Bizzness Corner ni JOY ROSAROSO
TALAGANG nauuso ang tinatawag na ‘staycation’ sa mga madidiskarteng gustong magnegosyo katulad ni Mang Armando Muñoz na dating caretaker sa loob ng 70 taon, sa napakalaking lupain sa Tiaong, Quezon.
Pero dumating na sa punto na gusto na ng may-ari na ibenta ang lupain at isa si Mang Armando sa priority niyang makabili dahil alam ng may- ari na hindi mapababayaan ang lupang may halaga sa kanilang pamilya, dahil mula’t sapul itinuring ng sariling pag-aari ito ni Mang Armando.
Ngayon nga ay nabili na ni Mang Armando ang lupain sa tulong ng kanyang mga anak at pinangalanan nila ito na Casa Muñoz Resort na may dalawang malalaking swimming pool, isang pang-bata at isang pang-matanda.
Napakaganda ng ambiance, ang linis ng paligid, may mga halaman, mga batong nakaayos at may bahay-kubo na cottage na malalaki na pare-pareho ang design.
Sakto sa isang pamilya ang bawat cottage nila at pwedeng magdala ng sariling tent at food, at ang style ng Casa Muñoz Resort ay kinuha pa sa ibang bansa.
Kabilang sa mga kilalang personalidad na nakapunta sa resort na ito sina Ex-President Cory Aquino, ang singer na si Marco Sison at maging ang mga foreigner ay dinarayo rin ito.
Hanapin ang website page nila nang makita ninyo ang itsura ng Casa Muñoz Resort upang mabatid kung gaano ito kaganda.
Ngayon ay pag-aari na ito ni Mang Armando na dating magsasaka at dairy farmer at siya rin ang patuloy na nangangalaga.
Hindi masamang mangarap, samahan lang ng pagkilos at tiyaga, sabi ni Mang Armando.
Ang Casa Muñoz Resort ay nasa Sitio Calamigin, Brgy. Bulakin, Tiaong, Quezon.
Mabuhay and Congratulations!
