EDITORIAL NAGBABALA ang Department of Science and Technology sa magiging epekto ng El Niño phenomenon sa bansa sa unang limang buwan ng 2024, at inaasahang titindi ito sa Abril. Maaaring maapektuhan nito ang 65 ng 81 lalawigan. Kapag lumala, makaaapekto ito sa suplay ng pagkain partikular sa umaasa sa tubig na bigas na pangunahing pagkain sa bansa. Isa rin sa mga problemang idudulot ng malalang tagtuyot ay ang suplay ng kuryente kaya nanawagan ang pamahalaan sa mga konsyumer na magtipid na sa paggamit ng kuryente. Ito raw ang ambag ng…
Read MoreCategory: OPINYON
DAPAT BA NATING KATAKUTAN ANG KONGRESO?
MY POINT OF BREW ni JERA SISON NASAKSIHAN ko ang ating Kongreso mula nang ito ay binago noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Tinawag ito noon bilang Batasan Pambansa at napalitan ng House of Representatives at Senate matapos mapatalsik ang rehimeng Marcos sanhi ng EDSA Revolution noong 1986. Nakita natin ang unti-unting pagbabago sa kultura ng ating mga mambabatas. Noon ay nakikita natin ang magagaling at matatalinong abogado at public servants na inihalal ng sambayanan upang makatulong sa paggawa ng mga batas na dapat na makatutulong sa ating bansa.…
Read MoreMAY SUMPA ANG BLUE RIBBON COMMITTEE?
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG mayroong pinag-aagawang komite sa Senado ito ay ang Blue Ribbon Committee dahil ito ang pinakamakapangyarihang komite bukod sa Senate Committee on Finance na katapat ng Committee on Appropriations sa Kamara. Tuwing may bagong liderato sa Senado, ang tinututukan talaga ng media ay kung sino ang magiging chairman ng Blue Ribbon dahil ito ang mag-iimbestiga sa lahat ng mga anomalya sa gobyerno. Pero parang may sumpa na ang komiteng ito dahil lahat ng umupong chairman mula kay dating Sen. TG Guingona, ay hindi na nare-elect o…
Read MoreKIDNEY PATIENTS SA QUEZON TINUTULUNGAN NI GOV. TAN!
TARGET ni KA REX CAYANONG Sa pamamagitan ng pagkilos ng Diabetes Philippines, Department of the Interior and Local Government (DILG), at Astrazeneca, ang ACTNOW for Chronic Kidney Disease program ay nagtataguyod ng masusing pagsusuri at pag-iwas sa sakit sa bato sa buong bansa. Sinasabing sa paglulunsad nito, ang Quezon ay isa sa mga mapapalad na probinsya na magtatampok ng Urine Albumin-Creatinine Ratio (UACR) Machine, isang makabagong aparato na magbibigay-daan sa masusing pagsusuri ng chronic kidney disease. Layunin ng programa na mabigyan ng libreng access ang bawat mamamayan sa Quezon upang…
Read More2 HOUSE BILLS NI ORIENTAL MINDORO CONG. PANALIGAN PUMASA SA 2ND READING SA KAMARA
BALYADOR ni RONALD BULA DALAWANG panukalang batas na inihain ng kinatawan ng Unang Distrito ng Oriental Mindoro, ang naipasa ng mga mambabatas sa ikalawang pagbasa sa huling araw ng sesyon ng Kapulungan noong Disyembre 12, 2023. Sa kanyang mga post sa kanyang official social media page, sinabi ni Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan, ang kanyang dalawang panukalang batas — ang isa ay naglalayong magtatag ng isang pambansang industriya ng depensa upang isulong ang isang self-reliant na postura ng depensa, at ang isa ay naglalayong i-upgrade ang ospital…
Read MoreQUEZON CITY PAYDAY FRESH MARKET 2024
BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO ANO-ANO ba ang mga produkto n’yo? Ito ba ay healthy or organic? Pwes, may chance na kayong manalo sa 2024 sa Quezon City Payday Fresh Market. Ang bi-weekly trade fair sa Quezon City ng Small Business Development Cooperatives Promotions Office ay naglalayong maghatid ng mas healthy at organic na pagkain, inumin at iba pang mga produkto. Ang mga mapipili na maging bahagi ng Quezon City Payday Fresh Market 2024 ay mabibigyan ng pagkakataon na maibida ang kanilang mga produkto sa Quezon City Hall. Paano sumali?…
Read MorePERFORMANCE NG PAGCOR, TAGUMPAY SA PAMAHALAAN
TARGET ni KA REX CAYANONG MINSAN pang binigyan ng pagkilala ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ito’y bunsod ng kahanga-hangang performance nito sa taunang Performance Evaluation System (PES) para sa 2022. Sa ilalim ng magiting na pamumuno ni Chairman at CEO Alejandro Tengco, nakamit ng PAGCOR ang isang kamangha-manghang markang 99.46%, isa sa pinakamataas na marka sa kasaysayan ng ahensya. Ang tagumpay na ito ay lalong kahanga-hanga dahil nangyari ito sa unang taon ng panunungkulan ni Chairman Tengco, na itinalaga ni Pangulong Ferdinand…
Read MoreWALA NANG BUDGET ANG BAKUNA LABAN SA COVID
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TUMATAAS ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ngunit wala palang inilaan na budget sa bakuna para sa susunod na taon. Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, 74 milyong Pilipino na ang bakunado sa COVID-19 primary doses at boosters, at nasa 5 million Filipinos infected sa pamamagitan ng natural immunity kaya mataas ang bilang ng mga immune na laban sa COVID-19. May pagbabago raw ang DOH sa paraan sa pagtrato sa sakit at ang solusyon dito ay bantayan at pangalagaan ang sarili. Magkakaiba ang kondisyon ng…
Read MoreWALANG TIWALA ANG SENADO SA KAMARA
DPA ni BERNARD TAGUINOD KAWALAN ng tiwala ng mga senador sa mga congressman ang pangunahing dahilan kung bakit tulad ng sayaw na Cha-Cha, urong-sulong ang pag-amyenda sa 1987 Constitution. Saka lang siguro magkakaroon ng bagong Saligang Batas kapag nagkaroon muli ng hindi madugong rebolusyon tulad ng 1986 EDSA Revolution na nagpatalsik sa pamilyang Marcos sa Malacañang. O kaya magkakaroon ng bagong Saligang Batas kung may isa pang “Marcos Sr.” na magdedeklara ng martial law at suspendihin ang 1987 Constitution at gumawa ng sariling bibliya ng mga Pilipino. Pero hangga’t walang…
Read More