TARGET ni KA REX CAYANONG BINIGYANG-DIIN ni Sen. Robinhood Padilla ang kahalagahan ng pagtutok sa pinagmulan ng pondo para sa sahod at benepisyo ng mga Barangay Health Workers (BHWs). Sa pagdinig ng Committee on Health and Demography, itinuturing ni Padilla ang mga BHW bilang “foot soldiers” na naglilingkod sa pangangailangan sa kalusugan ng mga tao sa grassroots level. Bagama’t may mga lokal na pamahalaang kayang maglaan ng pondo para sa kanilang health workers, may ibang Local Government Units (LGUs) na kailangang makipaglaban sa limitadong yaman na kanilang meron, aniya. Sa…
Read MoreCategory: OPINYON
MAGPIPISTA ANG IMPORTERS SA 2024
DPA ni BERNARD TAGUINOD MAGPIPISTA ang importers at maging ang smugglers sa susunod na taon kapag hindi nagbago ang panahon at makaranas ng matinding tagtuyot ang ating bansa dahil sa El Niño phenomenon. Sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang 2024 ang pinakamainit na taon sa Pilipinas kaya asahan na maapektuhan ang sektor ng agrikultura. Asahan na kokonti ang produksyon sa pagkain dahil palpak ang National Irrigation Administration (NIA). Kung sa panahon ng tag-ulan ay walang tubig ang karamihan sa mga irrigation, lalong walang dadaloy na…
Read MorePURO PASAKIT SA TAUMBAYAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NABAWASAN ang bilang ng walang trabaho sa bansa noong Oktubre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Pumalo kasi sa 4.2% ang unemployment rate, mas mababa sa 4.5% na naitala noong Oktubre 20, 2022. Pinakamababa ito mula noong Abril 2005. Magandang balita dahil nabawasan ang tambay sa bansa, ngunit hindi dapat maging kampante dahil malamang dumausdos muli ang bilang ng walang trabaho kapag tapos na ang holiday season. Pansamantala at hindi matatag ang numero. Ayon sa PSA, mga negosyong pang-holiday season ang nagdulot ng dagdag-trabaho sa retail,…
Read MoreQC GOV’T NAKAPAGTALA NG MATAAS NA COVID CASES
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKAPAGTALA ng mataas na kaso ng COVID-19 cases ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa nakaraang linggo kaya pinaalalahanan ang mga residente nito. Bunsod nito, naglabas ang QC government ng red alert status sa kanilang COVID-19 early warning system. Ang daily average cases para sa linggo mula December 4 – 7 ay 27 cases na 57.9% mas mataas sa nakaraang linggong average. Samantala, ang average positivity rate based on tests na isinagawa ay 14.55%. Karagdagan nito, ang average daily attack rate per 100,000 population…
Read MoreGOLD MINE FARM TO MARKET FRANCHISE
BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO MARAMING mga negosyante ang mapapalad sa iba’t ibang larangan ng negosyo depende sa kanilang diskarte. Kagaya ni Mr. Orlando Manuntag na may-ari ng Gold Mine Farm to Market franchise, na 25 years na sa larangan ng pagbibigas. Masasabi nating malayo na ang narating ng kumpanya. Alam kasi ni Mr. Manuntag na ito ang pangunahing pagkain sa bansa. Base sa natutunan niya sa kanyang pag-aaral, tumutulong din siya sa atin mga magsasaka. Alam kasi niya na ang mga ito ang pinanggagalingan ng production ng ating bigas.…
Read MorePHL DAPAT MAHINAHON SA ISYU NG PAGBOMBA NG TUBIG NG CHINA SA ATING BARKO
RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI ako sang-ayon sa ginagawang pambu-bully sa ating bansa ng China. Ito nga ay matapos na bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang tatlong (3) barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ng resupply mission patungo sa Ayungin Shoal. Marahil, hinihintay lang China na pumalag ang Pilipinas sa mga ginagawa nito upang makapagdeklara sila ng giyera sa ating bansa. Alam naman natin na hindi natin kayang makipagsabayan sa China. Sa mga barko palang nila na naglalakihan at sa makabago nilang mga…
Read MoreQUEZON AT SOUTHERN LEYTE KINILALA SA GAWAD KALASAG
TARGET ni KA REX CAYANONG HINIKAYAT ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang publiko na patuloy na makipagtulungan para sa kaunlaran at kapayapaan. Ang probinsya ng Quezon ay ginawaran ng Gawad Kalasag Seal of Excellence at itinanghal na “Beyond Compliant Province” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa taong 2023. Ayon kay Gov. Helen Tan, ang parangal na ito ay nagpapahiwatig na labis silang sumunod sa mga pamantayan para sa pagtataguyod at pagganap ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMCOs). “Isang pagbati sa QPDRRMO, na…
Read MoreCONFLICT OF INTEREST NG DENR CHIEF
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATAPOS isabatas ang Comprehensive Agrarian Reform Law may tatlo’t kalahating dekada ang nakalipas, nananatiling nganga ang hanay ng mga magsasaka sa lalawigan ng Palawan hinggil sa usapin ng repormang agraryo. Kasi naman, hindi pa rin ipinamahagi ng gobyerno ang malawak na lupain ng pamilya ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga. Buwan ng Pebrero taong 2019 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 75 na inakalang magbibigay-daan sa ganap na pamamahagi ng lupang sakahan na pag-aari ng pamahalaan. Ang totoo, malaking bentahe sa isinusulong…
Read MoreNAKAGAGALIT
DPA ni BERNARD TAGUINOD NAKAGAGALIT ang panggagago ng China sa atin sa West Philippine Sea (WPS) pero mas nakagagalit na may mga dati at kasalukuyan tayong mga lider ang nakabibingi ang katahimikan. Nagmumukha tayong mga busabos sa sarili nating teritoryo kapag binubugahan ng tubig ng Chinese Coast Guard ang mga barko na nagdadala ng supply sa ating mga puwersa na naka-deploy sa BRP Sierra Madre at nagdedepensa sa Ayungin Shoal. Kahit ang humanitarian mission na lumayag sa sarili nating teritoryo para bigyan ng pamasko ang mga mangingisdang Pinoy sa Bajo…
Read More