GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HABANG papalapit na ang national at local elections sa ating bansa, napakahalaga para sa ating mga botante na maging matalino sa kanilang mga pagpipilian. Sa halo ng mga celebrity, dating convict, at social media influencers na tumatakbo para sa opisina, nakae-excite ang eksena pero nakalilito rin. Bagama’t kapana-panabik na makakita ng pamilyar na mga mukha sa pulitika, dapat nating tandaan na hindi lahat ng nagbibigay aliw sa atin sa screen o online ay may karanasan o dedikasyon na maglingkod sa bansa nang epektibo. Una,…
Read MoreCategory: OPINYON
WALANG BUMANGGIT SA INDUSTRIALIZATION
DPA ni BERNARD TAGUINOD NATAPOS na ang paghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa 2025 election mula Senado hanggang konsehal ng bayan at lungsod noong Martes at siyempre may mga naglatag na agad ng kanilang plataporma. Ang napansin ko lang, walang nagsusulong ng industriyalisasyon sa mga kandidato, lalo na sa Senado at Kongreso, at maging sa local government units (LGUs) para magkaroon ng dagdag na trabaho ang mga tao. Mabuti pa ang military industrialization ay nabigyan ng atensyon pero hindi ang commercial industrialization na kailangang na…
Read MoreMAY ITINATAGO NGA BA SI VP SARA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO NOONG nakaraang congressional hearing na ginanap noong September 18, 2024, pabalang at pabastos na tumanggi si Sara Duterte, ang nanunungkulang bise presidente ng bansa at nakaraang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na sumumpa bilang isang resource person. Ayon sa kanya, siya ay hindi naroon bilang isang testigo kundi bilang isang resource person lamang kung kaya’t hindi siya dapat sumumpa. Ibig sabihin, naroon lamang siya bilang isang reference at hindi niya kailangang magsabi ng totoo. Puwede siyang sumagot sa kahit anong paraan na gusto niya at…
Read MoreMAYOR VICO KABADO SA BAGONG KARIBAL?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAKAHANAP na ata ng katapat si Pasig Mayor Vico Sotto, at malamang kabado na siya makaraang maghain ng kandidatura si Sarah Discaya, may-ari ng St. Gerrard General Contractor and Development Corporation. Idinadawit ni Sotto ang St. Gerrard sa isang kumpanya na may joint venture sa Commission on Elections (Comelec). Pumalag ang asawa ni Discaya na si Curlee, na siya rin chief executive officer ng St. Gerrard. Giit nito, nag-divest na sila at wala nang kinalaman sa sinasabing kumpanya, na tuluyan na rin umatras sa joint venture…
Read MoreQUO VADIS JUAN DE LA CRUZ
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari ANG natapos kahapon na walong araw na pagsusumite ng “certificate of candidacy” (COC) ng mga kandidatong lalahok sa eleksyon sa susunod na taon ay naging isang parada ng mga payaso, topakin, peke, korap, manderekwat at IILANG seryosong maging lingkod bayan. Kanya-kanyang gimik. May ginawang piyesta ang okasyon. May mga binayarang tsuwariwap na may libreng t-shirt para palabasing sumusuporta sa kandidato. At dahil sikat daw sila sa social media partikular sa Facebook at Tiktok, may mga nabaliw na rin na kumandidato. At Senado pa ang…
Read MoreOFW PARTY-LIST BAKA ‘DI NA MAKABALIK SA KONGRESO ‘PAG NAGKATAON
RAPIDO NI TULFO PATULOY pa rin ang aming pagtugaygay sa abandonadong balikbayan boxes mula sa Bluebridge at Tag Cargo na matagal nang nakatengga sa Davao Port at Manila International Container Terminal sa North Harbor. Sa pinakahuling update na ibinigay ng opisina ni Atty. Vince Maronilla sa aming programa ay sinabi nito na nasa legal department na ng Bureau of Customs ang mga dokumento ng mga container at kapag nabigyan na ito ng clearance ay mailalabas na ito. Ito naman ay dadalhin sa Department of Migrant Workers alinsunod sa kasunduan ng…
Read MoreASA PA KAYONG MABUBUWAG ANG POLITICAL DYNASTY
DPA ni BERNARD TAGUINOD MAS malabo pa sa tintang itim na ibinubuga ng pusit kapag nasusukol na siya, ang pag-asang mabuwag ang political dynasty sa Pilipinas dahil habang tumatagal, imbes na mabawasan ay nadadagdagan pa sila. Ang tanging pag-asa na lang natin ay maging matalino ang mga botante na imposible ring mangyari dahil karamihan sa Pinoy voters ay madaling mauto, nababayaran at masyadong nai-star struck sa sikat na mga kandidato. Maraming nagsasabi na 70% sa mga gumagawa ng batas sa Kongreso ay mula sa political dynasty clan at kung hindi…
Read MorePAGIBIG-HDMF TRUSTEE INIREKLAMO NG EMPLEYADO SA PAGIGING BASTOS?
PUNA ni JOEL O. AMONGO ISANG ginang ang nagreklamo laban sa kanyang boss na Trustee ng PAGIBIG – Home Development Mutual Fund (PAGIBIG-HDMF) na umano’y nang-aabuso sa kanya. Sa sulat ng ginang na hindi muna natin babanggitin ang pangalan, kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., inireklamo niya ang pare-pareho at tuloy-tuloy na ‘hindi naaangkop na pag-uugali, verbal na pang-aabuso, at maling pag-uugali’ ni Anthony Cesar Arellano, Trustee ng PAGIBIG-HDMF. Nakasaad sa reklamo ng ginang na sa isang board committee meeting na isinagawa sa Baguio noong Agosto 26, 2024 sa Manor…
Read MorePAPANSININ KAYA ANG KASO NG MGA GUO KUNG WALA SILANG PERA??
BISTADOR ni RUDY SIM NOONG nakaraang Biyernes ay humarap sa isinagawang pagdinig ng Bureau of Immigration, Board of Special Inquiry (BI-BSI) ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela Leal Guo o Zhang Mier, kaugnay sa kontrobersyal na kung ano ba talaga ang tunay na katauhan ng mga Guo sa kabila ng lumabas na mga dokumentong nagsasabing pineke ang kanilang Filipino citizenship. Marami ang nakatutok sa mala-teleseryeng kaabang-abang kung ano ang mangyayari sa isinasagawang pagdinig ng iba’t ibang sangay ng gobyerno, kung seryoso ba ang mga…
Read More