime Industry Authority (MARINA) regional office ang paglalayag ng lahat ng…
Read MorePWERA BOLANG PAPEL NG BOC SA FIBA CUP
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO Hindi lang pangkalakalan, kundi pang-sports pa! ‘Yan na ngayon ang Bureau of Customs (BOC). Bakit kamo? Ang BOC ay kasama sa miting na ginawa kamakailan sa paghahanda ng FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023. Si Commissioner Bienvenido Rubio at ilang opisyal ng Customs ay nakipagkita kamakailan sa mga pinuno ng Philippine sports, business at export industries para pag-usapan ang preparasyon sa highly anticipated FIBA Basketball World Cup. Kasama sa mga dumating sa miting ay sina Chairman…
Read More