SINDIKATO SAKIT-ULO

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SUKDULAN kung ilarawan ngayon ang inaabot na sakit ng ulo ng mga utak-sindikatong negosyante sa likod ng onion smuggling. Dangan naman kasi, may hayagang direktiba na ang Pangulo sa Bureau of Customs (BOC) – pagpasok ng sibuyas sa Pinas, tablado na. Sinong negosyante ba naman kasi ang hindi mamomroblema kung kabi-kabila na ang kanilang inilargang kwarta – sa mga tiwaling nasa loob mismo ng ahensya, sa pinagmumulan ng supply nila at sa barko kung saan ikakarga ang ipupuslit na kargamento. Sa isang banda, angkop…

Read More

SIBUYAS BANTAY-SARADO SA MERKADO, PANTALAN

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bantay-sarado na sa mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) – sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA) – ang anomang tangkang pagpupuslit ng sibuyas sa mga pantalan pinangangasiwaan ng kawanihan. Ayon sa BOC, maging ang mga pamilihang bayan kung saan karaniwang bumabagsak ang mga smuggled onion, minamat­yagan na rin anila ng pamahalaan mula pa noong buwan ng Hulyo. Samantala, sinabi naman ni Assistant Secretary Kristine Evangelista na tumatayong tagapagsalita ng DA na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng kanilang…

Read More

EXOTIC ANIMAL SMUGGLERS, SINAMPOLAN

HINDI na pinatagal ng husgado ang asuntong isinampa ng Bureau of Customs (BOC) laban sa dalawang indibidwal na dinakip sa aktong pag-i­ingat ng mga pambihirang hayop na ipinuslit mula sa mga bansang Poland at Malaysia nito lamang nakaraang taon. Sa kalatas ng tanggapan ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), magkahiwalay na hinatulang “guilty” ng Pasay City Metropolitan Trial Court ang dalawang personalidad na hindi pinangalanan, para sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) and Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).…

Read More

DOE AT BOC SANIB-PWERSA KONTRA POWER RATE HIKE

SA hangaring maging bahagi ng solusyon sa kinahaharap na krisis sa ekonomiya, nagsanib-pwersa ang dalawang ahensya para maiwasan ang pagsipa sa presyo ng enerhiyang mula sa inaangkat na karbon mula sa ibang bansa. Sa isang pulong-balitaan, kapwa kinatigan ng Department of Energy (DOE) at Bureau of Customs (BOC) ang pagbabago sa umiiral na sistema – partikular sa pagkukwenta ng buwis (valuation) na kalakip ng imported coal na karaniwang ginagamit ng mga plantang lumilikha ng kuryente sa iba’t ibang panig ng bansa. “The BOC has to use the transactional value, not…

Read More

BAGONG SANGAY NILIKHA KONTRA GUN SMUGGLING

SA hangaring tutukan at tuluyang wakasan ang operasyon ng mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng mga baril at pampasabog, isang bagong tanggapan ang nilikha ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz – ang Customs Firearms and Explosives Unit (CFEU). Sa bisa ng nilagdaan ng Customs Memorandum Order 27-2022, nakatakda ring bumalangkas ang ahensya ng mga polisiya at panuntunang alinsunod sa Republic Act 10592 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions and Providing Penalties for Violation Thereof). “The CFEU is an ad interim unit that will effectively monitor the importation and…

Read More

Malamang sumobra pa P721B TARGET KAYANG-KAYA!

WALANG nakikitang dahilan ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) para hindi malampasan – o maabot man lang ang itinakdang P700-B target collection sa pagsasara ng taong kasalukuyan. Para kay BOC Operations Chief Arnaldo Dela Torre na tumatayong tagapagsalita ng ahensya, kayang-kaya ng kagawarang bunuin ang P83 bilyon o higit pa hanggang sa pagtatapos ng 2022, lalo pa’t maganda ang ipinamalas ng 17 BOC district collection offices mula Enero hanggang Setyembre. Ayon kay Dela Torre, higit pa sa nakatakdang buwanang target ang naitala ng ahensya sa nakalipas na buwan –…

Read More

LASON SILAT SA MACTAN

HINDI nakalusot sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Mactan ang mapaminsalang kemikal na lulan ng isang barko mula sa bansang South Korea. Sa kalatas ng BOC-Port of Cebu, kumpiskado ang tinata­yang P1.5 milyong halaga ng ha­zardous chemical matapos ang isinagawang inspeksyon bunsod ng natanggap na impormasyon hinggil sa kargamentong target idiskarga sa Subport of Mactan. Sa salaysay ng mga kawani ng Subport of Mactan, isang timbre ang natanggap ng kanilang Customs Intelligence and Investigation Service ang nagtulak sa mga operatiba para magsagawa ng pagsusuri sa tinukoy…

Read More

September collection sumipa P79.5B PARA LANG SA ISANG BUWAN!

boc pera

ALINSUNOD sa pangako ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, pumalo sa P79.5 bilyon ang kabuuang pondong nalikom ng Bureau of Customs para sa buwan ng Setyembre. Sa datos ng Department of Finance (DOF) – kagawarang may direktang mandatong pangasiwaan ang BOC – lumabis pa ng P17.6 bilyon (katumbas ng 28% increase) ang kabuuang pondong nalikom ng kawanihang inatasang mangolekta ng P61.9 bilyon para sa nakalipas na buwan. Lumalabas din malayo ang P79.5 bilyong nakolekta ng BOC noong nakalipas na Setyembre kumpara sa P57.6 bilyong…

Read More

UGNAYANG BOC, CHINESE EMBASSY MAS PINALAKAS

KAPWA nanindigan ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) at Embahada ng bansang Tsina na higit na angkop na palakasin ang bilateral relations partikular sa mga pinaiiral na “customs policies.” Sa isang pulong kamakailan, tinalakay nina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at Economic and Commercial Counsellor of the Embassy of China in the Philippines Counsellor Yang Guoliang ang mga mekanismong magbibigay-daan para maisakatuparan ang 7-point agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang sa mga adyendang isinusulong ng Pangulo ang zero-tolerance para sa mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng droga,…

Read More