SA GANANG AKIN ni JOE ZALDARRIAGA HINDI na kataka-taka na marami sa atin ay nasasabik na para sa nalalapit na pagdaraos ng FIBA World Cup 2023 sa ating bansa. Noon pa man ay makikita na sa ating mga lansangan ang pagmamahal ng Pilipinas sa basketbol—mula sa mga batang naglalaro sa kanto hanggang sa katanyagan ng laro sa ating bansa. Bahagi na ito ng ating kultura at araw-araw na pamumuhay. Handang-handa na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) pati na rin ang ating pamahalaan para ipakita hindi lamang ang galing ng…
Read MoreCategory: OPINYON
AYUDA SA EGAY VICTIMS AT PAGBUHAY SA BICOL EXPRESS
TARGET NI KA REX CAYANONG HINDI pinababayaan ni Rizal Governor Nina Ynares ang kanyang mga kababayan. Talagang inihahatid ang mga pangangailangan nila. Kung hindi ako nagkakamali, hanggang nitong kamakalawa ng gabi, aba’y maraming pamilya pa rin na apektado ng Bagyong Egay ang nananatili sa mga evacuation center sa bayan ng San Mateo. Sinasabing karamihan sa kanila ay naninirahan sa low-lying areas kaya’t hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan. Habang isinusulat ko ang kolum na ito, mahigit 900 evacuees pa raw ang nananatili sa Maly Elementary School, Guinayang National High…
Read MoreKORAPSYON SA ISABELA DEDMA SA SENADO
BISTADOR ni RUDY SIM ANG hangarin sana ng isang taong may malasakit sa kanyang bayan na noo’y kanya nang pinagsilbihan at hanggang sa kasalukuyan, ay nakikipaglaban upang magkaroon ng imbestigasyon at mapanagot ang mga itinuturong matataas na opisyales ng Isabela, na nasa likod ng walang habas na pagsasamantala sa kanilang kapangyarihan, ay tila pinagtatakpan pa ng mga inihalal ng taumbayan sa nakaraang halalan. Bilang malasakit sa kanyang lupang sinilangan ay mas nanaig pa rin sa dating alkalde ng Angadanan, Isabela na si Manuel “Noli” Siquian Sr. na dinggin ang karaingan…
Read MoreRAPIDO MUNTIK NANG MABIKTIMA NG SCAMMER SA UAE!
RAPIDO NI TULFO NOONG nakaraang taon, sa kasagsagan ng problema ng mga OFW sa Dubai, UAE sa nawawalang mga bagahe, naisipan ng inyong lingkod na maghanap ng kapartner sa bansang UAE para mag-umpisa ng cargo company upang matiyak na makararating sa mga pamilya sa Pinas ang mga bagaheng ipinadadala ng mga OFW. Marami tayong nakilalang “investors” doon at natuto tayo na iba ang sistema ng pagnenegosyo sa bansang UAE. Ang pinakahuling nakausap ng Rapido ay itong si Ferly Marie Dela Cruz Reyes, na ipinakilala ng dating correspondent ng Rapido sa…
Read MoreDAPAT BANG PAYAGAN ANG MGA AFGHAN REFUGEE SA ATING BANSA?
MY POINT OF BREW MARAHIL ay hindi gaano napapansin ang balitang ito dulot ng iba’t ibang isyu na kasalukuyang pinag-uusapan sa ating lipunan. Subalit ang isyu na kung dapat paunlakan natin ang hiling ng Estados Unidos na payagan pansamantala na kupkupin ng Pilipinas ang mahigit 50,000 Afghan refugee ay tama. Ito ay habang inaayos ng US ang estado sa permanenteng pagkupkop ng mga Afghan refugee sa kanilang bansa. Isang mahalagang isyu ito na dapat nating bigyan ng mabuting pansin. Hindi naiiba ito. Noong natalo sa digmaan ang South Vietnam sa…
Read MorePATAY SA SEPTIC TANK SA NBP, PINAIIMBESTIGAHAN NI CONG. ERWIN TULFO
TARGET NI KA REX CAYANONG NABABALOT na naman ng kontrobersiya ang New Bilibid Prison (NBP). Ito’y dahil sa nangyari sa Bilibid inmate na si Michael Cataroja na iniulat na nawala at natagpuang patay sa septic tank sa maximum security compound. Kaya pinaiimbestigahan ito ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa Kamara. Batay sa House Resolution No. 1136 na inihain niya kasama ang iba pang kinatawan ng party-list, hinimok nila ang mga kasamahang kongresista na siyasatin ang insidente. Noong Hunyo pa raw nawawala ang 25 taong gulang na bilanggo hanggang sa makita…
Read MoreDABAWENYOS ‘DI NA NATUTUWA SA BBM-SARA TANDEM
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ISANG porsyento na lang ng mga taga Davao City ang nagtitiwala kay Presidente Ferdinand Marcos, Jr. Base ito sa survey na isinagawa ng Institute of Popular Opinion (IPO) ng University of Mindanao mula Hunyo 7-13, 2023. Sumadsad at halos mabokya si Marcos, Jr. na noong isang taon ay kumabig ng 49.5% net trust rating. At sa kanyang balwarte, natikman din ni VP Sara Duterte ang pagdausdos ng kanyang net trust rating, na mula sa 78.1% noong 2022 ay sumirko sa 46% nitong 2023. Isinagawa ang survey…
Read MorePROTEKTOR NG MGA SMUGGLER DAPAT PUNTIRYAHIN DIN
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI lang ang smugglers ang hoarders ang dapat giyerahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kundi ang kanilang mga protektor sa gobyerno, kung nais niyang magtagumpay sa idineklara niyang giyera sa economic saboteurs na ito. Ang mafia ay nabubuo lang naman dahil sa kanilang mga koneksyon at kapit sa mga taong nasa kapangyarihan na sumasalo at tumutulong sa kanila pero kung ‘yung smugglers lang ang pupuntiryahin ay walang mangyayari dyan. Maaaring mapatigil ang isang smuggler sa kanyang ilegal na aktibidad pero may papalit sa kanya dahil…
Read MoreSINABI NI PBBM SA SONA, TALIWAS SA TOTOONG NANGYAYARI
PUNA ni JOEL AMONGO MARAMI ang nagtaka kung bakit sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang ika-2 State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 24, 2023, na bumaba ang inflation rate sa nakalipas na isang taon sa kanyang panunungkulan. Base sa sinabi niya sa kanyang SONA, bumaba ang presyo ng mga bilihin (inflation rate) sa ilalim ng kanyang administrasyon, partikular na binanggit niya ang mga bilihin na mabibili sa mga Kadiwa store. Ayon sa mga nakapanayam ng PUNA, maaaring totoo na mababa ang presyo sa mga…
Read More