DPA ni BERNARD TAGUINOD WASAK na ang unity na ibinandera ng Marcos-Duterte tandem noong nakaraang eleksyon pero hindi pa rin lumalakas ang oposisyon na pinangungunahan ng Liberal Party (LP), hindi lamang sa Kamara kundi maging sa local government. Hindi ito nakapagtataka dahil imbes na magkaisa ang LP lalo na sa Kongreso dahil kokonti na lamang sila, ay watak-watak na sila at kanya-kanyang lakad kaya kung baga wala silang tatag na sinasamantala naman ng mga nasa kapangyarihan. Noong nakaraang eleksyon, 10 ang ipinanalo ng LP sa Kongreso, 6 na vice governor…
Read MoreCategory: OPINYON
HINAING NG TRANSPORT GROUP, HUWAG BALEWALAIN
KAALAMAN ni MIKE ROSARIO MAY punto ang transport group sa kanilang hinaing kaya sila nagsagawa ng protesta kahapon na nakaapekto sa mga pasahero. Gusto ng grupong ito na igiit sa gobyerno na huwag i-phase-out ang traditional jeepney na pinagkakakitaan ng ordinaryong libu-libong Pinoy. Aalisin ang traditional jeepney tapos papalitan ng tinatawag nilang modern jeepney na ang makikinabang ay ang mga multi-national company. Imbes na makatulong sa mga ordinaryong driver/operator ang modern jeepney ay magiging problema pa ito dahil sobrang mahal ng presyo nito. Kung hindi tayo nagkakamali, nasa P1.5-M hanggang…
Read MoreDISQUALIFICATION CASE VS BRGY. CHAIRMAN ET AL ISINAMPA SA COMELEC
PUNA ni JOEL O. AMONGO DISQUALIFICATION case ang isinampa sa Commission on Elections (Comelec) laban kina Alfredo ‘Freddy’ Roxas na tumatakbo bilang barangay captain; Kris Roxas-Aliento, Pedro Mahusay, Arnel Gabito, Butch Rosales, Perla Adea, Alex Rivera at Sofronio Grimaldo na pawang kandidato naman bilang kagawad sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Batay sa salaysay nina Rey Miranda, Marvin Miranda at Ronald Go, ang reklamo ay dahil sa maagang pangangampanya ng nabanggit na mga personalidad. Nagkaroon umano ng pagtitipon ang SAPIKA Homeowners Association noong September 9, 2023 at nakita sa pagtitipon…
Read MoreKASIRAAN O KARANGALAN BA ANG PAGKAKASABAT SA ILEGAL NA DROGA SA SUBIC?
ITO ANG TOTOO ni Vic V. VIZCOCHO, Jr. NATURAL lang na magalit ang mga negosyante ng Subic Bay Freeport Zone sa mga tangka at paggamit sa Subic bilang pasukan ng ilegal na droga, partikular ng shabu. Ito Ang Totoo: Halagang P3.8B na naka-pakete sa 530 na tig-isang kilo ng shabu, ang nasabat sa Subic Freeport nitong nakaraang buwan mula sa bansang Thailand, na hindi naman una dahil sa nakaraan ay may mga tulad ng insidente na katunayan, may mas malaking katumbas na halaga pa nga. Deklarado bilang “animal feeds” o…
Read MoreGALIT NA SI DIGONG!
CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUMUTANG na si Digong. Palubog na kasi nang palubog si Inday kaya kailangang isalba. Hinila pababa si Inday ng confidential funds na siya naman ang nagpalawig at nagpalawak ng isyu. Ayaw sagutin ang pinupukol na mga tanong. Akala niya, siya ang naaapi. Pero pwede munang magpiging kahit saglit lang ang mga kumontra sa CF ni VP Sara. Ang siste, nakatulong lang ang pag-iingay ng mga tao kaya binaklas ang CF niya sa OVP at edukasyon. Baka mas lamang na dahilan ang pagiging Speaker ni Martin Romualdez.…
Read MorePAGSUBOK SA PUV MODERNIZATION PROGRAM
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAPAKARAMING pagsubok na kinahaharap ang sektor ng transportasyon sa Pilipinas, at hindi nakatutulong na tila ba wala ring malinaw na solusyon na makakaresolba sa hinaing ng iba’t ibang mga stakeholder – partikular na ang mga operator at driver ng public utility vehicles (PUVs) at siyempre, tayong mga commuter. Nakalulungkot na ngang isipin ang kasalukuyang estado ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa, at mas nakapanlulumo pa na para bang wala namang katapusan ang mga problemang pinagdadaanan nito. Nakakasa pa ngang ilunsad ngayong araw…
Read MoreSERBISYONG TATAK OLIVAREZ
DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) TOTOO ang sinasabi ng ating mga kababayan sa Parañaque City na super sipag ng mga Olivarez. Ang dedikasyon ni Congressman “Kuya Edwin” Olivarez at ng kanyang tanggapan para sa edukasyon at pagsulong ng mga kabataan ay hindi matatawaran. Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras, pondo, at suporta sa mga programa tulad ng Cookery NC II, nagiging instrumento sila sa pag-angat ng buhay ng maraming kabataan. Ang mga iskolar na natapos ang Cookery NC II ay hindi lamang nabigyan ng sapat na…
Read MoreINVESTMENT SCAMS, DUMARAMI!
RAPIDO ni PATRICK TULFO KALIWA’t kanan ngayon ang mga reklamo sa naglipanang investment scams. Isa sa pinakamainit na mga pinag-uusapan ngayon ay ang umano’y panghihikayat na mag-invest ng kilalang toy collector na si Yexel Sebastian. Hinikayat umano ni Sebastian ang followers nito sa social media, na karamihan ay OFWs, na mag-invest sa casino junket ng kaibigan n’yang kinilalang si Hector Pantollana. Sa pangakong palalakihin ang kanilang pera makalipas ang isang taon, umabot sa P200M ang perang ibinigay kay Sebastian. Sa kontratang ipinadadala nito sa investors ay lumalabas na ipinautang lamang…
Read MoreTUNAY NA SERBISYONG HATID NI MAYOR JUN YNARES
DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) MAKARAAN ang matagal na panahong pansamantalang pananatili sa modular tents, masasabing nakararamdam na ng liwanag ng pag-asa ang 22 pamilyang biktima ng nakaraang landslide sa Brgy. Sta. Cruz sa Antipolo City. Sa wakas kasi, mayroon na silang ligtas at permanenteng relokasyon sa Vista Grande kung saan magiging kanila na ang lote nang libre. Ang pagmamay-ari ng lupa ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag at maayos na buhay para sa mga pamilyang ito. Siniguro rin ang kanilang pagkakabitan ng electrical at…
Read More