P10M SMUGGLED YOSI, SILAT SA ZAMBOANGA

SA kabila pa ng paghihigpit ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pantalan at paliparan, walang takot naman ang mga sindikato sa patuloy na tangkang pagpupuslit ng mga smuggled na sigarilyo sa gawing timog ng bansa. Kamakailan lang, dalawang magkahiwalay na operasyon kontra cigarette smuggling ang ikinasa ng mga operatiba mula sa BOC-Zamboanga kung saan hagip 263 master cases – katumbas ng P9.9 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng imported na sigarilyo Unang nasilat ng pinagsanib na pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service-Customs…

Read More

PAGBIYAHE NG 100 MT NG NICKEL, PINIGILAN

HINDI nakalusot ang tangkang pagbiyahe ng tinata­yang 100 metriko toneladang nickel na lulan ng isang barkong patungo sana sa bansang China. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), inalerto ng BOC-Surigao District Collector Jonah Herbert Dollano ang tanggapan ng district inspector na nakabase sa Lungsod ng Surigao kaugnay ng diumano’y nakatakdang pagbiyahe papuntang China ng tinatayang 100 metriko tonelada ng nickel na sakay ng MV Lucky Source at MV De Xin Xing Long. Sa kanyang nilagdaan direktiba, agad na ipinag-utos ang pagdidiskarga ng mga lulan nickel batay na rin sa…

Read More

18.6% labis sa October target collection P75.5B PARA LANG SA ISANG BUWAN!

Ni JOEL O. AMONGO HINDI nagpaawat ang Bureau of Customs (BOC) sa pagtatala ng higit pa sa nakatakdang target collection matapos makasungkit ng tumataginting na P75.5 bil­yong kita mula sa pumasok at lumabas na kargamento para sa buwan ng Oktubre. Sa datos ng BOC Financial Service Office, lumalabas na walang patlang ang naitalang labis na koleksyon ng kawanihan sa nakalipas na sampung buwan, kasabay ng pahayag na mas paiigtingin pa ang paglikom ng buwis at taripa sa patuloy na pagdagsa ng kalakal bunsod na rin ng nalalapit na kapaskuhan. Ayon…

Read More

P4.4B, PASOK SA TACLOBAN

boc pera

MALIIT man, nakakapuwing din. Ito marahil ang nagsilbing inspirasyon ng mga opisyal at kawani ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa lungsod ng Tacloban (Leyte), matapos makapagtala ng tumataginting na P4.4 bilyong kitang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento mula Enero hanggang Setyembre 2022. Pagmamalaki ni BOC-Tacloban District Collector Francis Tolibas, ang P4.428 biltong ganasyang nalikom ng kanyang nasasakupang distrito ay katumbas na ng 85% ng kanilang P5.213 bilyong target collection para sa buong taon. Sa datos ni Tolibas, pinakamalaki ang nakolekta ng BOC-Tacloban noong buwan ng…

Read More

Mula Enero hanggang Oktubre P0.5-B SMUGGLED YOSI, SILAT SA ZAMBOANGA

HUMIGIT kumulang kalahating bilyong pisong hala­ga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa Zamboanga Pe­ninsula at mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi Tawi sa nakalipas na 10 buwan. Sa kalatas na BOC-POZ, tiniyak ni District Collector Sigmundfreud Barte, Jr., na mas paigtingin pa ng kanyang pinamumunuan tanggapan ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga karagatan kung saan karaniwan idinadaan ang mga iligal na kontrabando. Babala pa ni Bate, patuloy ang kanilang agresibong pagtugis sa mga cigarette smugglers na aniya’y…

Read More

75 KASO VS SMUGGLER, HOARDERS

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., 75 kaso ang pormal na inihain ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nakalipas na buwan laban sa mga smuggler at hoarder, bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga mapagsamantalang negos­yante. Sa isang panayam kama­kailan, ibinida ni BOC spokesperson Arnaldo Dela Torre ang agresibong pagtugis ng kawanihan laban sa mga sindikato sa likod ng lahat ng anyo ng smuggling at maging sa hanay ng mga opisyal at kawani ng ahensya. Ayon pa kay Dela Torre, layon ng BOC na tiyakin…

Read More

BOC 100% DIGITAL PAGSAPIT NG 2023

KUMBINSIDO ang pamunuan Bureau of Customs (BOC) na ganap na ganap nang matutuldukan ang katiwalian sa kawanihan sa sandaling matapos ang digital transformation sa mga operasyon ng ahensya sa unang sangkapat ng susunod na taon. Pagtitiyak ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, walang nakikitang pagkabalam ang kawanihan sa isinasagawang reporma sa umiiral na sistema sa pangangasiwa ng kalakalang dumaraan sa 17 BOC district collection offices sa mga pantalan at paliparan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Batay sa pinakahuling ulat na isinumite sa tanggapan ni Ruiz, lumalabas na 155…

Read More

SAYANG WALANG KAPANTAY SA PADALANG HINIHINTAY

Imbestigahan natin Ni JOEL O. AMONGO BAGAMA’T mayroon pang dalawang buwan bago ganap na sumapit ang araw ng Pasko, wala nang pagsidlan ng saya ang mga kaanak ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa maagang handog ng Bureau of Customs (BOC). Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa maagap na tugon ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at Manila International Container Port (MICP) sa idinulog na problema hinggil sa mga balikbayan box na nakatengga. Ang totoo, marami sa mga pinadalhan ang halos nawalan na ng pag-asang makukuha pa ang…

Read More

P6B NG DOF 2023 BUDGET INILAAN SA BOC – DIOKNO

GANAP nang inaprubahan ng Kamara de Represen­tantes ang panukalang P30.57 bilyong budget ng Department of Finance (DOF), ayon mismo kay Finance Secretary Benjamin Diokno kasabay ng isang pahayag ng pasasalamat sa metikuloso subalit mabilis na proseso sa deliberasyon ng mga kongresista. “Many thanks to the Committee on Appropriations and our legislators for their careful deliberation of our budget. This will allow us to modernize our main reve­nue agencies and push for key economic reforms for robust and inclusive growth,” ani Sec. Diokno. Sa kinatigang P30.57 billion DOF budget para sa…

Read More