SA bisa ng isang kasunduan sa hanay ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya, ganap ng umarangkada ang mekanismong magbibigay-daan para mapigilan ng pagpasok ng mga kontaminadong pagkain. Sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC), sinimulan na rin ang palitan ng Electronic Phytosanitary (e-Phyto) Certificates sa mga karatig bansa ng Thailand at Indonesia. Sa halip na papel, gagamitan ng angkop na teknolohiya ang paglabas ng mga Phyto Certificates na patunay na ligtas at legal ang produktong agrikulturang mula at patungo sa sa mga nabanggit na estado sa Asya. Babala ng BOC…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
APRIL TARGET SAPUL, P68.27 BILYON PASOK!
BAHAGYANG nahigitan ng Bureau of Customs (BOC) ang itinakdang target collection para sa buwan ng Abril. Batay sa datos ng BOC Financial Service Office, nakalikom ng kabuuang P68.274 bilyon ang ahensya mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento sa mga paliparan at pantalan sa ilalim ng pangangasiwa ng kawanihan. Sa pahayag ng BOC, mas mataas ng 0.11% ang naitalang kita kumpara sa P68.199 bilyong April target collection. Kumpara sa nalikom noong buwan ng Abril 2022, lumalabas din na 3.97% na mas mataas ang koleksyon…
Read MoreAll time record-high P7.5B SWAK SA 1 ARAW!
Ni JOEL O. AMONGO ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., muling nagpakitang-gilas ang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) matapos makapagtala ng panibagong record-high single-day collection. Sa datos na isinumite ng BOC Financial Service Office sa Department of Finance (DOF), tumataginting na P7.510-bilyon ang nalikom ng naturang ahensya para lang sa isang araw – malayo sa P6.074 bilyon na naitala noong Oktubre 14 ng nakalipas na taon. Ayon sa BOC, naitala ang record-breaking single-day collection noong ika-28 ng Abril ngayong taon. Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio,…
Read MoreRUBIO FACTOR SA BOC
Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO SA tuwing may bagong itinatalaga ang isang Pangulo sa Bureau of Customs (BOC), karaniwan ang paglalatag ng mga prayoridad alinsunod sa programa ng administrasyon – malusog na kalakalan, mataas na antas ng koleksyon, pagtugis sa mga sindikato at ang pagwawalis ng anay sa kawanihan Sa pagpasok ni Bienvenido Rubio sa BOC bilang Commissioner (kapalit ni Yogi Filemon Ruiz), kapuna-punang hindi hamak na mas kaunti ang nasa talaan ng kanyang priority program. Sa ilalim ng five-point priority program ni Rubio, tampok ang full digitalization sa…
Read MoreQ2 TARGET COLLECTION, BASIC LANG YAN — SPOX
NI JOSE OPERARIO WALANG bahid alinlangan ang Bureau of Customs (BOC) na muling malalampasan ng kawanihan ang itinakdang target collection para sa ikalawang sangkapat (quarter) ng kasalukuyang taon. Ayon kay Atty. Vincent Philip Maronilla na tumatayong tagapagsalita ng ahensya, puntirya rin ng kawanihan ang tinawag niyang ‘internal quarterly target’ na karaniwang ikinakasa ng pamunuan ng BOC, matapos makapagtala ng higit pa sa itinakda sa unang tatlong buwan ng 2023. “But as far as the target is concerned, our Commissioner together with our collectors are very confident that they will reach…
Read MoreP19.22-B KONTRABANDO TIMBOG MULA ENERO HANGGANG MARSO
Ni JO CALIM HIGIT pa sa karaniwang sigasig ang ipinamalas ng Bureau of Customs (BOC) sa kampanya ng gobyerno laban sa malawakang illegal smuggling sa bansa. Katunayan, pumalo sa P19.22 bilyon ang kabuuang halaga ng mga kontrabandong sinamsam ng kawanihan mula buwan ng Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon. Sa ulat ng BOC kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ibinida ng ahensya ang kabi-kabilang operasyon kontra smuggling at mga kasong isinampa sa husgado. Base sa datos ng kawanihan, lumalabas na ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kargamento ang pinakamalaki sa kasaysayan…
Read MorePILIPINAS PUNONG-ABALA SA GLOBAL POLICY FORUM
PUSPUSANG paghahanda ang ikinasa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan — kabilang ang Bureau of Customs (BOC) para sa inaabangang pagdalo ng mga banyagang delegado sa Global Policy Forum sa Setyembre ng kasalukuyang taon. Kasama ang mga opisyales ng Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), partikular na tinalakay ni BOC-Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan ang mga paghahanda ng kanyang tanggapan sa Global Policy Forum kung saan itinulak ang ‘financial inclusion.’ Kabilang sa lumahok sa pulong na bahagi ng paghahanda ng Pilipinas sa naturang pagtitipon…
Read MoreMODERNISASYON GAME NA SA 2026
KUMBINSIDO ang Bureau of Customs (BOC) na matatapos ang isinusulong na modernisasyon sa kalakalan pagsapit ng taong 2026. “The Bureau of Customs will go full digital by 2026,” ayon sa pahayag ng kawanihan. Ani Vincent Philip Maronilla na tumatayong tagapagsalita ng ahensya, nasa with 94% na ng computer system ng kawanihan ang fully-digitalized na. Aniya, hindi hamak na mabilis ang kalakalan sa sandaling maabot ng BOC ang 100% modernization sa tulong ng P88 milyong pondo sa bisa ng lian agreement ng Pilipinas sa World Bank. “The loan seeks to improve…
Read MoreP1.4B PEKENG YOSI WINASAK SA ZAMBO
TUMATAGINTING na P1.4-bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang tuluyan nang winasak ng Bureau of Customs BOC) sa hangaring di na umabot pa sa merkado ang nakumpiskang kontrabando. Kasabay ng pagwasak ng mga nasabat na sigarilyo sa Barangay Salaan ng lungsod ng Zamboanga, binalaan din ng BOC-Port of Zamboanga (BOC-Zamboanga) ang publiko sa doble-peligrong dala ng mga pekeng sigarilyo. Paliwanag ni BOC-Zamboanga Customs Intelligence and Investigation Service chief Mike Lanza, gumagamit ng pestisidyo ang kawanihan sa tuwing nagsasagawa ng pagwasak ng mga kumpiskadong kontrabando. Ayon pa kay Lanza, ang paggamit…
Read More