NASA BICAM ANG HULING BARAHA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO BOKYA na sa secret funds ang limang ahensya ng pamahalaan, base sa desisyon ng small committee ng House of Representatives. Ang Office of the Vice President, Department of Education, Department of Agriculture, Department of Information and Communications Technology, at Department of Foreign Affairs ay hindi na bibigyan ng confidential funds sa ilalim ng 2024 budget. Sa halip, ilalaan ang pondo sa mga ahensyang nagtatanggol sa West PH Sea. May kabuuang P1.23 billion na confidential funds ang ni-realign mula sa Office of the Vice President: P500 million,…

Read More

BAKIT MAS MARAMING NAMAMATAY SA BARANGAY ELECTION?

DPA ni BERNARD TAGUINOD NITONG nakaraang mga araw, marami tayong nabasang mga ulat hinggil sa paglikida sa ilang Barangay at Sangguniang kabataan (SK) election candidates kaya parang mas madugo ang halalang ito kaysa regular election ng local at national candidates. Noong Agosto 29, isang araw pagkatapos buksan ng Commission on Election (Comelec) ang registration para sa mga gustong kumandidato sa barangay at SK election, ay dalawa agad ang pinatay. Kinabibilangan ‘yan ng mga kandidato sa pagka-chairman sa Midsayap, South Cotabato, at Libon sa Albay at sinundan pa ‘yan ng ilang…

Read More

LAGAYAN SA LTFRB SUMINGAW

PUNA ni JOEL O. AMONGO INIHAHANDA ngayon ang mga dokumento ng Manibela Transport Group upang sampahan ng kasong katiwalian ang ilang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ibulgar ni Jeff Gallos Tumbado ang lagayan sa nasabing ahensya. Ayon kay Mar Balbuena, sinabi raw umano ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III kay Tumbado na dating information team head ng tanggapan, na humihingi ang ahensya ng P5 million para sa pagproseso ng franchise, special permit, o modification of route. Ang halagang limang milyong piso na ito ay…

Read More

LOLA OTE’s BEST BARBECUE SA QC

BIZZNES CORNER ni JOY ROSAROSO HANAP ba ninyo ay foodtrip, magandang ambiance at affordable? Dito na tayo sa Lola Ote. Dito makikita ang barbecue na may habang 18 inches na nakatuhog sa metal para tumagal ang init nito. Ayon kay Ms Hazel Lim, minana pa ng mommy Rose niya ang sikretong timpla ng kanilang barbecue sa mga ninuno nila kaya naman dinadayo ang Lola Ote. Dagdag pa na tenderloin na karne ang gamit nila at kakaibang style ang pag-serve dahil nakatuhog sa metal at nakasabit patuwad sa lalagyan din na…

Read More

TAPAT AT MABUTING PAMAMAHALA SA ILALIM NI QUEZON GOV. HELEN TAN

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) HINDI maitatanggi na tuloy-tuloy ang pagsulong ng HEALING Agenda ni Governor Dra. Helen Tan. Sa mga hindi pa nakakaalam, ang HEALING ay may kahulugang Health, Livelihood, Education, Agriculture, Infrastructure, Nature & Environment/ Tourism at Good Governance. Super sipag nitong si Gov. Tan. Ginagawa ang lahat para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan. Alam ni Gov. Tan na salamin ng isang tapat at mabuting pamamahala ang Seal of Good Local Governance (SGLG). Kaya target nila itong matanggap para sa taong 2024. “Sa kasalukuyan,…

Read More

‘IMAGINE’ NI JOHN LENNON LALONG IMPOSIBLE SA PANAHON NGAYON

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISA sa pinakasikat na mga kanta ni John Lennon ang “Imagine” kung saan iniisip niyang ano kaya ang mangyayari kung ang lahat ng mga tao sa mundo ay nagkakaisa, namumuhay nang payapa, walang ganid, walang relihiyon, walang nagugutom at walang namamatay at napapatay dahil sa isang bagay.  Pero sa sitwasyon ng mundo ngayon, hanggang sa imahinasyon na lang ang pangarap ng kantang ito dahil ang gulo ngayon sa mundo, laganap ang gutom, napakaraming ganid sa kapangyarihan at kayamanan.  Hindi pa tapos ang giyerang inilunsad ni Russian President Vladimir…

Read More

KAHIRAPAN SA PINAS TITINDI PA DAHIL SA GULO SA ISRAEL

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO ASAHAN na natin na lalo pang titindi ang kahirapan sa Pilipinas makaraang sumiklab ang kaguluhan sa Israel noong nakaraang Sabado. Noong Sabado ay pilit na pinasok ng grupong Hamas ang dalawang bayan sa Israel sa pamamagitan ng pag-bulldozer sa bakod sa boundary. Nang mapasok ng Hamas ang mga lugar na nasa ilalim ng gobyerno ng Israel, ay naghasik ng lagim ang mga ito sa komunidad. Nasa 250 katao ang namatay at mahigit sa isang libo ang nasugatan sa panig ng Israel sa pangyayari na ‘yun, kasama…

Read More

Filipino workers nabihag ng grupong Hamas?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAPUNA natin sa lumabas na balita na kasama raw sa binihag ng grupong Hamas na pumasok sa dalawang bayan na sakop ng Israel noong Sabado ng umaga, ang mga manggagawa mula sa Thailand at Pilipinas. Ayon sa ulat na lumabas sa Israeli TV, kasama sa binihag ng grupong Hamas ay mga indibidwal na mula sa Thailand at Pilipinas. Nauna rito, noong Sabado ng umaga ay sinira ng grupong Hamas sa pamamagitan ng bulldozer, ang bakod ng boundary ng Israel at Gaza, pinasok nila ito at…

Read More

SINO ANG VIP SA COMMONWEALTH?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUMIKHA ng dambuhalang trapiko sa internet at social media ang confidential, este kontrobersyal na pagpapahinto sa trapiko sa isa sa mga pangunahin, malawak at laging abala at okupadong lansangan. Humantong pa sa balak ng pulisya na kasuhan ang sinasabing uploader ng video ng nangyaring traffic sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, dahil sa umano’y convoy ni Vice President Sara Duterte. Agad namang itinanggi ng kampo ng bise presidente na siya ang VIP na nakapamerwisyo. Pinangalanan na ang nag-upload na pinagdiinan pang kritiko ni Duterte. Cybercrime daw…

Read More