MGA TAKSIL ANG TOTOONG KALABAN NG BAYAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD “A nation can survive its fools, and even the ambitious. But it cannot survive treason within.” Napapanahon ang quote na ito mula kay dating Ombudsman Conchita Carpio Morales hinggil sa kinahaharap nating problema sa West Philippine Sea (WPS) na inaagaw sa atin ni Xi Jinping ng China. Napakaraming taksil sa ating bansa, kahit noong panahon ng Kastila hanggang sa panahon ng Philippine-American war, dahil maraming Pilipino sa mga panahong ito ang iniisip lang ang sarili at hindi ang bayan. Kaya nga nagbitiw ng salita noon si General Antonio Luna…

Read More

NTF-ELCAC NAPAHIYA SA PRESSCON?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NANINIWALA ang PUNA na malaking tulong ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para malusaw ang mga komunista/terorista sa bayan ni Juan dela Cruz. Pero, hinay-hinay lang, mga kapatid nang hindi kayo napapaso. Ang binabanggit natin ay ang nangyaring press conference na ginawa ng gobyerno kamakalawa. Nagulat ang mga awtoridad nang biglang bumaligtad ang dalawang environmental activist na sinasabing sumuko, nang biglang inihayag na sila ay dinukot ng militar at napuwersa silang pumirma sa affidavits. Mismong mga tauhan ng gobyerno ang…

Read More

HOA NG ISANG SUBDIVISION, PINAG-IINITAN NGA BA ANG ISANG PAMILYA?

RAPIDO NI PATRICK TULFO LUMAPIT sa Rapido Ni Patrick Tulfo ang magkapatid na sina Alan at Alvin Catindoy na pawang mga residente ng Ayala Homes Subdivision sa Mandaluyong City. Ayon sa magkapatid, tila pinag-iinitan sila ng Ayala Homes Mandaluyong Homeowners Association. Isa sa mga ginawa umano ng HOA ay ang pagputol ng kanilang puno ng saging na sinasabing utos daw ng environment section ng Mandaluyong City. OK naman sana sa pamilya Catindoy ang pagputol ng kanilang puno ng saging kung maging ang ibang mga puno at halaman ng ibang residente…

Read More

DROGA, ARMAS MALUWAG NA NAKAPAPASOK SA NBP – BANTAG

COACH OLI News PH MARAMING pasabog na pinakawalan si dating Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag nang eksklusibo namin itong makapanayam sa aming “Banateros Brothers” Youtube at Facebook live. Unang pinakawalan ni Bantag ang banat kay BuCor Director General Usec. Gregorio Catapang Jr. hinggil sa maluwag umanong pagpasok ngayon ng ilegal na droga at mahahabang baril sa New Bilibid Prison. Nangyayari aniya ito dahil mistulang kinukunsinti ni Catapang. Naiinis ding sinabi ni Bantag na parang bata si Catapang sa mga naging sagot nito sa isinagawang pagdinig ng Senado at…

Read More

FRANCHISE NG POWER FIRMS AT 2023 PROPOSED BUDGET

Di Ko Gets! ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) MAY mga lugar pa rin daw pala sa bansa na madalas nakararanas ng brownout. Mukhang may problema nga ang mga ito. Kaya naman, panahon na raw para repasuhin ng Kongreso ang prangkisa na iginawad sa mga power company, kasama ang electric cooperatives. Ayon kay House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, bunsod ng palagiang brownout sa buong bansa, dapat nang rebyuhin ng Kamara at Senado ang lahat ng prangkisa ng mga nagsusuplay ng kuryente. Malabo raw na nagkataon…

Read More

ASA PA KAYO SA ACCOUNTABILITY NG PUBLIC OFFICIALS

DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI ako umaasa na magkakaroon ng accountability ang public officials sa maling paggasta sa pera ng bayan na mula sa buwis na binabayaran ng sambayanang Filipino para patuloy na gumana ang gobyerno. Tuwing may natutuklasang kontrobersya sa illegal na paggamit ng pera ng bayan tulad ng kinahaharap ngayon ni Vice President Sara Duterte hinggil sa P125 million confidential funds na ibinigay sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ginastos sa loob ng 19 araw lang, ang laging panawagan ng iilan, uulitin ko, iilan, ay…

Read More

PNP NALUSUTAN NA NAMAN NG RIDING IN TANDEM?

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang babaeng lawyer matapos siyang pagbabarilin ng riding in tandem sa Bangued, Abra kamakailan. Si Atty. Maria Sanita Liwliwa Gonzales-Alzate ay pinagbabaril ng riding in tandem habang nasa loob ng kanyang puting Mitsubishi Mirage G4 na kotse na nakahinto sa harapan ng kanilang bahay sa nasabing lalawigan. Matapos ang pamamaril ay agad na dinala sa pagamutan si Atty. Gonzales-Alzate subalit nalagutan ito ng hininga. Dahil sa pangyayaring ito ay bumuo ng isang special investigating task group ang PNP-Abra Provincial…

Read More

WIN-WIN SOLUTION SA TAAS PRESYO NG MGA BILIHIN UMUBRA KAYA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO INIHAYAG ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez na susubukan niyang humanap ng “win-win solution” para sa mga tao at sa oil industry upang pansamantalang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Ito ang binanggit ni Romualdez sa pakikipag-usap niya sa oil players kasama ang House Committee on Energy sa Batasang Pambansa Complex kahapon, Lunes. Ayon sa kanya, hirap na ang lahat dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin dulot ng mga oil price hike pero dikta kasi rin ‘yan…

Read More

KONKRETONG HAKBANG PARA ISULONG ANG NUCLEAR ENERGY SA BANSA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MATAGAL nang problema ang mataas na presyo at kakulangan ng suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa katunayan, maraming residente sa mga probinsya ang umaaray sa laki ng bayarin at madalas na insidente ng mga brownout. Kaya nga may mga nagsusulong na magkaroon pa tayo ng mas maraming suplay mula sa iba’t ibang mga energy source kagaya ng renewables. Pero ang isa sa talagang napakamatunog ngayon ay ang usapin sa nuclear energy. May binubuo nang nuclear energy programme ang pamahalaan na naglalayong…

Read More