MAGSASAKA NALULUGI SA MALING KALKULASYON NG DA

EDITORIAL IKINATUWA ng grupo ng nagtatanim ng sibuyas ang ginawa ng Department of Agriculture na itigil ang importasyon ng sibuyas bago ang anihan sa Pebrero. Ngunit, may balitang sa kalsada na ibinebenta ng ilang magsasaka sa Nueva Ecija ang puting sibuyas. Ang mas lalong nakapanlulumo ay bagsak-presyo na ito. Kailangang magpalugi ng mga magsasaka sa pagdispatsa ng kanilang naani. Sobra ang supply, na pinalala pa ng maraming inangkat na sibuyas. Natutuwa ang mga mamimili dahil mura ngunit umiiyak ang mga magsasaka dahil lugi sila. Huli na ang aksyon ng DA…

Read More

PAMBU-BULLY NG CHINA HINDI NAGUSTUHAN NI REP. BARBERS

MY POINT OF BREW ni JERA SISON MERON ngang kasabihan na sa buhay ng tao, ang lahat ng bagay rito sa mundo ay may hangganan, at bawat hangganan ay may dahilan, nakatakda na kung kailan mangyayari, Diyos lamang ang nakakaalam. Marahil magtataka kayo sa bungad ng aking paksa. Hindi po relihiyon ang ating tatalakayin kundi ang sobrang pagmamalabis ng bansang China sa umano’y kapangyarihan niya sa ibang mga kapitbahay niyang bansa sa Asya. Hindi naman kaila sa lahat na ang China ay isa sa mga masasabi nating maimpluwensyang bansa sa…

Read More

‘DI NAKAGUGULAT

DPA ni BERNARD TAGUINOD PALAGAY ko, walang Pinoy na nagulat nang talunin ng Metro Manila ang 386 siyudad sa buong mundo sa pinakamalalang trapik dahil araw-araw nating nararanasan ang problemang ito na tila wala nang pag-asa. Pang 387 tayo eh. Maging ang transportation officials natin kasama na ang mga nakaraang appointees sa Department of Transportation (DOTr), ay hindi pumalag sa datos ng TomTom International BV. Nahihiya kaya sila? Sabagay karamihan naman sa mga opisyales natin ay kasing kapal na ng adobe ang mukha. Hindi na marunong mahiya pero ang masaklap,…

Read More

PEOPLE’S INITIATIVE TINUTULAN NINA EX-SPEAKER ALVAREZ, REP. DUTERTE

BALYADOR ni RONALD BULA MARIING tinutulan ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte First District Rep. Pantaleon Alvarez ang planong pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative. May hinala si Alvarez na ang nasa likod ng People’s Initiative ay mga politiko na nais umanong manatili sa kapangyarihan at kanya ring pinuna ang napaulat na may kapalit na bayad ang pagpirma rito. Si Alvarez ay kilalang tagasuporta ng pagbabago sa Saligang Batas at paglipat sa Federal Form of Government. Ipinaliwanag ni Alvarez na kaya siya nagbago…

Read More

BUTI PA SI BBM PABYAHE-BYAHE LANG, KANTYAW NG NETIZENS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG sumasakit na ulo mo paano pagkakasyahin ang kinikita ay baka altapresyon ang maramdaman mo dahil kailangan mo nang mag-adjust ng budget. Bakit kamo? Dahil sa napipintong dagdag-singil sa pamasahe, tubig, kuryente at produktong petrolyo na mas madalas magkasunod ang pagtaas kumpara sa pagbaba. Ang dagdag-kaba ay ang inaasahang taas-kontribusyon sa Pag-IBIG at PhilHealth. Ang kontribusyon sa Pag-IBiG ay magiging P200 kada buwan mula dating P100 simula Pebrero 2024. Magiging 5 porsyento mula dating 4 percent naman ang kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Pilay…

Read More

BALIKBAYAN BOXES NA INABANDONA NG ALLWIN CARGO, MAAARING MAHANAP SA BOC SATELLITE OFFICES

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAPAKARAMI pa ring balikbayan boxes ang nawawala at hindi pa rin natatanggap mula sa in-auction na containers ng Bureau of Customs, at napunta sa ABBC (Association of Bidders of the Bureau of Customs). Sa rami ng inabandonang containers ng Allwin Cargo, hinati ang delivery nito. Karamihan ay napunta at na-deliver ng Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP), at dito nga sa ABBC na grupo naman ni Robert Uy. Batay sa mga reklamong natanggap namin, marami sa mga bagahe ay nawawala. Nakipag-ugnayan kami sa tauhan ng…

Read More

ANG BRGY. TANOD CONVENTION AT ANG DIALYSIS CENTER SA QUEZON PROVINCE!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA Barangay Tanod Workers Convention 2024, naging tagumpay ang pagtitipon ng 2,689 na tanod mula sa Ikalawang Distrito ng Quezon. Ito ay isang makasaysayang okasyon kung saan ipinakita ng ating mga tanod ang kanilang dedikasyon sa pagbabantay at paglilingkod sa ating komunidad. Nagdulot ng kasiyahan at pag-asa ang pagbibigay ng bagong uniporme, emergency kits, at food packs para sa kanilang mga pangangailangan. Hindi rin tinalikuran ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pagtulong kaya’t taos-pusong nagpasalamat si Gov. Helen Tan sa kanyang patuloy na suporta. Ang…

Read More

DAPAT MAGKAISA TAYO LABAN SA POGO

DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG dami nang krimen ang kinasasangkutan ng mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO) na pinayagan ng nakaraang administrasyon na mag-operate sa bansa dahil sa paniniwalang makatutulong ang mga ito sa ekonomiya ng bansa. Kabilang sa kinasasangkutang mga krimen ng mga nagtatrabaho sa POGO ay prostitusyon, kidnap for ransom, murder, human trafficking, hindi pagbabayad ng tamang buwis at sa higit sa lahat, illegal gambling. Pawang Chinese nationals ang nagpapatakbo at nagtatrabaho sa mga POGOhan sa Pilipinas at kaya dinala nila dito ang online na sugal…

Read More

EDSA PWERA?

POINT OF BREW ni JERA SISON NOONG nakaraang araw, may nag-forward ng isang video sa akin kung saan tila isang ‘ad campaign’ upang palitan ang ating 1987 Philippine Constitution. Dito sa nasabing video, binatikos ang ating kasalukuyang saligang batas. Mas pinapaboran umano ang mga mayayaman kaysa mga mahihirap. Ang sektor ng agrikultura ay tila mas pinahirapan ang mga magsasaka at mas pinaboran ang mag-angkat ng produktong agrikultura sa ibang bansa na monopolyo raw umano ng mas pinapaboran na mga negosyante. Pati ang sistema ng edukasyon daw ay nanigas at bumaba…

Read More