BOC, BUMIDA SA P150-M MUNTINLUPA DRUG OPS

ASAHAN ang mas ma­rami – kung hindi man mas malaking huli kontra droga, pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kasunod ng matagumpay na anti-illegal drug operation kamakailan sa Lungsod ng Muntinlupa. Para kay Ruiz, mala­king bentahe sa kampanya ng gobyerno laban sa mga sindikato sa likod ng kalakalan ng ipinagbaba­wal na gamot ang sabayan at sama-samang pagkilos ng kawanihang pinamumunuan, ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang katuwang na tanggapan ng pamahalaan. Katunayan aniya, ang matagumpay na P150-million drug bust sa Muntinlupa ay bunga ng palitan ng…

Read More

PUSLIT-YOSI BISTADO SA SULU, KONTRABANDO KUMPISKADO!

SANDAMAKMAK na abandonadong smuggled na sigarilyo ang sinamsam kamakailan ng mga opera­tiba ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang inspeksyon ng pampasaherong barkong patungo sana sa Zamboanga. Sa paunang imbestigasyon, aabot sa 10 mala­king kahon na naglalaman ng 300 reams – katumbas ng halagang P210,000 – ang sinasabing inabandona ng isang pasaherong lulan ng MV Ever Queen of the Pacific na noo’y nakadaong sa Port of Siasi sa lalawigan ng Sulu. Batay sa kalatas ng PCG, nagsasagawa umano ng inspeksyon kontra droga ang mga operatiba nang hindi sinasadyang napansin ang…

Read More

33 AGRI-IMPORTERS KINASUHAN SA DOJ

Nasa 33 importers na pinaniniwalaang sangkot sa malawakang pagpupuslit ng mga produktong agrikultura ang sinampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng patong-patong na kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) kamakailan. Bukod sa mga bulilyasong importer, kabilang din sa mga inasunto ang 11 licensed customs brokers na hinihinalang kasabwat sa agri-smuggling na ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay labis na nagpapahirap sa mga magsasakang Pilipino. Sa 33 kaso, 22 ang isinampa sa paglabag sa Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016). Sa datos ng ahensya, tinatayang aabot…

Read More

24 KILO NG ALAHAS, BULILYASO SA NAIA

NANANATILING palaisipan sa Bureau of Customs (BOC) ang pagkadiskubre ng nasa P80-milyong halaga ng mga mamahaling alahas na ikinubli sa palikuran ng isang eroplano mula sa bansang Hong Kong. Ayon sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), natagpuan ang nasa 24.4 kilo ng iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas sa lumapag na commercial flight ng Philippine Airlines (Flight PR301) sa NAIA Terminal 2 nito lamang nakaraang Huwebes. Ani BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, nakatanggap sila ng tawag mula sa Aircraft Operations Division hinggil sa umano’y natagpuang mga plastic…

Read More

DAGDAG X-RAY SCANNERS VS. SMUGGLERS

SA hangaring mas paigtingin pa ang pagbabantay sa mga pumapasok at lumalabas na bagahe at kargamento, nagtalaga ng mas maraming X-ray scanners ang Bureau of Customs (BOC) sa mga pinangangasiwaang pantalan at tanggapan ng kawanihan sa iba’t ibang paliparan. Sa kalatas ng BOC X-Ray Inspection Project, kabilang sa mga pinostehan ng makabagong X-ray scanners ang Boracay International Airport kung saan lumalapag ang mga turistang layong masilayan ang natatanging white-sand beach sa bayan ng Malay, lalawigan ng Aklan. Dagdag Nuctech mobile container X-ray scanner naman ang ipinadala sa Port of Cebu,…

Read More

PRIBILEHIYO NG OFWs, ‘WAG ABUSUHIN – BOC

MATAPOS sumingaw ang alingasngas kaugnay ng pag­hahatid ng mahigit 7,805 balikbayan boxes sa mga kaanak ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat, agad na ipinag-utos ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na tapusin ang free delivery bago pa man sumapit ang mismong araw ng Pasko. “What our commissioner did was come up with a system to ensure the balikbayan boxes will reach the OFWs’ intended beneficiaries. Before they were just abandoned and subjected to auction, but now, the commissioner has given the assu­rance that they will be delivered free of…

Read More

13 SAKOTE, P4M SMUGGLED YOSI TIMBOG SA MINDANAO

TILA hinahamon ng mga sindikato ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga malawakang cigarette smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Patunay nito ang kabi-kabilang tangkang magpalusot ng mga imported na sigarilyo sa Maguindanao at Davao. Sa isang kalatas, muling nanawagan si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa 17 district collectors na pag-ibayuhin ang pagtugis at pagsawata sa mga cigarette smuggler, kasunod ng matagumpay na operasyon sa mga naturang lalawigan. Pinakamalaki ang nahagip sa Davao City kung saan aabot sa P3-milyong halaga ng mga smuggled na yosi…

Read More

Sa pagtatapos ng Nobyembre RECORD-HIGH P900B TARGET

Ni JOEL O. AMONGO BAGAMA’T nakasisiguro na ang Bureau of Customs (BOC) na mahahagip ng kawanihan ang 2022 target revenue, puntirya naman ng liderato ng nasabing ahensya ang makapagtala ng “all-time high” revenue collection sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre. Sa isang pahayag, sinabi ni Customs spokesperson Arnaldo Dela Torre na asam ngayon ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na makapagsampa ng P800 hanggang P900 bilyong ganansya mula sa buwis at taripang kalakip ng duma­dagsang kargamento. “My guess is that our Commissioner’s prayer is that we reach the PHP 800…

Read More

KALAHATING KILONG DAMO HAGIP SA CLARK

HINDI pa man ganap na tinatalakay sa plenaryo ng Kamara ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot, isang negosyante ang nagtangkang magpasok sa Pilipinas ng halos kalahating kilo ng damong idineklara pang “prescription medicines.” Sa kalatas ng Bureau of Customs–Port of Clark (BOC-Clark), timbog sa pinagsanib na operasyon ng kawanihan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 448 gramo (katumbas ng P672,000) ng pinatuyong dahon ng marijuana. Batay sa mga dokumentong kalakip ng naturang kontrabandong ikinubli sa 21 canister tubes, nagmula pa sa Quebec, Canada ang…

Read More