MY POINT OF BREW ni JERA SISON NALANTAD na sa publiko ang mas mataas na presyo ng kuryente na dulot ng bagong kontratang pinasok ng mga planta ng Lopez group sa grupo ni Enrique Razon. Ayon kasi mismo sa kanila, mayroon nang bagong Gas Sale and Purchase Agreement (GSPA) para sa natitirang gas mula sa Malampaya. Pero lumabas sa singil nila sa Meralco ngayong Pebrero na mas mataas pa ito kaysa dati. Ayon sa Meralco, may 12% na dagdag sa presyo ng Malampaya gas sa ilalim ng bagong GSPA ng…
Read MoreCategory: OPINYON
CONG. AMBEN AMANTE, ‘HANDS-ON’ NA LIDER
TARGET ni KA REX CAYANONG NGAYONG panahon kung saan ang pagiging public servant ay madalas na nasusukat sa dami ng proyektong naipatutupad, nangingibabaw ang pangalan ni Congressman Loreto “Amben” Amante bilang isang tunay na halimbawa ng dedikadong paglilingkod. Hindi lamang siya isang aktibong mambabatas sa Kongreso kundi isang hands-on na lider sa kanyang distrito. Ang kanyang pangalan ay hindi lamang kilala sa loob ng mga pader ng Batasang Pambansa kundi maging sa bawat sulok ng Ikatlong Distrito ng Laguna. Kamakailan, nakamit ni Cong. Amben ang pagkilala bilang Top 1 sa performance…
Read MoreLABASAN NG BAHO NG SENADO AT KAMARA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PINAG-AARALAN na raw mabuti ni Pangulong Bongbong Marcos ang mungkahi na bigas na lamang sa halip na pera ang ibigay sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, ayon kay Department of Agriculture (DA) Usec. Roger Navarro. Umusbong ang mungkahi para raw maibsan ang paghihirap ng mga benepisyaryo na kailangan pang bumili ng bigas na ngayon ay mataas ang presyo. Kung bigas na mismo ang ipamimigay ay magdudulot pa raw ito ng pagbagal ng inflation sa bansa. Welcome naman sa Department of Social Welfare…
Read MorePULA VS BERDE
DPA ni BERNARD TAGUINOD HABANG nag-iisip ako ng aking isusulat sa pitak na ito, biglang tumugtog ang kantang “Tatsulok” ng singer na si Bamboo at bigla akong nagka-idea nang mabanggit sa kanta ang “Hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban. Ang kulay at tatak ay ‘di syang dahilan”. Ang pula ay kulay ng mga Marcos habang dilaw naman ang tatak ng mga Aquino, ang dalawang pamilyang mortal na magkaaway sa pulitika nang banggain ng noo’y senador na si Benigno “Ninoy” Aquino III ang diktador na si dating Pangulong Ferdinand E.…
Read MorePRODUKTONG BINEBENTA SA ‘DALI’ DAPAT SURIIN NG DTI
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY nakarating na impormasyon sa PUNA na may mga produktong ibinebenta sa DALI Supermarket na kwestiyonable. Kaya dapat kumilos at suriin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ulat na tila ginaya o kinopya ang ilang mga produkto na naka-display sa DALI. Na-PUNA ng mga konsyumer na may ibinebentang mga produkto sa supermarket na ito na kapag tiningnan ng mabuti ay kapansin-pansin na tila’y iniba lang ang mga pangalan, samantala ang disenyo ng bote, kahon o lalagyan ay parehong-pareho sa ilang pinagkopyahang produkto…
Read MoreQUEZON CITY VENDOR BUSINESS SCHOOL
BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO KAILANGAN ng masusing pag-aaral patungkol sa Quezon City vendors. Isa sa mga hakbang ang paglulunsad kamakailan ng Quezon City ng Vendor Business School sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte. Ito ay upang tulungan ang mga market vendor na maging responsableng negosyante. Ito ang kauna-unahang programang Vendor Business School katuwang ang Consultative Group for International Agricultural Research Resilient Cities Project, isang international research group upang pahusayin ang estado ng daloy ng pagkain o mga sistemang pangangailangan sa buong mundo at makamit ang seguridad sa pagkain. Inaasahan…
Read MoreQUEZON, CACAO CAPITAL SA CALABARZON
TARGET ni KA REX CAYANONG SA pagtitipon ng mga magsasaka ng kakaw sa Quezon, naipakita ang husay at kakayahan ng mga lokal na manggagawa sa agrikultura. Ang pagiging sentro ng produksyon ng mga produktong gawa sa cacao ay hindi lamang isang gantimpala para sa ating mga magsasaka kundi pati na rin para sa ating probinsya bilang isang buong. Ayon kay Gov. Helen Tan, ang pagpapalakas ng industriya ng cacao ay naglalayong magbigay ng dagdag na kabuhayan sa ating mga magsasaka. Sa kanilang patuloy na pagtitiyaga at sa suporta ng pamahalaang…
Read MoreMARAMING CONGRESSMAN GUSTONG MAGING SENADOR
DPA ni BERNARD TAGUINOD AMININ man o hindi, maraming congressman ang gustong maging senador pero hindi sila makaporma dahil ang labanan sa Senado ay dapat sikat ka dahil ang mga botante ay tumitingin sa mga sikat at hindi sa kakayahan ng kandidato. Sabi ng lolo ko kapag bumoboto sila noon, ang batayan nila ng pagpili ng kandidato ay dapat edukado, hindi pawardi-wardi lang dahil ang nakataya sa kanilang desisyon ay ang kapakanan nila at ng bayan. Sa paglipas ng panahon, nawala na ang batayan na ‘yan dahil ang pinipili at…
Read MorePBBM NABAHALA KAYA DUMALO SA PNP COMMAND CONFERENCE?
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI raw maituturing na loyalty check ang pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos sa PNP Command Conference kamakailan sa Camp Crame, Quezon City. Ganun? Sinabi ni Philippine National Police chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., hindi maituturing na loyalty check ang pagbisita ng kanilang Commander-In-Chief sa PNP National Headquarters noong nakaraang Huwebes. Ayon pa kanya, bumisita lang daw ang Pangulo para pangunahan ang kanilang regular Command Conference. Sinabi rin ni Acorda na walang dahilan para magsagawa ng loyalty checks sa hanay ng PNP dahil nananatili itong isang…
Read More