P80 BILYON PARA LANG SA BUWAN NG MARSO

TUMATAGINTING na P80.133 bilyon ang naisampang pondo sa gobyerno ng Bureau of Customs (BOC) para lang sa buwan ng Marso ng kasalukuyang taon. Sa datos ng BOC Financial Service Office, sobra pa ng P7.851 bilyon (katumbas ng 10.86%) ang nakalap na pondo kumpara sa P72.282 target collection. Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, higit na kailangan ipagpatuloy ang sigasig ng kawanihan bilang ambag sa agresibong programa ng administrasyong Marcos — partikular sa mga programa at proyektong akma sa layunin ng pamahalaan na ibangon ang ekonomiyang inilugmok ng pandemya sa nakalipas…

Read More

IMBESTIGAHAN NATIN SUPORTA SA AGRIKULTURA

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO HINDI masyadong kumbinsido ang inyong lingkod sa ibinibidang bentahe ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa mga magsasaka at ma­ngingisdang Pinoy. Binuo kasi ang RCEP para sumipa ang ekonomiya sa paraan ng kalakalan sa ng mga 15 kasaping bansa sa Timog-Silangang Asya — kabilang ang Pilipinas. May 15 kasapi sa RCEP — lahat ng mga miyembro ng ASEAN, ang ASEAN Plus Three (mga bansa sa Silangang Asya na may pormal na economic cooperation sa ASEAN), at malalaking bansa sa Oceania. Sinasabi na malaki ang…

Read More

KAWANIHAN KAISA NG KABABAIHAN

SA pagtatapos ng taunang pagdiriwang ng International Women’s Month, binigyang pagkilala ng Bureau of Customs (BOC) ang kontribusyon ng mga makabagong Eba sa loob ng kawanihan. Sa temang ‘A Day Dedicated to Women’s Health and Well-Being,’ naglunsad ng kabi-kabilang serbisyong pangkalusugan ang BOC, kasama ang Philippine Red Cross at mga pribadong kumpanyang sumusuporta sa sektor ng kababaihan. Kasabay ring nagbigay ng balik-alindog program – libreng facial, spa, massage at hair treatment – ang 17 distrito sa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya. Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, hindi matatawaran ang…

Read More

34th ASEAN Customs Conference MALUSOG NA KOMERSYO SA SABAYANG PAGKILOS

SA pangunguna ng External Affairs Office (EAO) ng Bureau of Customs (BOC), nagkaisa ang mga delegado mula sa mga bansang Asyano na isulong ang mahigpit na implementasyon ng mga panuntunan sa ilalim ng World Trade Organization – Trade Facilitation Agreement. Kabilang sa mga tinalakay ng mga delegado sa ginanap na 34th Meeting of the ASEAN Customs Procedures and Trade Facilitation Working Group (CPTFWG) sa bayan ng Mactan, lalawigan ng Cebu ang pagpapaunlad ng ASEA Customs Cooperation sa layuning paunlarin ang kalakalan sa mga bansang Asyano. Pasok din sa napagkasunduan ang…

Read More

P1B KONTRABANDO HAGIP MULA ENERO HANGGANG MARSO

TUMATAGINTING na isang bil­yong halaga ng kontrabando ang nasabat ng Enforcement and Security Service (ESS) sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, ayon sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC). Sa talumpati ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio kasabay ng pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng tanggapan kung saan siya unang nagtrabaho, binigyan ng pagkilala ang ESS kaugnay ng 81 kargamentong nakumpiska mula Enero hanggang Marso. Kumbinsido naman ang BOC chief na epektibo ang mga nakalatag na reporma sa kawanihan. Katunayan aniya, halos mapantayan ng mga ikinasang operasyon kontra smuggling ang halaga…

Read More

17 District Collectors pinulong ni Rubio DAGDAG ESTRATEHIYA BINALANGKAS NG BOC

SA hangaring isakatuparan ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr., pinulong ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio and 17 district collectors kasabay ng pagbalangkas ng mga bagong estratehiya para sa nalalabing siyam na buwan ng kasalukuyang taon. Sa Collectors’ Confe­rence na pinatawag ni Rubio, kabilang sa mga tinalakay ang mga ulat ng 17 distrito sa ilalim ng pangangasiwa ng kawanihan at mga nakalatag na programa ng mga nakaupong district collectors. Bilang pambungad, pinuri ni Rubio ang ipinamalas na sigasig ng 17 district collection offices sa nalikom na pondo mula sa buwis at…

Read More

BOC-ESS@35

boc

PERSONAL na pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Enforcement and Security Service (ESS), kasabay ng pagkilala sa ambag ng naturang tanggapan sa kampanya ng pamahalaan laban sa malawakang smuggling sa bansa. Partikular na tinukoy ni Rubio ang papel na gina­gampanan ng ESS sa mga inisyatibo sa pagbabantay ng mga hangganan (border) na saklaw ng mandato ng kawanihan. Sa datos ng BOC, nakasabat ng kabuuang 397 kargamento (katumbas ng P1.044 bilyon) ang ESS noong nakalipas na taon. Mula Enero hanggang Marso, pumalo na sa 81…

Read More

PINIRATANG PANTALON BISTADO SA MINDANAO

HUDER ang kabuhayan ng negosyante sa likod ng bigong tangkang magpuslit sa bansa ng mga piniratang tatak ng mamahaling pantalon sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental. Sa ulat ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO), tumatagin­ting na P48.9-milyong halaga ng pantalong inangkat pa mula sa bansang Bangladesh ang kinumpiska sa pinagsanib na operasyon ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama ang mga kinatawan mula sa Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI). Ayon kay BOC-CDO District…

Read More

P4.9M SMUGGLED YOSI SABAT SA ZAMBOANGA

TUMATAGINTING na P4.9-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyong lulan ng bangkang-de-motor ang nasabat ng mga ope­ratiba ng Bureau of Customs (BOC) sa karagatang sakop ng lungsod ng Zamboanga. Ayon sa BOC-Port of Zamboanga, kumpiskado ang nasa 141 master cases ng iba’t ibang klase ng mga imported na sigarilyong naispatan sa sabayang pagpapatrolya ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company ang kontrabando habang naglalayag sa karagatan ng Barangay Arena Blanco. Nang sitahin ng mga nagpapatrolyang opetratiba, walang…

Read More