P8.5M ecstasy kumpiskado rin CLAIMANT ARESTADO SA DROGANG PADALA

SA likod ng rehas na inabutan ng Noche Buena ang isang 23-anyos na babae matapos dakpin ng mga operatiba kaugnay ng nasa P8.55-milyong halaga ng party drugs na padala mula sa ibang bansa. Sa isinagawang controlled delivery operation ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), kasama ang mga ope­ratiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Group, hagip sa Barangay Dita, sa Lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigan ng Laguna ang ‘di tinukoy na suspek sa aktong pagtanggap ng anim…

Read More

Sa Subic at Misamis Oriental AGRI-SMUGGLING NABULILYASO ULI

Ni JO CALIM ANG inakalang jackpot na kita, nauwi sa wala. ‘Yan ang kinahantungan ng isang importer matapos masilat ng mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang kabi-kabilang tangkang pagpupuslit ng mga agri-pro­duct mula sa bansang Tsina. Sa kalatas ng kawanihan, pumalo sa P171-milyong halaga ng sibuyas ang nasabat ng Manila International Container Port (MICP), habang tinata­yang P20-milyong halaga ng sibuyas naman ang nahagip ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Mindanao Container Terminal. Sa Maynila, 20 containers na pawang naglalaman ng mga sibuyas mula sa bansang…

Read More

BIGAY-PUGAY SA SIPAG, REPORMANG INILATAG

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O.AMONGO MULA sa nakakadismayang estado, uminog sa pagiging huwaran ang kawanihang dating pulutan sa tuwing pag-uusapan ang malawakang katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Dangan naman kasi, totoong kakaiba na ngayon ang Bureau of Customs. Ang dating sakit sa ulong tanggapan, malaki na ang papel na ginagampanan sa pagbangon na isinusulong ng ating pamahalaan mula sa epekto ng pandaigdigang krisis at pandemyang nagdaan. Sa madaling salita – bilib ako. Himayin natin ang mga dahilan. Sa ilalim ng bagong pamunuan ng kawanihang nakabase sa Aduana, nakapagtala…

Read More

BARKO BULILYASO SA FUEL SMUGGLING

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kaugnay ng implementasyon ng mas pinahigpit na pagbabantay sa mga pantalan, piniit sa Tagum City ang isang barkong kargado ng halos dalawang milyong litro ng produktong petrolyo. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), isang joint operation sa pagitan ng BOC at Naval Forces Eastern Min­danao ang isinagawa sa Hijo Port kung saan nakadaong ang target na barko, batay sa natanggap na intelligence report mula sa kawan ng mga impormante. Nang inspeksyunin ang petrolyong lulan ng domestic shipping vessel, lumalabas na walang…

Read More

P132-M BOTCHA, HAGIP SA MICP

KUMPISKADO sa Bureau of Customs (BOC) ang nasa P131.9 milyong halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled frozen goods na laman ng tatlong container na nakabarega sa Manila International Container Port (MICP). Ayon sa BOC, nakatanggap ng timbre mula sa isang impormante ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kaugnay ng dumating na kagamentong inangkat ng Victory JM Enterprise OPC mula sa bansang Tsina. Nang buksan ang target na kargamento, tumambad ang mga iladong karne, na nagsilbing hudyat para sa agarang pagsamsam ng mga nadiskubreng kontrabando. Batay sa rekord ng kawanihan, hindi…

Read More

NAKUMPISKANG SHABU SINURENDER SA PDEA

SA hangaring tiyakin, ‘di na madagdagan pa ang buhay na masisira bunsod ng pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, agad na isinalin ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark) sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinata­yang P2.48-milyong halaga ng nasabat na droga mula sa bansang Nigeria isang buwan na ang nakaraan. Batay sa rekord ng BOC-Clark, Nobyembre 19 nang mabulilyaso ng mga alistong operatiba mula sa nasabing distrito (kasama ang PDEA) ang shabu na tinago sa kargamentong idineklara bilang air, oil at fuel filters na gamit sa mga…

Read More

ECSTASY TABS SABAT SA NAIA

HINDI nakalusot sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng drogang ikinubli sa apat na magkakahiwalay na kargamento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan. Sa isang kalatas ng BOC-NAIA, umabot sa 2,040 pirasong tableta ng ecstasy na itinago sa mga bagaheng inilagak sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ang sinamsam ng pinagsanib na pwersa mula sa BOC-NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa imbestigasyon, lumalabas na nagmula pa sa bansang France ang nakumpiskang kontrabando. Silat din sa hiwalay na operasyon kontra droga…

Read More

SANTAMBAK NA PEKE KUMPISKADO SA IMUS

Ni JOEL O. AMONGO   TUMATAGINTING na P150-milyong halaga ng mga pinekeng designer appa­rels, appliances at iba pa ang tumambad sa mga ope­ratiba matapos salakayin ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite. Bitbit ang pirmadong letter of authority mula sa tanggapan ni Customs Commission Yogi Filemon Ruiz, pinasok ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), kasama ang pulisya at kinatawan mula sa nakakasakop na barangay ang pasilidad ng Hong Yun – REGI sa kahabaan ng M. Salud Road…

Read More

2 importers, sasampahan ng kaso TONE-TONELADANG SIBUYAS BULILYASO

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., hinggil sa malawakang agri-smuggling, tone-toneladang sibuyas ang nasabat kamakailan sa isang pinagsanib na operasyon sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Plant Industry sa Subic. Sa kalatas ng BOC-Subic, timbog ang isang 40-foot container van na pakay ng operasyon bunsod ng natanggap na impormasyon hinggil sa paglapag ng kargamento mula sa bansang China. Nang matukoy ang target na container van, agad na nagkasa ng isang inspeksyon sa harap ng mga kinatawan mula sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan.…

Read More