MANILA—Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa pangunguna ni Brian Poe, ay nakakuha ng momentum para sa darating na 2025 midterm elections, makaraang makakuha ng magandang posisyon sa SWS survey. Ang partylist ay nakakuha ng 1.73 porsyentong pagtaas sa ika-11 na puwesto sa pinakahuling survey ngayong Disyembre. Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay nakatuon sa mga haligi ng pagkain, progreso, at hustisya, na naglalayong iangat ang mga marginalized na Pilipino at itaguyod ang isang inklusibo at sustainable na kinabukasan para sa bansa. “Pinasasalamatan namin ang publiko sa pagkilala sa serbisyong tatak…
Read MoreCategory: METRO
GRAFT VS EX-BFAR CHIEF GONGONA, TULOY
TULOY ang mga kasong graft laban kay dating Agriculture Usec. at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Eduardo B. Gongona kaugnay ng kontrobersiyal na P2 bilyong vessel monitoring system (VMS) project. Ito ay matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang dalawang mosyon ni Gongona na humihiling na muling pag-aralan ang resolusyong may petsang Pebrero 5, 2024. Ang resoluyon ay nag-aatas ng pagsasampa ng kaso laban sa kanya at sa dalawa pang akusado para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o…
Read MoreSUSPENSYON NG MONTHLY PHILHEALTH CONTRIBUTION ITUTULAK NG KAMARA
PINAG-AARALAN ng Kamara de Representantes kung maaaring suspendihin ang pangongolekta ng premium contribution kapag napatunayan na maaari itong gawin dahil maraming nakatabing pondo ang PhilHealth. Sa kanyang talumpati noong Miyerkoles, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na magsasagawa ng imbestigasyon ang Kamara hinggil dito. “This investigation is not about blame; it is about finding solutions. Our goal is clear: to ensure that every peso in PhilHealth’s coffers works for the benefit of its members – the hardworking Filipino people who contribute month after month,” ani Romualdez. Kung hindi maaari…
Read MoreAYUDA SA MAHIHIRAP, KAPOS ANG KITA IPINAGTANGGOL NI ROMUALDEZ
IPINAGTANGGOL ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglalaan ng Senado at Kamara de Representantes ng pondo para mabigyan ng ayuda sa susunod na taon ang mahihirap at mga pamilya na kapos ang kinikita. Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa isang talumpati bago nag-adjourn ang sesyon ng Kongreso para sa Christmas break. Sinabi ng lider ng Kamara na maraming pamilyang Pilipino ang nangangailangan ng tulong bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pandaigdigang hindi pagkakasundo, at mga nagdaang kalamidad kaya iginiit ng Kamara ang pangangailangan na magkaroon ng pondo…
Read MoreMedia, huwag nang gawing testigo sa droga NPC SUPORTADO SI CONG. ERWIN TULFO
SUPORTADO ng National Press Club (NPC) ang panawagan ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na humihikayat sa Senado na maghain ng panukala na huwag nang isama ang media sa mga testigo sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga, bilang bahagi ng inventory team. Matatandaang bagamat aprubado na ng Kamara ang pag-amyenda sa Section 21 ng Republic Act 9165, wala pa namang naihahaing ganitong panukala ang Senado. Ayon kay NPC President Leonel Abasola, napapanahon nang maamyendahan ang naturang batas dahil na rin sa panganib na hatid nito sa media…
Read MorePosibleng mawalan ng trabaho dahil sa online selling DTI PINAKIKILOS NI REP. ERWIN TULFO PARA PROTEKTAHAN MAHIGIT 300,000 WORKERS
PINAKIKILOS ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang mga ahensya ng pamahalaan partikular ang Department of Trade and Industry (DTI) na agad aksyunan at bigyan ng proteksyon ang mahigit 300,000 manggagawa na nanganganib mawalan ng trabaho kung patuloy na malulugi ang mga local manufacturer sa bansa dahil sa pagsulpot ng mga online selling. Sa ikalawang pagdinig ng committee on trade and industry ng Kongreso sa pamumuno ni Rep. Fergenel Biron, ukol sa House Resolution No. 1912 na inihain ni Tulfo at kanyang mga kasamahan sa…
Read MoreSEGURIDAD SA DIVISORIA NGAYONG HOLIDAY SEASON PINAIGTING
PINAIGTING ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas ang kahandaan ng mga pulis para sa seguridad at kaligtasan ng mga mamimili sa Divisoria sa Binondo, Manila hanggang sa araw ng Pasko at Bagong Taon. Umabot sa 100 pulis, kabilang ang mga miyembro ng National Capital Regional Office, ang todo na sa pagbabantay sa Divisoria habang nalalapit ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Ayon kay PLt. Col. Mupas, patuloy na dinaragsa ang Divisoria lalo na ng mga mamimili na dumayo pa mismo sa nasabing lugar. Magpapatuloy aniya ang pagbabantay ng pulisya…
Read MoreApela ng gobernador ng Zamboanga del Norte sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan SUPPLEMENTAL BUDGET APRUBAHAN PARA MAPASWELDO MGA CONTRACTUAL AT JOB ORDER EMPLOYEES
UMAPELA ang isang mataas na opisyal ng gobyerno sa Zamboanga del Norte sa Sangguniang Panlalawigan na aprubahan na ang supplemental budget upang maibigay na ang sweldo ng mga contractual at job order employees. Sa isang pahayag, sinabi Zamboanga del Norte Gov. Rosalina ‘Nanay Nene’ Jalosjos na aksyunan na ang kanyang kahilingan na pondo dahil matagal na niyang ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget. Mula kasi noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakasusweldo ang mga contract of service at job order employees dahil sa kawalan…
Read MoreIka-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Muntinlupa: Pagdiriwang ng Tunay na Puso ng Mamamayan
IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag. Isa itong mahalagang okasyon para sa mga residente, dahil ito ay sumasalamin sa tunay na puso ng lungsod. Sa kanyang talumpati, binalikan ni Mayor Ruffy Biazon ang mga kahanga-hangang gawa ng integridad at serbisyo na ipinamalas ng mga ordinaryong mamamayan sa buong taon. “Sa mundong ating ginagalawan ngayon, kung saan madalas ang kawalang-pakialam, ang mga kilos ng katapatan na ito ay nagbibigay sa atin ng pagmamalaki at pag-asa,” aniya. Isa sa mga nakakagalak na bahagi ng pagdiriwang ay ang kwento…
Read More