SASA PORT TARGET GAWING SENTRO NG KALAKALAN — BOC

SA hangaring paigtingin ang kalakalan sa gawing katimugan ng bansa, umarangkada na ang negosasyon para sa napapanahong moder­nisasyon ng Port of Sasa sa Lungsod ng Davao. Sa isang kalatas, iginiit ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) ang bentahe ng isinusulong na mo­dernisasyon ng natirang pantalan kung saan anila maaaring idaong ang dagsa ng mga kargamento sa katimugan. Ito rin anila ang dahilan sa likod ng ikinasang negosasyon sa Globalport Terminals Inc., na nakasungkit ng 20-year contract para sa cargo handling, passenger, roll-on/roll-off, at iba pang serbisyong kalakip…

Read More

11 SILAT SA P25M SMUGGLED YOSI

HINDI na nagawang pumalag ng 11 katao matapos dakpin ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng nasa P25 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa karagatang sakop ng Zamboanga. Ayon kay BOC-Zamboanga District Collector Sigmundfreud Barte, Jr., nabulilyaso ang kontrabandong lulan ng isang bangkang de-motor habang nagsasagawa ng sabayang pagpapatrolya ang mga tauhan ng Water Patrol Division (WPD) at Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD) malapit sa Sta. Cruz Island. Sa paunang imbestigas­yon, lumalabas na patungo sa Zamboanga City ang sasakyang-dagat na…

Read More

Kaugnay ng inabandonang balikbayan boxes ASUNTO KASADO NA VS. 9 CARGO FORWARDERS

Ni JOEL O. AMONGO MATAPOS ang pitong buwang palugit na ibinigay ng pamahalaan sa mga bulilyasong cargo forwarding companies, sinampahan na ng kasong kriminal ang siyam na kumpanyang pinaniniwalaang responsable sa 7,000 balikbayan boxes na ipinadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang kaanak sa Pilipinas. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), kabilang sa mga inasuntong consolidators at deconsolidators ang All Win Cargo LLC, Island Kabayan Express Cargo LLC, Carlos Martin Guinto Co., GM Multi Services, Anhar Al Mawalah Trading, CMG Int’l Movers and Cargo Services, Cargoflex Haulers…

Read More

IMPORTER SABIT SA P63-M FROZEN GOODS MULA HK

NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakatalang negosyante sa likod ng pribadong kumpanyang diumano’y nagtangkang magpuslit ng hindi bababa sa P63-milyong halaga ng mga frozen goods mula Hong Kong. Sa kalatas ng ahensya, kasong “misdeclaration of goods” ang ihahain ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) laban sa Victory JM Enterprise OPC kaugnay ng nadiskub­reng frozen tofu, chicken paws, boneless beef, Viet­namese suckling pig, at beancurd skin sa apat na containers na unang idineklarang naglalaman ng “frozen prawn balls.” Sa pagsisiyasat ng BOC,…

Read More

Tao namin, pasahod namin – BOC spox BOC, UMALMA SA SC RULING

PINABULAANAN ng Bureau of Customs (BOC) na inoobliga ng kawanihan ang mga airline companies na balikatin ang overtime pay ng mga empleyado ng naturang ahensya. Paglilinaw ni Arnaldo Dela Torre na tumatayong tagapagsalita ng kawanihan kaugnay ng lumabas na desisyon ng Kor­te Suprema kamakailan, taong 2012 pa lang ay BOC na ang nagbabayad ng overtime pay ng kanilang mga empleyadong nagtatrabaho ng higit pa sa walong oras. Partikular na tinukoy ni Dela Torre ang Customs Administrative Order 7-2011 na aniya’y basehan ng BOC sa paglabas ng pondong ginamit na pambayad…

Read More

WHITE ONION TIMBOG NA NAMAN SA TONDO

MATAPOS ang matagumpay na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) kontra agri-smuggling sa Lungsod ng Maynila kamakailan, binalikan ng mga operatiba ang naturang lugar kung saan nasa P2-milyong halaga naman ng puting sibuyas ang tumambad sa mismong kalye kung saan unang nahagip ang nasa P30 milyong halaga ng smuggled white onion. Kasama ang Department of Agriculture (DA), DA Wide Field Inspectorate (WFI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Philippine Coast Guard (PCG), sinalakay ng mga operatiba ang isa pang bodega sa Kalye Sto. Cristo sa Tondo, Maynila kasunod ng mga…

Read More

P76.77-B para lang sa Nobyembre ACTUAL COLLECTION APAW, LIGLIG, SIKSIK

TULAD na inaasahan, mu­ling nagtala ng higit pa sa itinakdang monthly target revenue collection ang Bureau of Customs (BOC). Sa datos ng BOC Financial Service Office, pumalo sa P76.77 bilyon ang nalikom na pondo ng kawanihan mula sa buwis at taripang kalakip ng pagdagsa ng mga kargamento. Lumalabas na mas malaki ng P16.176 bilyon (katumbas ng 26.7% surplus) ang naipasok ng kawanihan sa kaban ng bayan – malayo sa P60.6 bil­yong collection target para sa buwan ng Nob­yembre. Kung pagsama-samahin ang isinampang pondo ng BOC mula Enero hanggang Nobyembre, lumalabas…

Read More

BILIB KAY RUIZ

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO MINSAN pa, pinatunayan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang pagiging maginoo sa ipinamalas na isang salita sa larangan ng pangangasiwa ng Bureau of Customs (BOC). Sa loob ng apat at kalahating buwan, nagpakitang gilas si Ruiz – hindi lamang sa pagtugis ng mga tiwali at sindikato sa likod ng malawakang puslit-kontrabando kundi maging sa aspeto ng koleksyon, sukdulang napabilib ang economic team ng administrasyon. Sa isang pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila kung saan isa sa mga panauhin si Finance Secretary Benjamin Diokno,…

Read More

Kaso isasampa na rin ng BOC P30-M WHITE ONION TIMBOG SA TONDO

SA kabila ng paghihigpit na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC), nagawa pa rin ng isang sindikato maipuslit sa bansa ang hindi bababa sa P30 milyong halaga ng puting sibuyas na pangunahing sangkap sa mga pagkaing ihahanda sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon. Gayunpaman, tiniyak ng pamunuan ng BOC na agad na bubusisiin ang onion smuggling sa isang imbestigasyon, kasabay ng pagtitiyak na pananagutin ang mga responsab­le sa naturang bulilyaso. Kasama ang Department of Agriculture (DA), DA Wide Field Inspectorate (WFI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Philippine Coast…

Read More