BOC-NAIA IPINAGDIWANG 63 YEARS OF EXCELLENCE

IPINAGDIWANG ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kasama ang kanilang mga empleyado at pangunahing stakeholders, ang mahigit anim na dekadang serbisyo publiko sa ilalim ng temang “Beyond Borders: A New Era for Digitalization and Customs Excellence.” Sa nasabing anniversary celebration kamakailan, si District Collector Atty. Yasmin Mapa ay binigyan-diin ang kahanga-hangang tagumpay at progreso ng BOC-NAIA. Itinampok ni Collector Mapa ang port’s outstanding revenue collection performance, na nakakolekta ng kabuuang P31.3 billion na kita mula Enero hanggang Setyembre 2023. Ito ay nakalagpas sa collection target na…

Read More

BOC NAGLABAS NG PUBLIC ADVISORY VS FAKE OFFICIALS/EMPLOYEES

NAGPALABAS ng public advisory ang Bureau of Customs (BOC) matapos na makatanggap ng mga ulat ng mapanlinlang na mga gawain na kinasangkutan ng mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga kinatawan ng BOC. Ang nasabing mga scammer ay muling nagpahayag na kailangan ang bayad para sa “CUSTOMS CLEARANCE TAX/FEES” para mai-release ang parcels o packages. Ang mga ito ay nagpapadala ng pekeng “ACKNOWLEDGEMENT LETTERS” na may pangalan ng BOC officials o employees para makapambiktima sa pamamagitan ng pekeng proof of payment receipt. Para malabanan ito, hinikayat ng BOC ang publiko na…

Read More

Partners at mga empleyado kinilala IKA-78 ANIBERSARYO NG PORT OF TACLOBAN IPINAGDIWANG

IPINAGDIWANG ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Tacloban ang kanilang 78th founding anniversary noong Oktubre 10, 2023. Ito ay nakapagtala ng walong dekada na hindi natitinag ang pangako para sa pagkolekta ng kita, mabilis na kalakalan at pangangalaga sa kapakanan ng mga hangganan ng bansa. Simula nang pagkakatatag noong 1945, ang BOC-Port of Tacloban ay nakapaglaro sa isang mahalagang papel sa pagtitiyak sa ekonomiya at national security sa Eastern Visayas. Paglipas ng mga taon, ang Port of Tacloban ay patuloy na umunlad at iniangkop upang matugunan ang nagbabagong kailangan sa…

Read More

BOC OFFICERS KINILALA SA MAAYOS NA PAGTUGON SA MGA REKLAMO

PINAPURIHAN ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang ilang mga opisyal nito sa kanilang epektibong pagtugon sa mga reklamo. Ito ay bilang paglaban ng gobyerno sa korupsyon, pagbabawas sa red tape, at pagpapabilis ng mga transaksyon sa gobyerno. Kabilang sa mga nakatanggap ng pagkilala ang BOC – Customer Assistance and Response Services (CARES), Intelligence Group, Internal Administration Group, Port of Manila, Manila International Container Port (MICP), at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon. Ito ay pamamagitan ng kanilang pagbibigay ng maaasahan,…

Read More

P2.4-M SMUGGLED FUEL NAKUMPISKA NG BOC-LIMAY

UMABOT sa 40,000 liters ng smuggled fuel na tinatayang P2.4 milyon ang halaga, ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Limay kamakailan. Noong Oktubre 5, 2023 ng umaga, pinangunahan ni Acting District Collector Guil­lermo Pedro A. Francia, ang operasyon ng mga awtoridad sa isang fuel loaded truck na nagtangkang dumaan sa checkpoint ngunit pinahinto para ipresenta ang kaukulang mga dokumento. Bilang pagsunod sa pro­seso, si Collector Francia ay nag-utos sa Port of Limay Enforcement and Security Service (ESS) ng pagsasagawa ng field test sa langis…

Read More

BOC PILIPINAS, KASAMA SA 10 AMS NA LUMAGDA SA MRA

KASAMA ang Bureau of Customs ng Pilipinas sa 10 ASEAN Member States (AMS) na lumagda sa Mutual Recognition Arrangement (MRA) para sa kani-kanilang Authorized Economic Operator (AEO) Programmes noong Setyembre 19, 2023. Ang ASEAN AEO MRA (AAMRA) ay naghahanap ng potensyal at transparent na kapaligiran sa pangangalakal, na kabilang sa AMS. Ang AAMRA na nagbibigay ng certification standards sa AMS customs administrations na nag-apply sa loob ng kani-kanilang AEO programmes, ay magkatugma at naaayon kasama ang mga prinsipyo at mga pamantayan ng World Customs Organization (WCO) SAFE Framework of Standards…

Read More

P25.3-M SHABU NASABAT NG BOC SA MALAYSIAN PASSENGER

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang isang Malaysian traveler na nagmula sa Madagascar via Addis Ababa, na pasahero ng Ethiopian Airlines Flight ET 644, na may dalang P25.3 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride sa kanyang bagahe. Ang bagahe ng nasabing pasahero ay isinailalim sa mahigpit na screening, kabilang ang X-ray scanning, at tho­rough physical examination, na naging daan ng pagkakatuklas sa 3.722 kilograms ng…

Read More

BOC-PORT OF TACLOBAN NAG-INSPEKSYON SA CBW NG PSPI SA ALBUERA, LEYTE

NAGSAGAWA ng site visit at inspeksyon ang isang composite team na binubuo ng mga mi­yembro mula sa Bureau of Customs (BOC) Enforcement Security Service (ESS) at Port Operations Division (POD), sa Customs Bonded Warehouse (CBW) ng Pulp Specialties Philippines, Inc. (PSPI) sa Albuera, Leyte noong Setyembre 27, 2023. Ang PSPI ay supplier ng specialty paper na gawa sa abaca fiber at pulp. Ito ay papel na gina­gamit sa iba’t ibang produkto, katulad ng pera, tea at coffee filters, cigarette paper, at maraming iba pa at ini-export sa European countries. Kinumpirma…

Read More

BOC-PORT OF BATANGAS NAKAPAGTALA NG HIGHEST COLLECTION NOONG SEPT. 2023

NAKAPAGTALA ng pinakamataas na koleksyon ang Bureau of Customs – Port of Batangas (BOC-POB) para sa buwan ng Setyembre 2023. Umabot ang kabuuang cash collection sa P22.048 bilyon, ang BOC-POB ay nakamit ang panibagong ‘milestone’ na pag-post ng pinakamataas na naitala sa buwanang koleksyon para sa Bureau of Customs noong Setyembre 2023. Sa nasabing buwan ay P2.7 bilyon o 14% na mas mataas ang kanilang koleksyon kaysa noong nakaraang taon sa kaparehong panahon. Kaugnay nito, umaasa ang nasabing port na sa susunod na mga buwan ay malalagpasan nila ang kanilang…

Read More