SA GANANG AKIN ALAM ng kahit sinong sumubaybay sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games na hindi naging madali para sa mga atleta ng iba’t ibang larangan mula sa iba’t ibang bansa ang kaharapin ang mga naturalized player ng Cambodia. Bilang host ng SEA Games ngayong taon, ang Cambodia ay mayroong pribilehiyong baguhin ang mga patakaran sa naturang torneyo. Isa sa mga pagbabagong ipinatupad nito ang pag-alis ng limitasyon sa bilang ng mga naturalized player na maaaring isama sa hanay ng mga manlalaro. Isa ang basketball sa mga larangan kung saan…
Read MoreCategory: JOE ZALDARRIAGA
KAPANA-PANABIK NA TAON PARA SA MGA ATLETA AT MAMAMAYANG PILIPINO
SA GANANG AKIN NAPAKALAKI ng ginagampanang papel ng isports sa kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinas. Hatid nito ang inspirasyon, pag-asa, at pagkakataon para sa mamamayan lalo na para sa mga kabataan at mga atletang Pilipino. Maraming mga estudyante ang nakapagtatapos ng pag-aaral sa tulong ng mga scholarship grant na ibinibigay sa mga atleta ng mga kolehiyo, unibersidad, at ng pamahalaan. Sa pamamagitan din ng isports, mas nakikilala ang Pilipinas, hindi lang bilang bansang hitik sa likas na yaman kundi bansang may mahuhusay na atleta. Kitang kita naman ang kahandaan at…
Read MoreMVP, KAISA NG DOTR SA REHABILITASYON NG NAIA
SA GANANG AKIN ANG pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga miyembro ng pribadong sektor ay isa sa mga susi ng pag-unlad ng isang bansa. Ang pagkakaisa sa pagitan ng mga sektor ay nangangahulugan na magkakasundo ang adhikain ng mga ito kaya’t mas napapabilis ang pagpapatupad ng mga istratehiya at pagkamit sa mga layunin ng bansa. Sa kasalukuyan, ang pangunahing layunin ng bansa ay ang muling makabangon mula sa epekto ng pandemyang COVID-19 at isa sa mga pangunahing estratehiya nito ang pag-ibayuhin ang turismo. Subalit ito ay hindi lamang…
Read MoreIKA-5 SUNOD NA TAONG PAGKILALA SA PLDT BILANG MAY PINAKAMABILIS NA SERBISYO NG INTERNET SA BANSA
SA GANANG AKIN TAYO ay namumuhay sa panahon kung saan marami sa atin ay dumedepende sa modernong teknolohiya gaya ng internet upang mas mapabilis at mapagaan ang ating mga pang araw-araw na gawain lalo na sa larangan ng komunikasyon. Kaya naman hindi rin kataka-taka na itinuturing na kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga tao ang pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet. Batid ang hindi maitatangging katotohanang ito, ang PLDT Inc. (PLDT) bilang pinakamalaking digital service provider ng bansa, ay patuloy sa pagpapaigting at pagpapalawig ng pasilidad at serbisyo nito…
Read MoreMAS MALINIS NA KINABUKASAN SA TULONG NG PROGRAMANG ONE FOR TREES NG ONE MERALCO
SA GANANG AKIN DALAWA sa pinakamalaking hamon sa kalikasan na hinaharap ng buong mundo ay ang climate change at global warming. Hindi ito dapat ipagsawalang bahala bagkus nararapat aksyunan bago tuluyang mahuli ang lahat dahil hindi lamang tayo ang maaaring maapektuhan nito kundi pati ang mga susunod na henerasyon. Ang Meralco, bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, ay isa rin sa mga tagapagtaguyod ng sustainability. Batid ng kompanya ang kahalagahan ng adbokasiyang ito lalo na sa pagtulong sa pagtugon sa global warming at climate change. Kaya naman isa sa…
Read MoreMABABANG SINGIL SA KURYENTE NG MERALCO, MALAKING TULONG SA MGA CUSTOMER
SA GANANG AKIN HINDI maitatangging panahon na talaga ng tag-init dahil sa taas ng temperatura. Kaugnay nito, inaasahang tataas din hindi lang ang demand sa kuryente kundi pati ang konsumo ng mga konsyumer dahil sa mas matagal na paggamit ng mga cooling device gaya ng aircon. Sa kabila ng panahon ng tag-init, pampalamig ng ulo naman ang balitang hatid ng Meralco para sa 7.6 milyong customer nito. Kamakailan ay inanunsyo ng Meralco ang pababang paggalaw ng presyo ng kuryente ngayong buwan ng Abril. Mula sa kabuuang presyong P11.4348 kada kilowatthour…
Read MoreSUPORTA SA PAGPAPALAWIG NG IMPRASTRAKTURA NG BANSA
SA GANANG AKIN Joe Zaldarriaga ASAHAN na naman nating muli ang mabagal na daloy ng trapiko sa pangunahing mga kalsada sa susunod na mga araw dahil sa Mahal na Araw, na taun-taong ginugunita ng mga Kristiyano upang magbalik-loob sa Panginoon. Bukod dito, sinasamantala rin ng mga Pilipino ang okasyong ito upang tumungo sa kani-kanilang mga probinsya dahil sa long weekend, samantalang ang iba naman ay nagtutungo sa mga pasyalan upang mag-relax at magtampisaw ngayong pormal na ring nagsimula ang panahon ng tag-init. Naging karaniwan na ang ganitong sitwasyon tuwing buwan…
Read MoreMERALCO NAGPATAYO NG BAGONG FIRE SUB-STATION BILANG PAKIKIPAGTULUNGAN SA BFP
SA GANANG AKIN ni JOE ZALDARRIAGA NAPAKAHALAGA ng mga programa, inisyatiba, at mga alituntuning pang-kaligtasan na ipinatutupad ng pamahalaan para sa sambayanan. Sa tulong ng mga miyembro ng pribadong sektor at sa pamamagitan ng mga inisyatiba nitong alinsunod sa mga adhikaing pangkaligtasan ng pamahalaan, lalong nasisiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa komunidad. Bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, batid ng Meralco ang kahalagahan ng pakikiisa nito sa pamahalaan partikular na sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagsiguro ng kaligtasan hindi lamang ng mga empleyado nito kundi pati ng…
Read MorePRIBADONG SEKTOR KABALIKAT NG GOBYERNO
SA GANANG AKIN NAPAKAHALAGA ng tungkulin ng teknolohiya sa mga negosyo sapagkat ito ang nagtutulak tungo sa mas maayos na serbisyo para sa mga konsyumer. Sa Pilipinas, kapansin-pansin ang technology adoption ng mga kompanya katulad ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na palaging inuuna ang kapakanan ng mga konsyumer sa mas maayos na serbisyo gamit ang teknolohiya. Sa isang panayam, binigyang-diin ni MPIC Chairman Manuel V. Pangilinan o MVP, ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga kompanya sa ilalim ng MPIC. Isa na rito ang PLDT na…
Read More