SAKLOLO!!!

PUNA ni JOEL O. AMONGO ITO ang nagkakaisang sigaw ng mga residente ng North Grove Subdivision, Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga dahil posibleng hindi na nila mapakinabangan ang kanilang housing units dahil hindi humuhupa ang tubig-baha sa kanilang lugar. Mistulang ilog na ang buong Phase 1 ng North Grove Subdivision nitong nakaraang araw na kasagsagan ng mga pag-ulan dahil sa Bagyong Egay. Bangka na ang ginagamit na transportasyon ng mga residente sa nabanggit na subdivision dahil sa taas ng tubig-baha sa kanilang lugar. Dati nang binabaha ang kanilang kinalalagyan,…

Read More

HINDI LANG SI BBM NINENERBYOS SA MAHAL NG BILIHIN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TUMAAS ang presyo ng bigas, gulay at iba pang bilihin sa mga merkado sa bansa, batay sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA) ngayong panahon ng bagyo. Mula P1.50 hanggang P2 kada kilo ang itinaas sa presyo ng bigas. Baka nanginginig na sa nerbiyos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gaya ng sinabi niya kamakailan dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas kahit mag-angkat ang gobyerno dahilan sa pinsala sa agrikultura ng Bagyong Egay. Pero tiyak ko hindi lang si BBM ang ninenerbyos ngayon kundi…

Read More

CONG. ARNIE TEVES AT IBA PA, IDINEKLARANG TERORISTA NG ATC

RAPIDO NI TULFO TINOTOO ni DOJ Sec. Crispin “Boying” Remulla ang banta nito na ipadedeklarang terorista si Negros Oriental Arnolfo “Arnie” Teves matapos masangkot sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo sa kanilang lalawigan. Matatandaang pinagtawanan lang ni Teves ang pahayag ng kalihim pero sa isang resolusyon na inilabas kahapon lamang ng Anti-Terrorism Council (ATC), binansagang terorista ang suspendidong mambabatas kasama ang kapatid nitong si Pryde Henry Teves. Bukod sa magkapatid na Teves, kasama rin sa ATC Resolution No. 43, na pinangalanan ng naturang ahensya na Teves Terrorist Group, ang mga…

Read More

BUWIS PA MORE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PUNTIRYA ng pamahalaan ang mga bagong buwis upang makakolekta ng P1 trilyon. Sa kanyang ikalawang SONA, inilatag ni President Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng mga prayoridad na hakbang para talakayin ng Kongreso. Nasa listahan ang ilang mahahalagang tax measures na kinabibilangan ng motor vehicle user’s charge, o road users tax kung saan tataasan ang bayarin ng mga may kotse, motor, at iba pang mga sasakyan. Puro dagdag-kita ang naiisip pero ang papasan ay taumbayan. Malaking karga nga ito sa investment ng gobyerno pero kailangang may…

Read More

PANUNUMPA NI CONG. ERWIN TULFO AT PRAYORIDAD NI TOURISM SEC. FRASCO

TARGET NI KA REX CAYANONG WALA nang legal na balakid sa pag-upo ni Cong. Erwin Tulfo bilang bagong kinatawan ng ACT-CIS party-list. Sa pagbubukas kasi ng second regular session ng Kamara, aba’y nanumpa na siya sa harap ni House Speaker Martin Romualdez. Ang panunumpa ni Tulfo ay nangyari matapos mag-isyu ang Commission on Elections (Comelec) ng certificate of proclamation kung saan iniluklok siya bilang third nominee ng party-list. Siya ang pumalit kay dating Cong. Jeffrey Soriano (third nominee) na binakante ang posisyon noong Pebrero 2023. Ang pagpalit niya kay Soriano ay…

Read More

MAY SCAMMERS PA RIN

DPA ni BERNARD TAGUINOD MULA noong July 26 ng madaling araw ay dapat pinutol na raw ang linya ng mga subscriber identity module (SIM) card na hindi nairehistro kasunod ng pagtatapos ng registration period noong July 25, ngunit may mga nagtatangka pa ring mag-scam gamit ang kanilang numero. Tulad ng natanggap kong text message mula sa numerong +63 939 954 0230 noong July 30 ng gabi, na nagsasabing “Dear 2906 user: You have 7788 points expiring on 08/01/2023. click xinnuu.com to exchange for watches, bags.” One hundred one percent na…

Read More

DAPAT MAY MANAGOT SA PAGLUBOG NG MV AYA EXPRESS

PUNA ni JOEL O. AMONGO ISA na namang trahedya ang naganap nitong kasagsagan ng malakas na ulan na kinasangkutan ng isang bangkang de motor sa Laguna de Bay na ikinamatay ng 27-katao. Base sa ating natanggap na impormasyon, 27 katao ang nasawi sa paglubog ng MV Aya Express sa Laguna de Bay noong Hulyo 27, 2023. Sa isinagawang Pulong Balitaan sa Quezon City, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, magtutulungan ang PCG at Philippine National Police (PNP) sa pangangalap ng mga ebidensiya laban kay Donald…

Read More

KAAWA-AWANG MGA PINOY

KAALAMAN Ni Mike Rosario ISANG buwan na lang bago pumasok ang ber months ay muli na namang sinalanta ng kalamidad (Egay) ang ilang mga lugar sa bansa. Matapos na manalasa si Bagyong Egay (international name: Doksuri) na umalis na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Huwebes ng umaga, ay mayroon na namang nagbabanta na masamang panahon. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang low pressure o masamang panahon na nasa layong 1,800 kilometers east of northeastern Mindanao, ay lumalakas na posibleng maging isang tropical depression na…

Read More

PERMANENTENG SOLUSYON SA PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA

ITO ANG TOTOO ni Vic V. VIZCOCHO, Jr. PAULIT-ULIT na lang na kapag may matinding bagyo, malamang may pagbaha, at minsan ay “landslide” o pagguho ng lupa na naninira, hindi lang ng mga ari-arian kundi pati buhay ng mamamayan. Ito Ang Totoo: Napag-aaralan at napaghahandaan ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga partikular na lugar na “vulnerable”, katunayan, naima-mapa pa ang mga ito gaya ng gawa ng ilang mga ahensya at sangay ng gobyerno. Pero ganoon pa rin, kapag may matinding bagyo, kandarapa ang mga kinauukulan sa…

Read More