ILANG buwan matapos ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., tuluyan nang sumipa ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, matapos ang unang paglipad ng ipinagmamalaking Durian patungo sa naturang bansa. Sa isinagawang ceremonial send-off sa Davao International Airport (DIA), tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na susuportahan ang kalakalang anila’y magbibigay-daan para sa pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon kay Port of Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria na tumayong panauhing pandangal sa ceremonial send-off, malaking bentahe sa gobyerno at mga magsasakang Pilipino ang…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
HAMON SA CUSTOMS BROKERS: ISUPLONG ANG MGA BULILYASO
MAS maraming kaalyado, mas madaling matutuldukan ang mga bulilyaso, ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio. Sa isinagawang panunumpa ng mga bagong upong opisyales ng Chamber of Customs Brokers Inc., hinamon din ni Rubio ang mga customs broker na makiisa sa kampanya ng Bureau of Customs (BOC) sa paglaban sa mga nandaraya sa taripa at buwis na kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Para kay Rubio, hindi matatawaran ang kapasidad ng mga broker na tinawag niyang katuwang ng kawanihan sa larangan ng kalakalan at kasangga naman sa kampanya laban…
Read More65 KASO INIHAIN VS. SMUGGLERS
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mas pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga smugglers na anila’y Sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, umabot na sa 65 kasong kriminal ang inihain ng BOC Action Team Against Smugglers (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga importers. Sa 65 kasong isinampa sa piskalya, 49 ang pasok sa kategorya ng agri-smuggling, habang ang nalalabi naman ay hinggil sa pagpupuslit ng produktong petrolyo, sigarilyo, uka-ukay at iba pang kalakal. Para kay Customs…
Read MoreDETALYADONG PLANO NG PH LOGISTICS HUB UMARANGKADA NA
GANAP nang sumipa ang pagbalangkas ng detalye para sa pinananabikang pagtatayo ng logistics hub sa gawing katimugan ng bansa. Sa isang pagtitipon na dinaluhan ng mga kinikilalang eksperto sa pagtataguyod ng logistics hub, sinimulan ang paglalatag ng mga mekanismong tutukoy sa pinaka-angkop na lugar para sa paglalapagan, paglalagakan at pangangasiwa ng mga papasok at lalabas na kargamento. Sa kumpas ni Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) District Collector Erastus Sandino Austria, kasabay rin ang pag-arangkada ng plano para sa itatayong ‘world-class logistics hub.’ “Soon enough, our region would…
Read MoreBOC AT ADB SANIB-PWERSA NA, KALAKALAN PAIGTINGIN
SA hangaring tiyakin ang pagpapalawak ng ugnayang pangkabuhayan kasama ang mga karatig bansa sa Asya, ganap nang nagsanib-pwersa ang Bureau of Customs (BOC) at Asian Development Bank (ADB) sa sabayang pagkilos para ‘ilako’ ang Mindanao bilang sentro ng kalakalan. Sa ginanap na pagtitipon para sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Economic Corridors Study, ibinida ng BOC Collection District XII (Port of Parang) ang bentahe ng nasasakupang rehiyon at maging ang potensyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Kasama rin sa talakayan ang Mindanao Development Authority (MinDA)…
Read MoreSANTAMBAK NA SMART TV ATBP, HAGIP SA BULACAN
HINDI bababa sa P20 milyon halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled na smart televisions at computers ang sinamsam ng mga operatiba mula sa Bureau of Customs (BOC) matapos salakayin ang isang bodega sa lalawigan ng Bulacan. Bitbit ang Letter of Authority, pinasok ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Port of Manila ang pasilidad ng ECOM Electronics Reconditioning Services sa loob ng RIS Industrial Complex sa bayan ng Guiguinto ng naturang lalawigan. Sa kalatas ng ahensya, nakatanggap ng timbre ang BOC mula sa isang impormante hinggil sa bagsakan ng mga…
Read MoreCLAIMANT TIMBOG SA P4M KUSH
Ni JOEL O. AMONGO ARESTADO sa pinagsanib na operasyon kontra drug smuggling ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 27-anyos na claimant kaugnay ng inangkat na droga mula sa Estados Unidos. Sa kalatas ng BOC, aabot sa halos P4-milyong halaga ng imported kush (high-grade marijuana) ang nasamsam mula sa suspek na kinilala sa pangalang Jeric Herrera ng Sta. Cruz, Maynila. Bago pa man ang pagdakip kay Herrera, nabisto ng mga aBOC personnel ang nasa halos dalawa at kalahating kilo ng kush na ikinubli sa kargamentong…
Read MoreBOC HATAW SA Q1 COLLECTION
PARA sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, agad na nagpakitang gilas ang bagong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) matapos makapagtala ng higit pa sa itinakdang koleksyon mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento. Sa datos ng BOC Financial Service Office, pumalo sa P213.619 bilyon ang pumasok na koleksyon sa unang sangkapat ng kasalukuyang taon — labis pa ng P16.6 bilyon (katumbas ng 8.43%) kumpara sa P197 bilyon first quarter collection sa unang tatlong buwan ng nakaraang taon. Pinakamataas ang nakalap na pondo…
Read MoreBOC-CEBU EXECS KINILALA SA COLLECTORS’ CONFERENCE
SA layuning tiyakin na mapananatili ang direksyong tinatahak ng kawanihan, pinulong kamakailan ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang 17 district collectors na inatasang pangasiwaan angbkalakalan sa kani-kanilang nasasakupang distrito. Sa ginanap na Collectors’ Conference sa The Reef Island Resort, Mactan, Cebu kamakailan, binigyang pagkilala ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga haligi ng Port of Cebu. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga Assistant at Deputy Commissioners, Directors, Division Chiefs, at District Collectors mula sa iba’t ibang panig ng bansa. “The Commissioner recently unveiled the priority…
Read More