KASAMA ang Bureau of Customs ng Pilipinas sa 10 ASEAN Member States (AMS) na lumagda sa Mutual Recognition Arrangement (MRA) para sa kani-kanilang Authorized Economic Operator (AEO) Programmes noong Setyembre 19, 2023.
Ang ASEAN AEO MRA (AAMRA) ay naghahanap ng potensyal at transparent na kapaligiran sa pangangalakal, na kabilang sa AMS.
Ang AAMRA na nagbibigay ng certification standards sa AMS customs administrations na nag-apply sa loob ng kani-kanilang AEO programmes, ay magkatugma at naaayon kasama ang mga prinsipyo at mga pamantayan ng World Customs Organization (WCO) SAFE Framework of Standards to Secure and Facilitate Global Trade (SAFE Framework).
Ang sertipikadong AMS AEOs ay nasisiyahan sa mas mabilis na shipment clearance at prayoridad na masolusyunan ang mga kargamento para sa cargo inspection para sa kanilang kalakal sa loob ng ASEAN.
Dahil sa mga benepisyong ito ay inaasahan ang pagtaas ng kita na dulot ng pagpapahusay at ‘predictability’ ng paggalaw ng mga kargamento.
Matatandaan kamakailan, isang Joint Action Plan ang inanunsyo para sa ganap na implementasyon ng AAMRA sa opening ceremony ng 31st meeting ng ASEAN Director-Generals of Customs noong Hunyo 7, 2022, sa Singapore.
Pagkatapos nito, ang Pilipinas ay lumagda sa AAMRA Text noong Mayo 12, 2023.
Sa pagtatapos ng kanilang domestic administrative procedures, anim na ASEAN Member States, na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines, Thailand, at Singapore, ang nagsimula ng anim na buwang pilot implementation ng AAMRA na magtatapos sa 2023, na layunin maipatupad ang buong implementasyon sa third quarter ng 2024.
Ang natitirang apat na AMS ay inaasahang magsisimula rin na habang ang second pilot implementation ay ipatutupad sa 2024.
(BOY ANACTA)
