Jewelry smuggling dati na sa paliparan SINDIKATO SA NAIA TATALUPAN NG BOC

HINDI pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng bigong tangkang pagpupuslit ng nasa P80-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nito lamang nakaraang buwan. Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ng isang mapagkakatiwalaang impormante na matagal nang kalakaran ang operasyon ng isang sindikatong binubuo ng mga negosyante at gumagamit ng mga airline personnel sa jewelry smuggling. “Matagal na ‘yan. ‘Yung nangyari nu’ng November, hindi ‘yan ang unang pagkakataon na nagparating sila ng mga alahas. Nagkataon lang na nabulaga sila ng mga awtoridad,” sambit ng…

Read More

23 TARANTULA SABAT SA NAIA

BULILYASO sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng nakamamatay na gagamba sa Ninoy Aquino International Airport kama­kailan. Sa kalatas ng BOC, 23 tarantula na idineklara bilang “snacks and other foodstuffs” ang nasabat sa Central Mail Exchange Center. Sa imbestigasyon, lumalabas na isang consignee mula sa Lungsod ng Makati ang umangkat ng mga nakalalasong gagamba mula pa sa bansang Vietnam. Agad namang inilipat ng BOC-NAIA ang kustodiya ng 23 tarantula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa angkop na pangangalaga. Pagtitiyak…

Read More

Bagong Port Control Office inilunsad BOC-DAVAO TUTOK SA DRUG SMUGGLING

SA hangaring wakasan ang pagpasok ng droga sa ga­wing katimugan ng bansa, isang makabago at pinalakas na Port Control Office (PCO) ang ibinida ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) kamakailan. Sa pormal na pasinaya ng BOC-Davao sa “bagong tanggapan,” tiniyak ni District Collector Erastus Sandino Austria na pagtutuunan ng kanyang nasasakupang distrito ang kampanya kontra droga ng administrasyong Marcos. Kabilang sa mga dumalo at nagpahayag ng suporta sa makabagong PCO ang mga kinatawan mula sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at World Container Control…

Read More

Babala ni Ruiz sa mga smuggler BILANGGUAN NAGHIHINTAY

Ni JOEL O. AMONGO MAHABA-HABANG bakasyon sa likod ng malamig na rehas ang salubong ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpasok ng bagong taon para sa mga sindikato sa likod ng mga puslit-kontrabando – at ma­ging sa hanay ng mga tiwali sa gobyerno. Pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kilala na niya ang mga tao sa likod ng mga illegal smuggling activity sa iba’t ibang sulok ng bansa, kasabay ng babala sa napipintong pag-aresto sa smugglers na nasa kanyang talaan. Gayunpaman, nilinaw ni Ruiz na may pagkakataon pa naman…

Read More

P12.5-M DROGANG SABAT SA CLARK NASA PDEA NA

SA hangaring tiyakin ang seguridad ng mga nakum­piskang kontrabando, inilipat ng pamunuan ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark) sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-i­ingat ng nasa P12.5-mil­yong halaga ng iba’t ibang klase ng drogang nasabat sa nakalipas na siyam na buwan. Sa datos ng BOC-Clark, kabilang sa mga inilipat sa kustodiya ng PDEA ang 12 imported shipments na nasilat ng mga alistong operatiba sa tulong ng mga makabagong scanners at trace detectors mula Marso hanggang Nob­yembre. Pagtitiyak ng BOC, naisampa na rin ang mga karampatang…

Read More

SUBASTAHAN KASADO PARA SA P39M SMUGGLED SUGAR

SA hangaring makapagsampa ng karagdagang pondo, ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) ang isang public auction para sa mga smuggled refined sugar na nasabat sa Port of Subic kamakailan. Partikular na tinukoy ng BOC sa isang kalatas ang 19 na containers na nasabat ng BOC-Subic sa gitna ng agresibong kampanya kontra agri-smuggling na bahagi ng mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Sa pagtataya ng kawanihan, nasa P39 milyon ang inaasahan madagdag sa koleksyon ng ahensya mula sa refined white sugar na tinangkang ipuslit sa bansa sa gitna ng kapos…

Read More

DAVAO REGION BILANG ASEAN LOGISTICS HUB

Ni JOSE OPERARIO ALINSUNOD sa rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA at Davao Gulf Development Plan (DGDP), nakatakdang umarangkada ang Davao Region bilang logistics hub ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa isang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng mga opisyales ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) at Singapo­rean Ambassador Gerard Ho, tinalakay ang kalakalan ng mga pangunahing produkto ng Mindanao kabilang ang saging, pinya at pamosong durian ng Davao. Sa isang kalatas, nanindigan si BOC-Davao District Collector Erastus Sandino…

Read More

MASIGLANG KALAKALAN, MAUNLAD NA MINDANAO

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SA tuwing babanggitin ang Mindanao, karaniwang pumapasok sa isip ng mga tao ay ang negatibong imahe – matinding kahirapan, kabi-kabilang karahasan, bagsak na kabuhayan at matamlay na kalakalan. Sa paglipas ng mga taon, unti-unting nagbago ang kwento. Ang lugar na iniiwasan (kung hindi man kinatatakutan) ng mga turista, negosyante at maging ng mga pangkaraniwang kwento, nasa landas na patungo sa pagbabago. Ang hanapbuhay dumami sa pagsipa ng turismo, mabilis na pagpasok ng mga negosyo at malusog na kalakalan sa mga puerto. Higit na kilala…

Read More

NBI PASOK DIN SA BOC BORDER PROTECTION

DAVAO CITY – Sa hangaring palakasin ang border protection sa gawing timog ng bansa, napagkasunduan ng mga kinatawan ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang sabayang pagkilos, kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan kontra smuggling at human trafficking. Sa isang kalatas ng BOC-Davao, inihayag ang naganap na pagpupulong kung saan inilatag ang mga estratehiya at angkop na pagtugon para tuldukan ang mga ilegal na pagpasok ng mga kontrabando at pagpasok ng mga banyagang hindi dokumentado. Kabilang din sa lumahok sa talakayan ang…

Read More