DROGANG PADALA Ni CREMA LIMPIN HINDI na nagawa pang pumalag ng dalawang babaeng consignee matapos dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng dalawang kilong shabu sa isinagawang joint anti-illegal drug operation sa Lungsod ng Pasay kamakailan. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), arestado sina Annalyn Real, 50-anyos at ang 23-anyos na anak na kinilala sa pangalang Nika Angel Real, kapwa residente ng Mandaluyong City. Ayon sa kawanihan, kumpiskado rin ang nasa P13.8 milyong halaga ng shabu na una nang nabulilyaso ng BOC-Port of Clark matapos ang isinagawang inspeksyon…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
DIPLOMASYA SA KALAKALAN
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng usapin sa West Philippine Sea, walang puwang ang digmaan. Sa halip na hidwaan, ang angkop na solusyon ay ang mabuting usapan. Ang tawag d’yan – diplomasya. Ito mismo ang ipinamalas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang tatlong araw na pagbisita sa bansang Tsina sa hangaring solusyunan ang hindi pagkakaunawaan, kasabay ng pagsusulong ng alyansang pangkalakalan. Ang resulta – wagi ang Pilipinas na lubhang makikinabang sa nilagdaang kasunduan. Ang totoo, malaki na ang pinagbago ng Bureau of Customs (BOC). Ang dating…
Read MoreP0.4-B SMUGGLED YOSI, WASAK SA ZAMBOANGA
HALOS pumalo sa P400-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang tuluyang winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa hangaring tiyaking ‘di na aabot pa sa merkado ang mga kumpiskadong kontrabando. Sa kalatas ng kawanihan, nasa 11,219 master cases ang sabayang pinulbos ng BOC – Port of Zamboanga (BOC-Zamboanga) sa Pavillion, Dao sa Pagadian City at sa isang customs-rented warehouse sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City. Matapos wasakin, agad namang ibinaon ang pinulbos na kontrabando sa isang sanitary landfill na nakabase sa Barangay Salaan ng nasabing lungsod. Kabilang sa mga tumayong…
Read MoreDRUG SMUGGLING SA PINAS
Ni YOGI FILEMON RUIZ Commissioner, Bureau of Customs SA kinakaharap na problema ng bansa sa droga, pinakamainam palagi kung puntirya natin ay ang tinatawag na “supply chain” na posible lang kung mapipigilan natin ang pagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa ating lupain. Walang dudang marami na ang isinulat at inilimbag na babasahin hinggil sa salot na dala ng droga sa ating lipunan, kung paano ito pumapatay sa mga mamamayan habang patuloy ang pagyaman ng mga sindikato sa likod ng kalakalan ng drogang laganap sa ating pamayanan. Buwan ng Mayo ng…
Read More1.9K LITRONG KEROSENE, BULILYASO SA TACLOBAN
SA halip na magbakasyon, ginugol ng mga kawaning nakabase sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Tacloban City ang buwan ng Disyembre sa pagtugis sa mga negosyanteng pinaniniwalaang sangkot sa pandaraya sa pamahalaan. Bitbit ang Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na pirmado ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, tinungo ng mga operatiba mula sa Port of Tacloban (BOC-Tacloban) ang isang gasoline station sa Barangay Cabalawan, Tacloban City. Sa ulat na isinumite ng Enforcement Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kay Ruiz, umabot…
Read MoreDumaguete Subport, inulan ng papuri P2-B SURPLUS, NAITALA NG MALIIT NA SUBPORT
HINDI dahilan ang maliit na teritoryong sakop ng Subport of Dumaguete para mapag-iwanan pagdating sa paglikom ng pondo. Ito ang pinatunayan ng Subport of Dumaguete matapos magtala ng tumataginting na P22-bilyong pasobra sa itinakdang collection target sa nakalipas na taon. Batay sa datos ng Financial Service Office ng Bureau of Customs (BOC), pumalo sa P8.591 bilyong ang nalikom na koleksyon ng Dumaguete Subport sa nakalipas na 12 buwan – malayo sa P6.451 bilyong 2022 collection target. Sa pagtataya, lumalabas na mas mataas ng 38.76% ang aktwal na koleksyon kumpara sa…
Read MoreNATITIRANG BALIKBAYAN BOXES, NAIPAMAHAGI NA
ALINSUNOD sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ganap nang inihatid sa mga tahanan ng mga kaanak sa Cebu Central Luzon ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasa 254 Balikbayan boxes na natengga sa Maynila mula pa buwan ng Abril ng nakalipas na taon. Sa Cebu, umabot sa 185 Balikbayan boxes na lulan ng dalawang 20-footer container vans ang ganap nang inihatid sa Lapu-Lapu City, Cordova, Dumaguete City at Bohol, ayon mismo kay BOC-Port of Cebu acting deputy collector for operations Mario David Luminarias Jr. Aniya, karamihan ng…
Read MoreINSENTIBO, GARANTISADO SA MGA IMPORTERS NA TUTULONG – PBBM
SA hangaring pasipain ang kalakalan at tiyakin ang sapat na supply ng pagkain, isang kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at karatig bansang Tsina para sa garantisadong insentibo sa mga importer na makikipagtulungan sa Bureau of Customs (BOC). Partikular na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kanyang paglagda sa Mutual Recognition Arrangement (MRA) na naglalayong paigtingin ang Authorized Economic Operator (AEO) Program sa pagitan ng BOC at General Administration of Customs of the People’s Republic of China. Sa isang pahayag, tiniyak ng BOC na malaki ang maitutulong ng pinaigting na…
Read MoreSindikatong tanga, bulilyaso sa BOC P17-M SMUGGLED ONION IKINUBLI SA UKAY-UKAY!
Ni CREMA LIMPIN HINDI nakalusot ang panibagong tangkang pagpupuslit ng mga produktong agrikultura ang isang sindikato matapos masabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P17-milyong halaga ng mga sibuyas mula sa bansang Tsina, matapos ikubli sa likod ng isa pang ilegal na kargamento. Sa kalatas ng BOC, tinangkang palusutin sa Port of Manila ang tatlong dambuhalang container na nakatala sa dalawang kumpanya – ang SB Express Logistics at Business Solution Inc. Batay sa mga dokumentong kalakip ng mga nasabat na containers, idineklarang mga segunda-manong…
Read More