(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong qualified theft at paglabag sa Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 si Malabon Representative Jaye Lacson Noel, asawa nitong si Florencio “Bem” Noel at kasabwat na kagawad dahil sa pagre-repack ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bukod sa mag-asawang Noel, kasama sa inireklamo si Kagawad Romulo Cruz. Batay sa reklamo ni Rogelio Gumba, inamin nito na siya mismo ang inutusan ng kongresista na irepack ang DSWD…
Read MoreCategory: METRO
3RD IMPEACHMENT CASE VS VP SARA INIHAIN SA KAMARA
INIHAIN na kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng mga religious group, mga paring Katoliko, non-government organization (NGO), mga abogado ang ikatlong impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Personal na inihain ng abogado ng mga 12 complainant na si Atty. Amando Virgil Ligutan ng grupong Saligan ang ikatlong impeachment complaint laban kay Duterte sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco kahapon, December 19 ng umaga. “The complainants are arguing that it is no longer just a constitutional, legal obligation of the members of Congress to impeach/remove the…
Read MoreNOCHE BUENA PACKAGE KALOOB SA MGA SUNDALO SA WEST PHILIPPINE SEA
MATAGUMPAY at mapayapang naihatid ng Armed Forces of the Philippines ang mga pamaskong supplies para sa mga sundalong nakatalaga sa West Philippine Sea sa isinagawang rotation and reprovisioning (RoRe) mission ng AFP mula December 3 hanggang 14. “Western Command vessels transported essential life support and sustainment provisions, efficiently conducting unloading operations. This mission delivered morale-boosting Christmas packages in line with the AFP’s 89th Anniversary,” ani AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon. “The mission underscores the AFP’s commitment to ensuring…
Read MoreLATE NIGHT OPERATION NG LRT, MRT GAWING BUONG TAON
HINILING ng isang mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na i-extend hanggang hatinggabi ang operation ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) upang makatulong sa mga manggagawa na nagtatrabaho hanggang alas-onse ng gabi. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang kahilingan matapos i-anunsyo ng DOTr na hanggang alas-dose na ng hatinggabi ang operation ng LRT 1, RT2 at MRT 3 sa loob ng isang linggo na nagsimula noong December 16. “Kung in-extend na natin for a week, bakit hindi natin ito gawin buong taon? Kung kaya…
Read MorePAGSIBAK KAY HERBOSA AT PAGBALIK NG PHILHEALTH SUBSIDY SIGAW NG LABOR, HEALTH WORKERS
NAGLUNSAD ng malaking kilos protesta ang koalisyon ng labor groups, health workers at medical advocates sa Mendiola, Manila kahapon upang igiit ang pagpapatalsik kay Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng PhilHealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget. Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan ang sama-samang nagmartsa sa Morayta patungo sa Mendiola at isinigaw ang pagtanggal na kay Herbosa gayundin ang panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang rekomendasyon ng Kongreso na bigyan ng zero budget ang PhilHealth. “Zero subsidy for PhilHealth but full…
Read MoreVBANK INILUNSAD NI MANONG CHAVIT SA QC
PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makakapagbago ng landscape ng online financial transactions sa bansa. Pinangunahan ni Manong Chavit ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, Disyembre 15, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez Jr. Avenue, Quezon City. Kasama ni Manong Chavit si veteran comedienne Ai Ai delas Alas. Ang VBank digital bank ay isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa mga transaction online para sa mga Pilipino tungo sa pagiging financial inclusive ng…
Read MorePHILHEALTH SAGOT NA KALAHATI NG BAYAD SA OSPITAL, BABAWASAN PA PREMIUM
TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na babawasan ang premium contribution rates ng mga miyembro mula 5% patungong 3.25% at palalawakin ang hospital coverage ng hanggang 50% simula sa susunod na buwan, kahit walang natatanggap na subsidiya mula sa gobyerno. Ginawa ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang pangakong ito sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Kamara nitong Martes, bilang tugon sa panawagan ng mga mambabatas na mas gamitin ang malaking pondo ng ahensya para direktang makinabang ang mga miyembro. Hiniling ni House Assistant Majority Leader…
Read MoreTraders, importers napapayag ng Congress P40 PER KILO RICE IBEBENTA SA NCR NGAYONG DISYEMBRE
MISMONG rice importers at traders na sa Bulacan ang magdadala at magbebenta ng murang bigas sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila simula sa susunod na linggo. Ayon kay House Deputy Majority leader Erwin Tulfo, “ito ang ang ipinangako ni Celestino Marquez, pangulo ng Intercity Rice Mills and Traders sa Balagtas, Bulacan matapos makumbinse natin sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang grupo na ibenta diretso sa merkado ang mga bigas na hawak nila”. Ayon kay G. Marquez, “pwede naming ibenta ang mga bigas namin diretso sa mga…
Read MoreBAGONG LOAN PROGRAM NG LBP PAMALIT SA 5-6 NA UTANG – NOGRALES
(JOEL O. AMONGO) PINURI ng chair ng House committee on labor and employment ang isang bagong loan program ng Land Bank of the Philippines (LBP) para sa mga pensioner at mga manggagawa ng gobyerno na makatutulong sa oras ng kanilang kagipitan. “Maganda po ang bagong loan program na ito upang may legal na malalapitan ang ating mga kawani ng pamahalaan at pensyonado sa halip na lumapit sa mga nagpapa-5-6,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Kamakailan ay inilunsad ng LANDBANK ang tinawag nilang PeER (Pension and Emergency Relief) Loan…
Read More