ANG BAGONG COACH NG GILAS PILIPINAS

MY POINT OF BREW ni JERA SISON PATULOY pa rin ang nangyayaring nobela ng Gilas Pilipinas. Matapos ang kanilang paglahok sa FIBA World Cup at natapos ng isang panalo kontra tatlong talo, ang kasunod na yugto ay ang kanilang pagsabak sa nalalapit na Asian Games. Magsisimula ito ngayong ika-25 ng Setyembre sa Guangzhou, China. Tulad ng isinulat ko sa aking nakaraang kolum, marami sa mga manlalaro noong huling torneo ay maaaring hindi maglaro sa Asian Games. Ilan dito ay sina Dwight Ramos, AJ Edu, Rhenz Abando at Jordan Clarkson na…

Read More

BAKIT KAYA AYAW TANGGAPIN NG PNP ANG BAGONG DRUG TEST RESULT NI COL. GERENTE?

RAPIDO NI PATRICK TULFO BAKIT kaya ayaw tanggapin ng pamunuan ng Philippine National Police ang resulta ng independent drug test ng dating Mandaluyong Police chief na si P/Col. Cesar Gerente? Muling sumailalim sa drug test si Col. Gerente matapos magpositibo ito sa paggamit ng shabu sa surprise drug test na isinagawa ng PNP noong Aug. 24 at sa kasunod na confirmatory test noong Aug. 26. Sa isang panayam, ipinakita naman ni Col. Gerente ang negatibong resulta sa magkasunod na drug tests na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong…

Read More

TOP PERFORMING MAYORS SA BULACAN

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) MARAMING mahuhusay na mga alkalde sa Pilipinas. Ang ilan ay kilala ko nang personal habang ang iba naman ay napapanood ko lang sa telebisyon. Habang ang iba ay mismong ang mamamayan nila o ang kanilang nasasakupan ang nagsasabi at nagpapatotoo kung gaano sila kahusay. Kamakailan naman, nagkasa ng independent at non-commissioned survey ang JuanPH na mayroong 10,000 respondents mula sa Bulacan upang alamin ang top performing mayors dito. Nag-number 1 si Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte matapos makakuha…

Read More

SERBISYO NG KURYENTE MAKATUTULONG SA PAG-UNLAD NG BANSA

THINKING ALOUD PARA makamit ang sustainable at inclusive na paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng bansa, napakahalagang masiguro na mayroong access ang lahat sa pangunahing serbisyo kagaya ng malinis na tubig, edukasyon, serbisyong pangkalusugan, tirahan at kuryente. Kadalasan bahagi ang mga ito sa isinusulong na socio-economic agenda ng pamahalaan. Nitong nakaraang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, ipinangako niya na makakamit ang 100% electrification sa bansa bago matapos ang kanyang termino sa 2028. Ayon sa datos ng World Bank, nasa 97.5% na mga Pilipino na ang…

Read More

SIMULA NA NG REVISIONISM?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI na mababasa ng mga mag-aaral sa Grade 6 ang “Diktaduryang Marcos” sa kanilang libro sa Araling Panlipunan sa halip, ito ay “Diktadura” na lamang. Sa memo na may petsang Setyembre 6, 2023, planong palitan ng Department of Education ang “Diktadurang Marcos” ng “Diktadura” sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum ng bagong lunsad na Matatag curriculum. Kumalap ng iba’t ibang reaksyon sa online ang malupit na hakbang ng ahensya. Ang paglilinis sa pangalan ng mga Marcos sa pamamagitan ng social media ay lumawig na hanggang eskwelahan.…

Read More

SENATE BILL 2432 NI SEN. JV AT CIRCULAR NI SEC. ABALOS

DI KO GETS HINDI pa tapos ang laban ng pamahalaan kontra hoarding at smuggling. Tuloy-tuloy ang pagtugis sa kanila. May mga iniimbestigahan at may mga ginagawa na ring hakbang para sa mga apektadong sektor. Sa kabilang banda, umaasa naman si Sen. JV Ejercito na ipaprayoridad ng ipinapanukalang ‘Anti-agricultural Economic Sabotage Council’ ang mga tukoy nang smuggler at hoarder ng agricultural products sa bansa. Iminamandato ng Anti-agricultural Economic Sabotage Act (Senate Bill 2432) na bumuo ng konsehong tututok dito. Target dito ang mga sangkot sa pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura kung…

Read More

TELECOM INDUSTRY MUNTIK NANG YANIGIN NG SMC

RAPIDO NI PATRICK TULFO SEVERAL years ago, balak sanang pasukin ng CEO ng San Miguel Corporation na si Ramon S. Ang (RSA), ang telecommunication industry na dinodomina lang ng dalawang service providers, magpasa-hanggang ngayon. Nayanig ang industriya sa balitang ito at bilang katunayan ay naglabas ng pera ang mga kalaban ng San Miguel upang siraan ang pinakamalaking kumpanya, hindi lang dito sa buong Pilipinas kundi maging sa buong Southeast Asia. Paano ko po nalaman ito? Dahil isang kasamahan sa pamamahayag ang lumapit sa akin upang alukin na sumama sa binubuo…

Read More

MAKATI VS TAGUIG

MY POINT OF BREW ni JERA SISON MALALIM ang hugot ng hidwaan sa pagitan ng pamahalaan ng Makati City at Taguig City. Dalawang mabigat na pamilya pulitikal ang namamayani sa dalawang lungsod. Kung ating ihahambing ang labanan na ito, para itong sikat na serye noon sa telebisyon na pinamagatang “The Game of Thrones”. Ang isa ay ang kapangyarihan ng mga Binay ng Makati at sa kabilang ibayo naman ay ang kaharian ng mga Cayetano. Matatandaan, ang unang salpukan ng dalawang pamilya ay nag-ugat noong 2013 nang magsalita ang pamunuan ng…

Read More

34TH PHIL. TRAVEL MART AT BAKBAKAN SA TAGKAWAYAN

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) AYAW pa ring tumigil ng mga makakaliwang grupo sa kanilang pakikibaka. Bagama’t humihina na sila, patuloy silang nanggugulo sa gobyerno. Ngunit hindi sila papayagan ng pamahalaan na magpatuloy sa kanilang armadong pakikibaka. Susugpuin ng gobyerno ang mga ito. Mariin namang kinondena ni Quezon Gov. Helen Tan ang naganap na engkwentro sa pagitan ng 85th Infantry Battalion at hinihinalang Communist Terrorist Group-New People’s Army (CTG-NPA). Sinasabing nangyari ito, humigit-kumulang limandaang metro mula sa hangganan ng Tagkawayan, Quezon at Labo, Camarines Norte. Tiniyak…

Read More