DPA ni BERNARD TAGUINOD ISA ako sa mga sumusubaybay sa mga kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng mundo at medyo kinakabahan ako dahil mukhang may mga grupong gusto talagang magkagulo at naghahanda na sa World War III. Maraming nababahala na ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas na umano’y mga terrorist group ay posibleng tumagal at kumalat sa Gitnang Silangan dahil muli na namang nagkakaisa ang Arab leaders laban sa Israelis. Mukhang nauulit ang kasaysayan ng World War II na ang tinarget ng berdugo ng kasaysayan ng mundo na…
Read MoreCategory: OPINYON
P750 TAAS SWELDO SA MGA MANGGAGAWA IGINIIT
KAALAMAN ni MIKE ROSARIO DAHIL sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, iginiit ng mga manggagawang Pilipino na panahon na para itaas ang kanilang sweldo. Ayon sa kanila, mula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., 28% ng sahod ng mga manggagawa sa buong bansa ang nalusaw dahil hindi nito mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, kailangang igiit na ng mga manggagawang Pilipino na ipasa ang panukalang batas para sa P750 across the board wage increase sa…
Read MoreRADIO ANCHORMAN BINARIL HABANG NAKA-LIVE BROADCAST
PUNA ni JOEL O. AMONGO ISA na namang broadcaster ang walang-awang pinagbabaril sa kanyang mukha habang naka-live sa kanyang studio sa kanilang bahay sa Calamba, Misamis Occidental noong Linggo ng umaga, Nobyembre 5, 2023. Ang radio announcer ay kinilalang si Juan Jumalon, o mas kilala bilang si “DJ Johnny Walker”, na binaril ng isa sa dalawang lalaking pumasok sa kanyang home-based studio. Ayon sa pahayag ng local media sa nasabing lalawigan, nagpaalam umano ang mga suspek na pumasok sa both studio ni Jumalon dahil mayroon silang ihahayag on air. Si…
Read MorePAGIGING MABUTI AT MAUNAWAIN SA KAPWA
THINKING ALOUD ni CALIRE FELICIANO KILALA ang mga Pilipino bilang magiliw, masayahin, at mga taong kayang humanap ng positibo sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Kahit may unos o may problema, nagagawa pa rin nating ngumiti at makisama nang maayos sa ating kapwa. Sa social media, talamak din ang mga larawan at mga istorya kung saan ipinamamalas ng mga Pilipino ang tinatawag na optimism at katatagan o resilience. Kung minsan nga, nasasabihan na rin tayo na mayroon tayong toxic positivity – o ‘yun bang mga positibong emosyon lamang ang…
Read MoreFISHING TYCOON KAPALIT NI BBM SA DA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO UNANG misyon ni Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong hepe ng Department of Agriculture (DA) ay makontrol ang tumataas na presyong pang-agrikultura. Ayan, mahirap na utos mula sa pangulo at dating DA chief na dapat ay maisakatuparan ng bagong hepe. Ang hindi kinaya sa loob ng mahigit isang taong pagrenda sa DA ay ipinasa sa isang tao na ang bitbit lang daw na katangian ay naging campaign donor ni BBM noong eleksyon. Ang daming tagubilin na parang ipinangangalandakan na da best si Laurel para sa posisyon.…
Read MoreCONG. AMBEN NG LAGUNA AT DOK G NG Q.C. NAMAHAGI NG AYUDA
TARGET ni KA REX CAYANONG PINANGUNAHAN ni Laguna 3rd District Rep. Loreto “Amben” Amante ang payout para sa programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ng Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan. Ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap ng ating mga kababayan, lalo na noon sa gitna ng pandemya, ay hindi nakaligtaan ni Congressman Amben, at ito’y isang taimtim na paalala ng kanyang dedikasyon sa pag-aalaga ng kanyang mga nasasakupan. Sa ginanap na seremonya sa San Pablo City Central School Gymnasium, ipinakita ni Congressman Amben ang kanyang pagmamahal…
Read More‘NO WINDOW POLICY’ NG MMDA MALAPIT NANG IPATUPAD
MY POINT OF BREW ni JERA SISON TANGGAPIN na natin. Huwag na tayo magreklamo. Maski papaano ay may kontribusyon din tayo sa lumalalang trapiko sa lansangan. Ihinto na natin ang ugaling paninisi sa mga opisyal ng gobyerno sa problema sa trapiko, ngunit kung kailangan nating magsakripisyo ng kaunti upang makatulong sa paglutas o pagluwag ng daloy ng trapiko, aba’y malakas tayo umangal. Tulad na lang ng ginawang kampanya ng MMDA tungkol sa mga ilegal na nakaparada sa lansangan na nagdudulot ng pagsikip ng kalye. Aba’y galit na galit ang mga…
Read MoreMGA MALL SA BANSA NA WALANG RAMP PARA SA PWD, DAPAT KASUHAN!
RAPIDO ni PATRICK TULFO KAMAKAILAN lang ay pumasyal ang aking pamilya sa isang mall sa Makati City kung saan nakaranas ang aking pamilya ng ‘di maganda. Dahil ginagawa noong mga linggo na iyon ang mga parking ng Greenbelt Makati, napilitan kaming pumunta at mag-park sa Greenbelt 1 dahil punuan na ang ibang parking. Ito ang pinakalumang mall ng Ayala Corporation. Dala ang aming anak na PWD (person with disability), sinabihan kami ng guard na buhatin na lang ang aming anak na nasa wheelchair pababa ng matarik nilang hagdanan mula sa…
Read MoreLANDSLIDE VICTIMS BINISITA NI GOV. HELEN TAN
TARGET ni KA REX CAYANONG PERSONAL na pinuntahan ni Gov. Helen Tan ang pamilya ng mga nasawi sa landslide sa Sitio Angelo, Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon kamakailan. Iyon ay isang paglalakbay na kailangang tiisin ng dalawa hanggang tatlong araw, at sa ilang bahagi, kasama ang isang kabayong umakyat sa matarik na mga bundok. Sa kanyang pagbisita, nagdala ang gobernadora ng mga tulong mula sa kanyang puso, hindi lamang para sa mga pamilya ng mga nasawi sa landslide, kundi pati na rin para sa buong komunidad. Ang pagbisita niya sa…
Read More