SANA TAMA ANG PINILI

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAKAPAMILI na tayo ng mamumuno sa atin sa ating barangay sa loob ng 25 buwan at sana hindi tayo nagkamali sa ating pinili dahil mahalaga ang papel ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials kahit ano pang sabihin natin, kung gagampanan lang nila ang kanilang trabaho nang maayos. Marami kasi sa barangay at SK officials ang walang silbi sa nakaraang limang taon lalo na noong panahon ng pandemya at kapag may ayudang dumarating sa kanilang barangay at inuuna ang kanilang sarili, ang kanilang mga kaanak at…

Read More

PAG-ATAKE BA ITO SA MALAYANG PAMAMAHAYAG?

PUNA ni JOEL O. AMONGO ISA na naman ba itong pag-atake sa malayang pamamahayag na nangyari sa inyong lingkod na pinigil ako ng mga pulis ng QCPD Station 16 sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City? Kamakalawa ng gabi, bisperas ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), Oktubre 29, 2023, may nagtimbre sa akin na may hinihinalang vote buying sa isang eskuwelahan sa Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Dahil dito, nagtungo ang inyong lingkod sa area kasama ng isa pang lalaki na hindi ko kilala at pinakiusapan ko lang na ituro…

Read More

BSK ELECTIONS LABANAN NG MAGKAKAPITBAHAY

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO BAKIT nga ba ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSK) ngayon ay sobrang mainit? Dahil ba sa may pera na sa barangay ngayon o nagagamit sila ng mga politiko? Nakapagtataka kasi na sa kabila na magkakapitbahay lang ang naglalabanan, kung minsan ay humahantong pa sa patayan. Noong araw ay hindi naman ganito, ngayon ay sobrang mainit na ang labanan ng mga kandidato sa mga barangay. Noong araw rin kasi ay wala pang sweldo ang mga barangay captain at iba pang mga opisyal kaya walang away sa…

Read More

MAGKANO ANG TARA NI TAMBALOSLOS SA BI?

BISTADOR ni RUDY SIM HINDI pa tumitilaok ang manok sa umaga ay nasa kanyang tanggapan na ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na laging mas nauuna pa sa kanyang mga tauhan.   Ganito kung hangaan ng mga empleyado ng ahensya ang opisyal na ito na itatago na lamang natin sa pangalang “SILIDONYO KATINDIG” na halos mabutas na ang kanyang upuan sa kanyang kasipagan sa pagpirma ng libo-libong papeles kada araw.   Marami ang nagtatanong, bakit daw Silidonyo Katindig ang alias ng opisyal na ito? Bakit nga ba? Pero kung gaano kaaga…

Read More

PILIIN ANG MGA TUNAY NA LINGKOD-BAYAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO UMAAPAW sa dami ang kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan (BSKE) elections. Gusto ba nila magserbisyo o nais magkaroon ng pribilehiyo? Wala namang buwanang sahod ang mga opisyal ng barangay. Honorarium ang tawag sa natatanggap nila. Magkakaiba ang honorarium ng mga opisyal, at depende ito sa IRA o pinansyal na katayuan ng barangay. Mas malaki siyempre ang honoraria ng mga nasa malalaking siyudad. Nasa 55% ng kabuuang budget ng barangay ay napupunta sa personal services kabilang ang honoraria at Christmas bonus. Sakop din sila ng…

Read More

PAGKAKATAONG PUMILI NG NARARAPAT NA LIDER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PAGKATAPOS ng ilang beses na pagpapaliban, sa wakas tuloy na ngayong araw ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections! Hindi malinaw sa marami kung ano ba ang tunay na naging dahilan sa sunud-sunod na pagkaantala nito noong mga nakaraang taon. Ilan sa mga mambabatas ang nagsasabi na dapat gamitin na lang sa ibang bagay ang budget para dito at ang ilan naman, para raw mas mapakinabangan pa ang ipinatutupad na mga programang pang-komunidad ng nakaupong mga lider. Pero mismong ang Commission on Elections (Comelec) na…

Read More

KONSULTA SANDBOX SA QUEZON PROVINCE

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG ABA, may magandang balita para sa mga taga-Quezon. Naglaan kasi ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng P72.9 milyon para sa Quezon Primary Care Provider Network’s (QCPCPN) Konsulta Sandbox. Ito’y makaraang ilunsad ang sandbox dahilan upang maungusan na ng Lalawigan ng Quezon ang iba pang sandbox sites o pilot areas tulad ng Bataan, Guimaras, South Cotabato, at Baguio City. Ang pondo para rito ang magbibigay sa lalawigan ng kakayahang pagkalooban ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan at serbisyong pangkalusugan ang mga residente rito. Sinasabing bilang…

Read More

BARAHA NG ISRAEL SA HIDWAAN SA HAMAS, KARTADA 18: HUWAG NA SANA HUMIRIT PA

MY POINT OF BREW ni JERA SISON KUNG baga sa larong Blakdyak, maganda na ang baraha ng Israel. Nauunawaan ng karamihan sa mundo na sila ang unang sinugod ng teroristang Hamas mula sa okupadong teritoryo ng Israel sa Gaza Strip. Malinaw na karapatan nilang gumanti sa ginawa ng Hamas na paglusob sa bansang Israel at walang-awang pagpaslang, panggagahasa at pag dukot ng mahigit isang libong inosenteng sibilyan na taga-Israel. Nakaukit na sa polisiya ng Israel na hindi sila magpapakita ng kahinaan sa nakapaligid na mga bansa sa kanila na mga…

Read More

PRESSCON NAGMISTULANG POLITICAL STAGE SA QC

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA pulong-balitaan bumida ang mga inakusahan ng panghahalay. Inuna munang ikuwento ang kanilang panig. Mas mabigat ba ang mga pagbibida sa presscon kaya wala na munang paki sa counter affidavit? Pabibo ang mga inaakusahan sa kanilang litanya, na ginawa nilang depensa. Ipinakita pa ang mga larawan ng venue ng youth activity sa San Jose del Monte, Bulacan kaya mistulang nagkaroon pa ng libreng publicity ang resort. Nagmistula ngang ‘political stage’ ang presscon ng mga inaakusahang sina Eugene Pico at Ezrael Aguirre na kapwa kandidato bilang SK…

Read More